Chapter 25

10.6K 299 42
                                    

Chapter 25

"Ano po bang meron dito Lola?" tanong ni Annie at umayos ng upo.

Nandito kami ngayon sa dining area, may ilaw kasi rito at mas nakakabuti raw kung nasa maliwag na parte kami. Napalunok naman ako ng luminga linga si Lola sa paligid at tumingin saamin, naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Sammy sa braso ko.

Nabaling ang tingin naming lahat sa may bandang CR ng bumukas sara ito, naghintay kami ng ilang minuto at nagulat ako ng makita ang group ni Zaydon na lumabas doon, kasama rin sina Steve at Jace. Na kwento pala saakin ni Sammy na medyo close daw si Steve at Jace noong highschool sila at kaya hindi kilala ni Steve si Zaydon ay dahil isang dakilang walang paki daw si Steve, wala daw s'yang interest malaman ang mga pangalan ng nasa paligid n'ya. Basta ang sa kanya at nag-aaral s'ya.

Loner lang ang datingan ni Steve.

Nakita kung lumingon ito saamin at tinutok ang flashlight sa direction kung nasaan kami. Nakita kung nanlaki ang mga mata nila at sabay ng sigawan.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh multo!" sabay nilang sigaw at nagyakapan na parang ni isa sa kanila ay ayaw bumitaw.

As in talaga silang lahat, kasama na doon si Steve at Jace, as far as I remember takot ang mga to sa multo.

"The f*ck guys keep quiet will you" inis na saad ni Sammy kaya natahimik silang lahat at lumingon ulit dito.

Mahina pa akong natawa ng makita ang itsura ni Zaydon, namumutla ang labi nito habang ang teynga ay namumula.

"Hindi kami multo, tanga!" inis na saad ni Annie sa pito.

"May multo talaga huhuhu!" saad ni Blaze at umarte ma umiiyak.

"Wahhhhhh may matandang multo sa tapat n'yo hindi n'yo ba nakikita, ano kayo bulag" usal ni Angelo habang hindi parin bumibitaw sa yakap.

"F*ck it I'm going to die early" rinig kung saad ni Zaydon habang nakikisiksik sa gitna.

"Guys keep quiet okay, at anong multo? Si Lola ang nasa harapan namin hindi multo, ano ba kayo nakakahiya" saad ko, kaya natigil silang lahat at sumulyap may Lola balik saakin.

Dahan dahan silang naghiwalay ng yakap ay tumayo ng maayos.

"Pasinsya na po Lola matatakutin talaga ang pitong yan" saad ni at nahihiyang tumingin kay Lola.

"Oo nga po pasinsya na, ki-lalaking tao matatakutin" dugtong ni Sammy.

"Ayos lang iyon iha sanay na ako, kahit naman lalaki ay may kinatatakutan parin" sagot ni Lola.

Naupo sila Zaydon sa tabi namin at yumuko kay Lola.

"Pasinsya na po kayo Lola" saad ni Henry.

"Ang haba po kasi ng buhok n'yo tapos puti, akala namin multo, pasinya na po" saad ni Steve.

"Ayos lang iho, sanay na rin ako, minsan ay napapagkamalan talaga akong multo ng iba" saad ni Lola at ngumiti saamin.

"Ay Lola balik tayo sa topic kanina, bakit Camp Survive?" ulit ni Sammy sa tanong n'ya kanikanilana lang.

"Anong topic pinag---" hindi na natapos si Jace sa sasabihin n'ya ng nilagay ni Sammy ang hintuturo nito sa bibig ni Jace.

"Ssshhh keep quiet" saad ni Sammy.

"Noong unang pahaon ay may nakita rito na mag-asawa" saad ni Lola gamit ang malalim nitong boses, pang horror lang ang dating, nakita kung napaayos ng upo sila at nag dikit dikit.

"Masaya ang pagsasama nila at biniyayaan ng anak kaso ay namatay ang anak nila, hindi iyon natanggap ng mag-asawa kaya araw-araw silang nag-aaway dahil nagsisihan sila, hanggang sa dumating sa punto na napatay ng lalaki ang babae, dahil sa nasisiraan na ang lalaki ng bait, nagdisisyon itong mag bigti, at ang kwento, nandito lang daw ang kaluluwa ng babae, pagala gala. May mga taong umaakyat sa bundok may ibang hindi naka balik may iba namang meron pero na trauma na." mahabang saad ni Lola.

Innocent ObsessionWhere stories live. Discover now