Chapter Two 👔

20.7K 350 4
                                    

Chapter Two : True Love

___________________________________

👔NISSA 👔

Hinila ko ang kumot sa katawan ko at ibinalot ito. Kumakalam na ang sikmura ko. I want to eat but I don't want to get up from bed. And I don't think I have the strength to cook food for my own. I felt numb and weak. Giniginaw ako. Knowing that malakas pa ang ulan ngayon sa labas. I'm not feeling well and all I want to do is to sleep so I can forget all the problems I have right now.

Naaalimpungatan ako nang makarinig nang kaluskos galing sa labas. I felt cold kaya hindi ko nalang ito pinansin. Niyakap ko nang mahigpit ang unan sa tabi ko. I don't have the strength to stood up but I'm hungry. I wish my cousins or Nanay Tonya is here so they can take good care of me.

Babalik na sana ako sa pagtulog nang marinig kong bumukas ang pinto nang kwarto. Oh my gosh, don't tell me there's a thief inside my house. I..I lock the door paanong makakapasok iyon. Wala sa oras na napabalikwas ako at nagmulat ng mata. Medyo hindi ko pa nakikilala ang taong pumasok sa kwarto ko dahil medyo hindi pa clear ang nakikita ko. Hanggang sa natanawan ko na ito. Nanlaki ang mata ko nang makilala ito.

"I'm glad you're already awake.."

Gosh! It was Cleo holding a tray of food. And he is so hot wearing an apron. Don't tell me he cook food for me. I hold my breath with he walked towards me. Inilapag nito ang tray sa gilid ng mesa ko at umupo sa kama ko.

"What...what are you doing in here?" puno nang pagtatakang tanong ko.

"You said you are sick so I came in here. I'm sorry kung pinakialaman ko ang kitchen mo. Nang makita kitang natutulog nang mahimbing kanina hindi nalang kita ginising and I took the liberty to cook food for you. You're sick, Nissa. Did you take your medicine already?" bakas ang pag-aalala sa mukha at boses nito.

Umiling naman ako sa tanong niya. Parang gusto kong maiyak. All my life guys didn't pampered me like this, well except for my cousins who loves me. And it's so sad that even my own father didn't care a bit for me. Pero sa taong hindi ko manlang lubusang kakilala ang gagawa nang ganito sa akin. I don't know what to say and feel. It's so overwhelming.

"You should eat first, Nissa. And then you'll take your medicine. Macaroni soup lang itong ginawa ko. Wala bang may nag-aalaga sayo dito? Sinong kasama mo dito?"

Kinuha nito ang maliit na bowl sa tray na may lamang pagkain. Umayos naman ako nang pagkakaupo at kukunin ko na sana ang bowl nang bigla niyang inilayo ito sa akin. Kumunot naman ang noo ko.

"Let me do it. I know you are tired."

Magproprotesta pa sana ako nang sumandok na ito nang pagkain at naghihintay na kainin ko ang pagkaing nasa kutsara. Nagpakawala na ako nang buntong hining at kinain iyon. Ngumiti naman siya sa ginawa ko at sinubuan ulit ako nang pagkain. Pakiramdam ko namumula na ang pisngi ko dahil sa ginagawa niya. I think I'm a princess right now, the way he serve me.

"Paano ka pala nakapasok sa apartment ko?" curious na tanong ko sa kanya.

I just rent an apartment kasi alam kong hindi naman ako magtatagal dito. Ayoko rin namang makitira kay Dylan o kaya kay Drake kahit na nagpupumilit sila sa akin. Sinubuan naman ulit niya ako. Hindi muna niya sinagot ang tanong ko at hinintay na matapos kong kainin ang nasa loob ng bibig ko. Nang makita niyang tapos na ako ay saka lang siya sumagot.

"Sinira ko ang pinto mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko lahat ng init na nasa katawan ko umakyat lahat sa ulo ko nang dahil sa sinabi niya.

Montenegro Heirs 1 : Will You Ever Learn ( Available in Dreame ) ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang