Chapter 1

21 0 0
                                    

Kit POV

6:00 am.

Hayst first day of school. Ba't kasi ngayon pa, isang lingo pa ayoko pang pumasok. Matutulog sana ulit ako kaso may epal hayst.

"Kit gumising kana anong oras na malalate tayo neto!". Ang ganda ng alarm ko nu nagsasalita hahahahaha nga pala kuya ko yan si kuya Airon gwapo sana pero maingay parang speaker.

Actually may apat akong kuya ang panganay ay si kuya Airon, pangalawa naman sina kuya Austine at kuya Killian at ako ang bunso. Wala ang parents namin dahil nasa ibang bansa sila nagtratrabaho at doon na nakatira, habang kami naiwan dito sa Pinas. Simula nung umalis sila si kuya Airon na ang tumayong nanay at tatay namin.

"Kit!" Natauhan ako ng sumigaw ulit si kuya.

"Gising nako!" Sagot ko sa kanya.

Dali dali akong naligo, pagkatapos akong naligo sinuot ko na ang uniform ko bago ako bumaba tumingin muna ako sa salamin mukhang maayos naman ako. Maroon ang kulay ng skirt at necktie namin, samaltalang sa pang itaas naman ay kulay white na blouse, at kulay maroon rin ang blazer namin na mayroong logo ng school. Nakalugay ang buhok ko para mas maganda akong tignan pagkatapos kong tignan ang sarili ko bilis akong bumaba papunta sa dining room para kumain. Tamang tama pagkababa ko nandoon na sina kuya at kumakain na.

Nakaupo si kuya Airon sa gitna busy sa phone katatapos lang niya sigurong kumain, sa kanan niya si kuya Austine na tahimik lang na kumakain at sa kaliwa naman ay si kuya Killian  na busy sa laptop, habang si nanay Rita naman ay naghahanda ng agahan.

"Good morning!" Bati ko sa kanila at umupo.

"Good morning lil sis" Bati ni kuya Killian sakin habang nakatitig sa laptop nito.

"Ba't ang tagal mo?" Tanong sakin ni kuya Austine.

"Inaantok pa ako kuya eh" Nakita kong nasamid siya sa sinabi ko.

"What time did you sleep last night?" Tanong sakin ni kuya Airon at itinigil ang paggamit ng phone nito.

"Last time I checked my phone it was already 2 am but I still couldn't sleep" Sagot ko. Late na kasi akong natulog dahil tinapos ko muna ang binabasa kong libro at nakasanayan ko ng  magbasa ng libro tuwing gabi bago ako matulog.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo noon na tigilan mo na ang pagbabasa sa gabi dahil mas masisira at mas lalabo ang mga mata mo" Pangaral ni kuya Airon. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain.

Biglang tumayo si kuya Airon at kinuha ang kaniyang mga gamit at sunod namang tumayo si kuya Austine bitbit ang kaniyang bag samantalang kami naman ni kuya Killian ay naroon parin sa hapag kainan, abala siya kaniyang laptop habang ako naman ay kumakain pa.

"Una na ako sa sasakyan sunod nalang kayo, Kit at Kill bilisan niyo" Sabi ni kuya Airon habang naglalakad papalabas at tumango nalang kami bilang sagot. "Nay Rita papasok na kami kayo na po ang bahala dito" Paalam nito.

"Kit bilisan mong kumain" Utos ni kuya Killian at kinuha niya ang kaniyang bag at pati narin ang akin, sakto namang tapos na ako. Nauna ng lumabas si kuya habang ako nag paalam muna kay Nay Rita.

"Una na kami Nay" Paalam ko kay Nay Rita. "Mag ingat kayo at ikaw pagbutihin mo ang iyong pag-aaral" Paalala nito sa akin. Si Nay Rita ang nagalaga saming apat simula nung bata pa kami.

Pagsakay ko sa sasakyan nakita kong si kuya Austine ang nasa driver seat siya nga pala yung magdridrive tinatamad na naman siguro si kuya Airon kaya siya ang pinagdrive.

Time check: 6:40 am.

Abala ako sa panonood sa phone ko ng bila akong tinawag ni kuya Lian.

"Kit" Tawag sakin ni kuya Killian.

RIVALSWhere stories live. Discover now