The Gift (?)

2.2K 50 12
                                    

[5]

okay, pasensya na kung maiksi lang ito--siningit ko lang pagtype dahil may meeting pa ako. hindi nagcancel tulad ng iniexpect ko. T^T just to clear things up, para makafocus na ako kay Kyle..hehehe. IYKWIM.

____________________________________________________________

Sunday pero paggising ko wala na si Vladimir sa tabi ko, kahapon lang ang saya saya pa namin habang nasa Enchanted Kingdom kami, ano nanaman ito?

"Mama, where's Papa?" Tumabi sa akin sa kama si Kristoffer.

"Ah--uh, he has something to attend to.." Pagsisinungaling ko sa kanya.

Tumango lang sya at di na nag usisa pa.

*Ring ring ring*

Excited ko pang kinuha ang iPhone ko, baka si Vlad na ito. Pero nadisappoint lang ako nang makitang pangalan ni Ate Carlene ang nagfa-flash sa screen.

"Hello? Ate?"

"Good morning Max, how are you?"

"I'm fine. Ikaw?"

"Same here, is there something wrong?"

Lumayo ako sa kama, dun sa hindi na abot ng pandinig ni Kristoffer.

"Paggising ko kasi wala nanaman ulit sya sa tabi ko."

"The hell's wrong with him? Pupunta ako dyan ha.."

"Wag na Ate, sa ospital nalang tayo magkita, check up ko kasi ngayon."

"Pupunta na ako. I'll drive for you. Magprepare na kayo ni Kristoffer." Then the line went off.

Pagdating namin sa ospital ay di parin humuhupa ang galit niya sa kapatid.

"Dapat sya ang kasama mo ngayon eh. Naku malaman ko lang talaga kung sino yung Miyuki na yun--"

"Ate, naririnig ka ni Kristoffer."

"Naku baby kamukhang kamukha mo pa naman tatay mo, wag mo sanang makuha ang ugali.." Baling nito kay Kristoffer na nakatingin lang sa kanya, pasalamat nalang talaga ako dahil sobrang konti lang ang naiintindihan nito na tagalog.

"May alam ba sina Erik?" Tanong ko sa kanya--pang siyam pa naman ata kami sa mga nakaline up na pasyente kaya nakaupo lang kami ng komportable dito sa lounge.

"--Teka nga tatawagan ko yun.." Agad niyang kinuha sa bag niya ang phone niya at nagdial.

The Proxy DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon