CHAPTER 15 [1/2]: KAARAWAN

44 6 0
                                    

Dali-dali nang tumakbo paakyat ng rooftop si Pipe dahil sa nabasang mensahe mula sa kanilang silid.

Pinagsawalang-bahala na lang nito ang sama ng loob na nararamdaman sa mga kaibigan at kumaripas na sa paggalaw habang hindi magkandamaliw sa kaba at takot.

Habang papalapit na siya sa paroroonan ay mas lalo pang nag-usig ang sagimsim at pangangamba kaya nang makaharap na niya ang walang kalatis na pinto ay napahugot muna ito ng napakalalim na hininga at daglian ng binuksan.

~Pop!~

"HAPPY BIRTHDAY, PIPE!" sabay-sabay na pagbati ng hindi mabilang na labing nakangiti at matang nakatingin sa kaniya.

Nagmistulang istatwang hindi makagalaw at makakibo si Pipe dahil sa puspos ng galak na nararamdaman. Wala na siyang ibang magawa kundi paalpasin ang luhang nais kumawala. Tumulo ang kaniyang luha habang ngumingiting nakatitig sa mga kaibigan.

"♪Happy Birthday to you...♪" sinimulan ni Micah ang pagkanta habang tanlan-tanlan ang keyk at dahan-dahang tumungo kay Pipe.

"♪Happy Birthday to you...♪" itinuloy ni Keith

"♪Happy Birthday! Happy Birthday...♪" dinugtungan ni Yna at sumenyas sa lahat ng bisita na magkaisang kumanta ng, "Happy Birthday to you!"

"Happy Birthday, Pipe!" bati ng tatlong matatalik niyang kaibigan, "Make a wish!" dagdag pa ni Micah.

Dahan-dahan nang pumikit si Pipe at nagsaad ng pangkaarawang panalangin, "Sana...itong tatlong taong nasa harapan ko ngayon ay manatili sa tabi ko habang buhay." mayari ay binuklat na nito ang mga mata at tinungo ang tingin sa kaniyang mga kaibigan na nakangiti sa kaniya, "I love you." mangiyak-ngiyak na banggit ni Pipe kina Keith, Micah at Yna at tiyaka hinipan ang nakasinding kandila.

"Okay!" masiglang hiyaw ni Keith na nagpabasag sa emosyonal na atmospiya, "Let's pa-rrrrr-ty!" nanggigil na palakat at sabay na itinuro si Micah.

"D-d-dj-dj!" ginaya ni Micah ang galaw ng Dj na kinalaluskos ang disko at ipinasa ang turo kay Yna.

"Drop the beat!" natahimik ang lahat ng bisita dahil sa hindi nila inaasahang kilos ni Yna sapagkat kilala ito sa kanilang paaralan bilang tahimik at subsob sa pag-aaral. Sa halip na mahiya, Makwela niya pang ipinasa ang turo kay Pipe.

"Hit it!" hindi magkandamaliw na sigaw ni Pipe na nagpasimulang magpa-hype sa buong rooftop.

Hindi na nagdalawang-isip pa na tugunan ng magka-kaibigan ang pinapasang turo sa isa't-isa dahil madalas silang isinasama ni Keith sa Bar tuwing nabibitin at hindi siya sinisipot ng kaniyang kameet-up.

Nagkasiyahan at nagdansahan na ang tanan sa saliw ng nakakaindak at kumakalabog na tiyempo.

Natigilan lamang ang walang patid na enerhiya ng mga mananayaw nang biglang nagpatugtog ng Love Song ang DJ.

Ang karamihan ay nagsi-upuan na dahil wala silang kasayawan at ang iba naman ay nagpatuloy sapagkat mayroon silang kaparehas.

Habang nakaupo si Pipe napansin niyang hindi nakasintas ang kaniyang sapatos kaya yumukod muna ito at inayos ang pagkakalaso ng tali nang biglang may tumapat sa kaniyang mukha na isang kamay na may tanlan na regalo. Hindi na ito nagdalawang-isip pa at kara-karaka nang tumingila, doon kaniyang nakita ang abot-taingang ngiti ni War.

"Happy Birthday!" masiglang wika ni War.

"Nag-abala ka pa, senior..."

"Shhh! War nalang. Wala naman tayo school."

"Anyway, Thank you...War." pabirong pasasalamat ni Pipe bago tinanggap ang regalo.

Nakatayo pa rin si War sa harapan ni Pipe at kagyat nanaman itong pumalad.

"Can I dance you?" lakas loob na paga-aya ni War.

Napatingala na lang muli si Pipe sa kaniya at nangusap na, "Ako?"

"I mean...if you won't mind."

"Totoo nga?" paninigurado ni Pipe na tinugunan ng tango ni War, "Ahmmm..." napahinga muna ito ng malalim at napakurap-kurap bago ipinagbahala na, "Okay. G!"

Inilapat ni Pipe ang kaniyang palad sa mala-bulak sa lambot na kamay ni War at saka lumugal sa bakanteng parte ng sahig sayawan.

Mayaring pumwesto, sinumulan na ng dalawa ang pagbuwelo sa giwang kasabay ng humahalinang tunog ng musika.

Nailang silang dalawa sa kasalukuyang sitwasyon ngunit imbis na tumahimik ay natawa pa sila ng nagkrus ang kanilang mga tingin.

"Anyways, hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa'yo sa pagdalaw at pag-aalala sa akin noong nasa ospital ako. Thank you!" walang halong biro na wika ni Pipe.

"Wala 'yon. Basta mas mag-ingat ka lagi para hindi na maulit." nilagay nito ang kaniyang kamay sa buhok ni Pipe at tyaka mabining nilaro dahilan upang mahinto sila sa pagsayaw, "Madaming mag-aalala sa'yo." sambit ni War.

"Oo nga e. May nabalitaan nga akong bigla nalang daw tumakbo ng mabilis palabas ng Condo nung nalaman niyang nasa ospital ako." naglalarong mga titig at bigkas ni Pipe habang hindi makatingin ng diretso si War sa kaniyang mga mata. "Kinuwento lang sa'kin ni Keith, "War" daw pangalan." napabungisngis nalang si Pipe sa nakakatuwang reaksiyon ng kaharap.

"Lintik na Keith!" buwisit na sambit War.

Nagtawan nalang sila sa gitna hanggang sa napansin ni Pipe na sinesenyasan siya ni Keith ng, sayaw kaming dalawa!

Agad na nakuha ni Pipe ang nais ipabatid ni Keith kaya walang patumpik-tumpik na itong gumawa ng paraan.

"Speaking of the demonyo, tinitingnan ka niya sa likod, kanina pa. Gusto ka niya daw isayaw." lumingon si War sa kaniyang likuran at nakita niya ang nakangiting Keith habang ikinakaway ang kamay.

"Wait him here ha. Kuha lang akong drinks."

"Pi..." pipigilan pa sana ni War si Pipe ngunit nagulat siya sa kaniyang nakita nang siya ay lumingon.

Sa pagmamadaling pagtalikod ni Pipe, nakabangga siya ng isang bisita na naging dahilan ng kaniyang pagkatapilok.

Hindi na siya nakapagbalanse pa, pinikit na lamang ang mga mata at inasahan nang mahuhulog sa sahig ngunit laking pagtataka na lamang niya nang maramdaman niya ang mala-kutsong bisig na kaniyang binagsakan. Kapagdaka niyang minulat ang kaniyang mga mata at doon niya natanaw si——

I Need Your I Love You (BL Story)Where stories live. Discover now