7

117 10 0
                                    

Chapter 7

Jealous Boyfriend





"Nissy!" I came to her nang makarating sa classroom. No'ng una ay hindi pa niya ako nilingon kaagad because she was too preoccupied with her phone. No'ng ikalawang tawag ko ay doon na siya lumingon nang nakangiti sabay baba ng kaniyang phone.

"Hi! Good morning!" She greeted with a wide smile.

Pinanliitan ko siya ng mata. She looked at me innocently so I just dropped it.

"Good morning"

"Walang maganda sa umaga" ani ng nakasimangot na si victoria. We looked at her questioningly at tahimik lang siyang umupo sa kaniyang upuan, sa likod ni nissy.

"Kakarating mo lang. Nakasimangot ka na kaagad. Anong nangyari sa'yo?"

Inirapan niya lang ako sabay iwas ng tingin. Nagkatinginan kami ni nissy. We both shrugged.

"Don't mind her. Wala namang bago. Palagi naman 'yang nakasimangot" ani nisssy.

"Naririnig ko kayong dalawa! Tigilan niyo ako! I'm not in the mood for anyone!"

We stifled a laugh. Hinayaan na nga siya namin.

"So...tuloy tayo mamaya?" Tanong ko.

"Oo naman!"

Napangiti ako. Umupo na ako sa upuan ko at ilang minuto pa ay dumating na ang first subject prof namin.

"Nissy!" Tawag ko sa kaniya pagkatapos ng buong umagang klase namin. Tori was nowhere to be found. Kaagad lang naman siyang umalis pagkatapos ng klase, walang imik. Si nissy naman ay nauna na sa locker niya para iwan ang kaniyang mga gamit.

"Halika na!" She said and i clung my arms on hers. Sumakay na kami sa sasakyan niya at pumunta na ng kanilang bahay.

"Wala ka bang ibang kasama dito? Baka nandito ang mga magulang mo? Nakakahiya naman..."

"Wala! Wala sila dito. My dad is in a business trip at bukas ng gabi pa ang uwi."

"Ang step mom mo?"

"Edi sumama sa kaniya!"

I chuckled. Nilibot ko ang tingin sa malaking bahay nila. It was huge...halatang mayaman talaga sila. Well, out of us three, si nissy lang naman talaga ang mayaman. Hindi nga lang siya katulad ng ibang mga mayamang babae, she is so down to earth and dresses up simply. Hindi din siya gaanong maarte.

Actually, she has a condo under her name. Kaya nga nagtaka ako kung bakit dito niya ako dinala. When i asked her, she told me that kumpleto daw ang gamit dito sa bahay nila kesa sa condo niya. Kumpleto din sa ingredients. Dahil hindi pa daw siya nakakapag grocery dahil minsan lang din daw siya namamalagi roon.

"Sigurado ka bang tama itong ginagawa ko? Alam mo namang hindi ako marunong nito."

"Ash? You cannot be that ignorant in cooking to burn a pan full of boiling pasta!" tawa niya.

Ngumuso ako. "pero mao-overcook ko 'to, diba? Tingnan mo nga?"

Umiling-iling lang siya pero sinilip din naman.

"Maybe two more minutes and that'll be good,"

Tumango ako. "Okay"

Bumalik na siya sa counter, sinundan ko siya ng tingin. "Can we switch?"

"Huh?"

"Ako na lang diyan. Ako na maghiwa. Ikaw na dito" mukha kasing mas madali lang ang ginagawa niyang paghiwa. Marunong kaya akong maghiwa. Hello!

Her unheard weeps (Affliction Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora