Kabanata 49

3.7K 229 154
                                    

INIANGAT ni Jude ang mukha. Naningkit ang kanyang mga mata. Pinaikot-ikot niya ang ballpen sa mga daliri.

"Wait," ibinaba niya ang ballpen at notebook at kinuha ang gitara sa tabi. He strummed a few strings and hum the lyrics in his mind. Napangiti siya. Kinuha niya muli ang notebook at ballpen at isinulat ang nabuong chords at lyrics.

Umihip ang malakas na hangin at muli niyang naiangat ang mukha sa harap. He witnessed how all the brown leaves from the near tree flew freely before they landed on the ground. Iginala niya ang tingin sa paligid. Maganda ang araw. Mahangin pero hindi masakit sa balat ang sikat ng araw.

The sea looks calm today.

He closed his eyes. Dinama niya ang hangin sa kanyang mukha. The sounds of the chirping birds. Ang marahang paggalaw ng mga dahon mula sa mga puno sa tuwing umiihip ang hangin sa paligid.

Huminga siyang malalim at bumuga ng hangin.

Ngumiti siya.

"Jude?"

And now he's hearing Mari's voice now. He's losing his mind again. He really missed her so much. Damn, much!

"Jude!"

Naimulat niya ang mga mata. He felt his heart drop. Did he hear it right? Sa tingin niya ay hindi na 'yon sa isip lamang niya. 

Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa likod. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Mari. Nililipad ng hangin ang mahaba at bahagyang alon-alon nitong buhok. It was half tied with a handkerchief. His favorite look of her. Tumigil yata sa pagtibok ang puso niya ng ilang segundo.

Napatayo siya habang yakap ang gitara.

She was glowing...

... and beautiful.

"M-Mari," it barely came out as a whisper.

Tears welled up from his eyes but he managed to smile still. Is this real? Si Mari ba talaga ang nasa harapan niya? Ibinaba niya ang gitara sa batong upuan at nahilamos ang mga kamay sa mukha.

Hindi niya magawang lumapit lalo na nang makita ang twin stroller na nasa harap nito. Nasisilip niya ang dalawang bata na mahimbing na natutulog. Lalong naninikip ang dibdib niya. It felt surreal. 

Tawa. 

Iyak. 

Galak. 

Kaba. 

Tuwa. 

Iyak.

Tang ina! Hindi niya alam ang gagawin.

"M-Mari," he gulped.

"Happy –" He didn't let her finish her words.

Tinawid niya ang distansiya na nakapagitan sa kanilang apat at niyakap ito. He made sure the twins were not disturbed. He buried his face on her neck and cried in pure joy. Hinigpitan niya ang yakap niya rito at parang batang umiyak sa tuwa.

"Shshs," alo nito. He missed her voice. He missed her so much. He missed her warmth. God, how he missed Marison so much. "I'm here now."

"I missed you." Kumalas siya para hawakan ang mukha nito. "I missed you. I missed you." Sinapo niya ang likod ng ulo nito para halikan sa noo. "You're finally home."

"I'm home." Ibinaba niya ang mukha rito. Nagtama ang mga mata nila. Umangat ang isang kamay nito para haplosin ang pisngi niya. Her smile grew brighter. "We're home." Ibinaling nito ang tingin sa kambal.

At tila nakaramdam ang isa sa kambal dahil bigla itong umiyak. Natawa siya. Mabilis na kinuha ni Mari ang isa sa kambal sa stroller. Her twin was still sound asleep.

FDA 2: JUDAS KISS - COMPLETEWhere stories live. Discover now