101

359 13 0
                                    

Before Tagaytay vacation⏪

Sami POV

Pagkatapos sabihin ni ylona lahat kay Rese ay natulog na kami!

Kinabukasan ay maaga ako nagising at lumabas ng Kwarto pero pagkagising ko ay wala si Rese!

Usually kasi si Rese ang una nagigising kaya agad ko napansin na wala siya!

Pumunta ako sa Kwarto ni Rese pero nakita ko lang doon ay si ylona na tulog parin!

Lumapit ako sakanya at sinimulan gisingin para tanungin ko asaan si Rese

Hoy ylona gising! Asaan si rese!?
Tanong ko

Hmmmm...... Bat ba ang aga aga mo nanggigising!!
Sabi ni ylona na nakapikit parin ang mata

Asan si Rese!?
Tanong ko

Umupo agad siya at kinusot ang mata niya

Si rese!? Asaan!? Hala!
Sabi niya

Nilibot ko ang mata ko at may nakita ako sticky note na nakadikit sa side table ni Rese

Lumapit ako sa side table niya at binasa ang naka sulat

Note:

Ylona wag ka mag alala naglibot lang ako at nag excercise sa labas kailangan ko ng fresh air, Sorry hindi na kita ginising ayaw ko naman masira tulog mo

Wag kayo mag alala nag luto na ako ng almusal sa baba bago umalis!

Wow naman nakapag luto pa siya ng almusal!
Sabi ko

Hindi nag react si ylona kaya bumalik ang tingin ko sakanya

Hala siya natulog ulet nako nako nako!

Iniwanan ko na si ylona doon at ako naman ay bumaba na at nagsimula na kumain ng almusan na niluto ni Rese

Ah nagluto lang siya ng egg at bacon tapos tinapay pero nag saing din siya ng kanin pero nag tinapay nalang ako diet ehh hahaha

After ko kumain ay tulog parin ang iba kaya naisipan ko lumabas at hanapin nalang si Rese

Nakapag palit na ako ng black crop top na pang workout at black leggings nagsuot narin ako ng black cap and black face mask nagdala narin ako ng earphones para may music habang nag jojogging ako

Nag iwan nalang rin ako ng note sakanila para hindi sila mag alala saakin

Ng makalabas na ako ng bahay ay nag lakad lakad na ako papunta sa park dahil kadalasan ay sa park tumatambay si Rese pero mamaya check ko siya sa gym malapit sa bahay

Nag lalakad na ako sa park ng biglang may nabungo ako!

Ah! Sorry Sorry ayos ka lang?
Tanong ng isang lalaki na familiar ang boses

Ah oo ayo............. Stell!
Sabi ko

Shhh........ Sam....
Gulat na sabi ni Stell

Tinakpan ko agad ang bibig ni stell para hindi siya sumigaw dahil malakas bosis niya at baka makakuha ng attention ng marami at baka pagkaguluhan pa kami

Ano ginagawa mo dito?
Tanong ko

Nag jojogging hindi ba halata?
Sabi ko

Ikaw?
Tanong ko

Ah nag jojogging hindi ba halata?
Ginaya niya ang boses ko

Sinamaan ko siya ng tingin

Naka black short siya at white T-shirt naka face mask rin siya at black cap

In love with a Fangirl (Sb19)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora