PROLOGUE

645 16 0
                                    

#AsturiasSeries

A teen-fiction, romance story of Tintedblues.

This is work of fiction. Any names, addresses, nor segment are all not included in any actual events. It came from the unusual mind of the author. Another reminder: any resemblance on any type of media is purely coincidental.

©Plagiarism is a Crime.

-----

"Ma'am Zandriyah, your car is already waiting outside." sabi sa akin ni Pearl.

"Yeah, wait a minute." sabi ko habang nagpipirma ng mga papeles.

Nasa conference hall pa rin ako dahil marami ang kailangan kong asikasuhin. Kinailangan kong bantayan lahat ng naging monthly sales at rate ng airline namin. Natambakan ako ng trabaho dahil sa get-away namin ni Claire sa Cebu.

Bihira ko na lang siya makasama dahil sa aming mga trabaho. I'm currently handling our Airline and at the same time, I'm also managing my grandparents properties. Kinakailangan ko iyong i-check isa'isa to see possible location to build a business.

Pagkatapos kong pirmahan at basahin lahat ng agreement namin sa Kriston Holding Company ay tumayo na ako at pinagpagan ang damit kong nagkaroon ng gusot. Pearl assisted me outside the hall and bid me goodbye.

Pinindot ko naman kaagad ang elevator at pumasok roon. Nagtabihan kaagad sila ng makita ako ang kasakay nila. I'm very strict in work and hadle it properly dahil 'yon lang naman ang alam kong gawin upang mabuhay. The company was in my hands, and it is my fault if I made a mistake.

Nakita ko kaagad ang personal driver ko at agad sumakay sa mamahaling kotse. I need to go back in Manila and flew again in France. Nagpatawag ang team ko doon ng urgent meeting dahil na rin sa exclusive contract ko sa isang prestigious investing company.

"Ingat ka do'n, hija. Wala ako ro'n para bantayan ka." sabi ni Kuya Edgardo at hinimas pa ang aking ulo.

"Of course, Kuya! Pagbalik ko dito, uuwian kita ng maraming pasalubong!" sabi ko sa kaniya at yumakap.

Kuya Edgar was one of my bodyguards back then. Siya lang ang natira dahil sa naging insidente ilang taon lang ang nakakalipas. Even though, he had his own family. He treats me as his own daughter, para ko na rin siyang pangalawang ama.

"Ikaw talagang bata ka, sige na. Baka malate ka pa." sabi nito at kumaway.

Kumaway ako pabalik at tumalikod na upang pumunta sa private entrance ng may sariling mga eroplano. Jet ko ang gagamitin ko ngayon dahil masyadong malaki ang eroplano upang i-land iyon mamaya sa France. Although I already called my team to heads up the airport for my arrival.

Naging mabilis ang byahe at pagkababa ko sa Manila ay mabilis ko lang kinuha ang ilang mahahalagang dokumento na maari kong kailanganin mamaya. Mahaba ang naging byahe papunta sa France at mabuti na lamang ay maaga akong nakarating ro'n at hindi na-late.

Sinalubong ako ng madaming media na may sari-sariling hawak na mga kamera. That incident made a big impact to every people involved and into business. Even me, I had a rough time to cope up with life.

"Miss Zandriyah, how are you feeling after the incident?"

"Does your mental health affected?"

Anong akala niyo sa akin, bato na kapag tinamaan hindi nawawasak? Tao pa din ako at ang mga tinatanong niyo ang mga tanong na iniiwasan ko. Kada-tinatanong niyo 'yan. Naalala ko ang pinaka-masaklap na araw sa buhay ko.

Walang imik akong nilagpasan sila at pumasok na sa sasakyan na naka-abang sa akin. Saktong oras ay nakarating ako sa meeting. We discussed some matters regarding the agreement. Mabuti na lang ay agad pumayag ang katraksaksyon ko.

Remember the HeiressWhere stories live. Discover now