Chapter One

12K 112 8
                                    

Chapter One

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter One

"Aliah! Ano ka bang bata ka?! Tumayo ka na nga d'yan!" sigaw ni Ananya sa anak n'yang nakadapa pa habang nahihimbing. Ang nag-iisang anak n'yang babae. Umungol lamang ito at saka nagtalukbong ng kumot. "Aba't?! Ano ba?! Ma li-late ka na!" sigaw n'ya ulit saka pinamulot ang mga nag kalat na damit at kung ano-ano pang gamit nito sa sahig.

"Hay naku talagang bata ka oo! Bente-anyos ka na pero hindi ka pa din marunong magligpit ng kwarto mo?! Tapos palagi ka pang late sa pasok mo! Paano na lang kung matanggal ka sa trabaho mo?!" Tinakpan ni Aliah ang kanyang tenga gamit ang kanyang kamay. Tuwing umaga na lamang ay ganito senaryo nila.

"Ma naman eh! Maaga pa!"

"Anong maaga? Alas-syete na kaya! Hay naku, bahala ka nga dyan! H'wag mo akong sisisihin ha?" Nilagay na n'ya ang mga labahan ng anak at saka naglakad patungo sa pinto ng kwarto.

Hindi kalakihan ang kwarto ni Aliah. Ang pang isahang higaan nito ay nasa pinaka gitna ng silid na palaging magulo. May kung ano-ano ring nakadikit na mga poster ng isang sikat na banda sa buong bansa sa paligid ng dingding nito. Nakalagay sa may paanan ng higaan niya ang malaking cabinet niya na katabi ng bintana. May maliit ding lamesa sa tabi ng higaan niya. Sa tabi ng pinto niya ay ang maliit na shelf na kung saan mayroong mga libro. Bukod sa gitara at mga sapatos na hilig niya ay wala ng iba pang nakalagay sa loob ng kwarto ni Aliah. Bukod sa hindi siya mahilig sa mga gamit ay wala naman talaga siyang maibibili.

"Alas-syete pa lang pala eh..." Umayos ulit ng higa si Aliah pero agad ding napaupo mula sa kama. "Alas-sete na?!" sigaw ni Aliah.

"Opo kamahalan," sarkastong sagot ni Ananya sa anak.

"Waah! Late na ako!" Nagmadaling tumayo si Aliah mula sa higaan n'ya at pumunta sa cabinet saka kumuha ng isusuot na damit. "Mama naman eh! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na alas-syete na pala!" himutok niya at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa likod ng kanyang pinto.

"Ano? Alam mo bang limang beses na akong pumunta dito para gisingin ka, pero ayaw mong magising!" paliwanag ni Ananya sa anak. Napailing na lamang s'ya habang pinapanood si Aliah na hindi magkanda ugaga sa pagkuha ng gamit.

"Eh dapat kasi - haist!" Umiling na lamang si Aliah at lumakad na palabas ng kwarto. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay muli siyang bumalik sa tabi ng kanyang ina.

"Bakit? May nakalimutan ka?" nagtatakang tanong ni Ananya sa anak nang tumigil ito sa harapan n'ya. Ngumiti ito sa kanya.

"Good morning ma!" magiliw na bati ni Aliah sa ina at hinalikan ito sa pisngi saka tumakbo na papuntang banyo.

Napangiti na lang si Ananya, kahit kasi may pagkamakulit at batugan ang kanyang anak ay napaka sweet at mapagmahal naman ito. Kaya masaya na s'ya dahil napalaki n'ya ng maayos si Aliah kahit mag-isa n'ya lang itong tinaguyod. Masaya na s'ya kahit wala ang ama nito, masaya na s'ya na sila lang dalawa.

Bawal na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon