Chapter 12

5.7K 179 64
                                    

His Lips

For the very first time in my life, I had something to look forward to for the next days ahead. The excitement and thrill painted my dull and pale life with bright colors. I then realized that we always must have something to look forward to. We must have something to be excited about. We must do something that recharges our soul.

Pasimpleng nagmamasid sa akin si Lourdes habang binoblow dry ang aking buhok. I am in a light mood today. May mga nakahandang accessories sa harapan ko pero dahil sa airsoft field kami pupunta ngayon, hindi muna ako magsususot ng alahas.

I don't know what exactly I am excited about. The thought of finally getting to play airsoft first hand, or be with Julius. Or maybe a mix of both. Playing airsoft with Julius. That's it.

I chuckled.

Nanlaki ang mga mata ni Lourdes at bahagya siyang natigilan nang marinig ang halakhak ko. Napakurap-kurap ako at tumuwid ng upo ngunit hindi pa rin nawawala ang multo ng ngiti sa aking labi.

"Ayos lang po ba kayo, Senyorita?" nag-aalinlangan niyang tanong.

"Of course."

Napakurap-kurap siya at tumango. Panay ang sulyap niya sa akin at kapag nahuhuli ang tingin sa salamin, dali-daling nag-iiwas ng tingin.

"Siya nga po pala, tumawag si Senyorito Emerson kaninang madaling araw. Nabalitaan niya raw po kasi na nakaluwas na si Senyorito Conor patungong Maynila at mag-isa ka po rito."

Natigilan ako. "He's concerned I'm left alone here, huh? After leaving me here?"

Hindi siya nakasagot.

Good thing I have Julius to keep me company. I smiled again. Nagulantang na naman si Lourdes.

"Pati po si Donya Roselle, tumawag po kanina. Kinakamusta ka at tinatanong kung inaasikaso mo na raw po ang mga papel mo. Sinabi niya rin po na pwede namang ipasok ka agad sa mga kompanya niyo para hindi na dumaan sa mahabang proseso-"

Bumuntong hininga ako. "Tatawagan ko na lang siya mamaya."

Tumango si Lourdes. I may be stoic and serious all the time, but I must admit that Lourdes had been my right hand for the longest time. Kaya naman hindi ako magtataka kung nagugulat siya na naririnig akong tumawa. O makita manlang akong ngumiti. Ako nga mismo ay nagugulat dahil nakakayanan ko na iyon gayung marami akong problema. Sa pamilya man o sa sarili.

Again, I really think that this casual arrangement with Julius is a fresh air to breathe for me. It is my escape. And while this lasts, I'll make the most out of it. I will benefit from it. Wala akong pakealam kung ano ang habol ni Julius dito, basta ako, gusto kong sulitin ito.

"By the way, nasabihan mo na ba si Manang Cora na alertuhan ang lahat na walang makakarating kay Mama na lalabas kami ng Casa Fuego? Lalo pa, na pupunta kami sa field. She'd probably faint when she finds out I'll be out for airsoft. May kasama mang bodyguard."

"Nasabihan ko na po, Senyorita. Wala pong makakarating kay Donya tungkol dito."

I nodded. Sumulyap siya sa akin.

"Sigurado po ba kayo na ayos lang kayo sa pupuntahan niyo? Pwede po akong sumama o 'di kaya'y magpadagdag ng mas maraming bodyguard para sa 'yo-"

"I will be fine because I am with Julius."

Natutop niya ang kanyang labi at tumango na lamang. I know that she's concerned because I am always prim and proper. It's absurd how they find it so ridiculous that I am interested with extreme sports, no matter how feminine I am most of the time.

Dulling Glisters of the Diamond (Casa Fuego Series #5)Where stories live. Discover now