Chapter 30

8.5K 159 6
                                    

Matitingkad na ang mga palamuti sa langit at ang buwan naman ay nakangiti. Nakahiga silang pareho ni Atticus sa ibabaw ng sasakyan habang nakatunghay sila sa dagat na bituin. Maliwanag ang buong oval dahil sa napakaraming ilaw, may iilang mga tao rin na gaya nilang nagpapalipas ng oras rin.

Nakaunan siya sa matitipunong braso ni Atticus at ang isa niyang paa ay nakadantay sa hita nito.

She got a piece of fries, eat and look again into the sky.

"Are you not scared anymore?"

Napalingon siya sa asawa nang magsalita ito.

"Scared?"

"Of your father? I am ready to admit things on him, inaalala kita."

Sinalubong ni Atticus ang mga tingin niya, and there her heart goes again, nababaliw na naman sa taong mahal niya.

"It's okay, hindi na ako natakot simula noong sinabi mong ikaw na ang bahala sa'kin, I know I can rely on you, I trust you."

Atticus smiled to her, binawi nito ang tingin at ibinalik sa kalangitan. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang paggapang ng kamay nito sa kanyang tiyan saka may ipinatong na kung ano.

Kinapa niya at nagulat siya nang makuha ang munting box. Tiningnan niya si Atticus na hindi pa rin makatingin sa kanya, binuksan niya ito at napasinghap siya ng makita ang laman.

It's a pair of wedding rings studded with diamonds. Naka engrave pa sa loob ang pangalan nilang dalawa.

Gusto sana niya yakapin ito ngunit naunahan siya. In one swift move, nagawa siyang maipatong ni Atticus sa ibabaw ng matipuno nitong dibdib.  She was lying flat on top of him. Marahang dinala ni Atticus ang kamay niya sa labi at masuyong hinalikan.

She was about to cry, ewan ba, pero sadyang masaya lang siya ng sobra. Kinuha ni Atticus ang box sa isa niyang kamay, kinuha nito ang maliit na singsing at isinuot sa kanya.

"This symbolizes my love for you Tamara. We'll get married in the  church pagkatapos na pagkatapos kong makausap ang dad mo. Don't worry, hindi ka niya itatakwil. Pero sige, ipagpalagay nating itakwil ka niya, I am here now, I am your family, sabi ko di ba, tayo ang magkasangga."

Kinuha rin niya ang singsing na isa at isinuot kay Atticus saka pinagpantay nila ang mga dalari, his palm is big but it fits perfectly on her.

"Now you are bind into me, wala ka nang kawala pa."

Napatawa siya. Para bang may balak siyang takbuhan ito.

"Now that you said it, stay away from that Veyda, kapag talaga nakita kong nakadikit yang babaeng yon sayo, tulad nong nakita ko sa reunion, expect the worst... hindi mo alam kong paano ako magselos Atticus."

Atticus never answered her instead he moved his head and captured her lips in a breathtaking kiss.

After about an hour, Atticus brought her to her house, he even shared a small talk with her mom and dad before leaving.

"Tamara..." mahinang tawag ng dad niya nang paakyat na sana siya sa hagdan.

Her mom and dad were sitting side by side on the sofa, taking some tea while looking in the newspaper.

Well, that is some funny thing her dad does, he reads newspaper at night.

"Yes dad?"

"Nanliligaw ba sayo iyon?"

Bigla siyang kinabahan.

"Ho?"

Hindi po dad dahil kasal na kami!

The School President's Wife (COMPLETED) Where stories live. Discover now