Chapter 41: Damn Medicine

43.7K 1.3K 115
                                    

Chapter 41: Damn Medicine

 

“Doll. Pasabay naman ‘to sa pagphotocpy.” Inaasahan ba niyang gagawin ko talaga ang sinasabi niya? Duh! I’m a goddess and not his goddamn assistant.

Hindi ko nalang siya pinansin at nilagpasan ko nalang siya. Gees! Hindi maganda ang mood ko ngayon dahil masakit ang puson ko tapos uutusan niya ako? Like what the hell? Dapat nga binibilhan niya ako ng gamut ngayon.

“JL, pakiabot naman yung stapler.” Utos pa ni Leo saakin. Like D ay hindi ko rin siya pinansin. May paa siya. Tumayo siya.

“Get it yourself.”

Lumabas ako ng faculty pero imbes na magkaroon ako ng peace of mind ay lalo akong nabubwisit dahil sa ingay ng mga nagkakagulong estudyante!

“Sabihin mo sa twerps na manahimik sila.” Utos ko sa isang estudyante habang padaan ako. Pero sapat naman ang lakas ng boses ko para marinig ako ng iba pang nagkakagulong estudyante. Nanahimik naman sila pero pinagtitinginan nila ako. I flipped my hair and stared back at them while walking.

“Ma’am mukha kang zombie ngayon.”

“What did you say?” Tumigil ako sa paglalakad ko at hinarap ko ang estudyanteng nagsabing mukha akong zombie. “Sinabi mo bang mukha akong zombie?”

“Ah ano.. mukha po kayong may---“

“Ang putla niyo Ms. Cruz. Mukha kang bangkay.” Humalukipkip ako at pinagtabi ko ang dalawang nanlalait saakin ngayon.

“Mukha akong zombie at bangkay?” I asked them. “Are you guys insulting me?” They both bit their lips. “The thing is, I don’t care kung ang tingin niyo sa isang tao ay maganda o pangit. It’s your opinion pero ang mga opinion hindi lahat dapat sinasabi. Dapat isipin niyo muna kung nakakainsulto kayo o hindi.”

“Chill, doll.” Humarap ako sa nagsabi ng doll saakin. Si D. Mukhang kanina pa pala siya nakikinig. Nakahawak ito sa baba niya at parang natutuwa pa siyang naasar ako sa mga estudyante ngayon. “Anong ginawa niyo kay Ms. JL? Malilintikan kayo sakin.” Umiling-iling nalang ako at naglakad na papuntang infirmary. Masakit na nga ang puson ko tapos dumadagdag pa si D.

Humiga na muna ako sa isa sa bakanteng kama sa clinic. Nabigyan na rin ako ng gamot ng school nurse.

Peaceful akong natutulog. Tahimik ang paligid pero nasira ang magandang environment nang marinig ko ang boses ni D.

“Okay ka lang ba? Masakit pa ba ang paa mo? Bakit hindi mo sinabi saakin? Sana naiuwi na kita sainyo!” Ipagpapasalamat ko bang nasa kabilang cube siya o maiinis ako dahil ibang tao ang pinuntahan niya?

“Okay lang naman ako. Napwersa ko lang siguro ang paa ko kaya bigla akong nilagnat.” Kinagat ko ang labi ko at saka ipinikit ng mariin ang mga mata ko. Gusto kong matulog. Ayaw ko silang marinig. Naiinis akong concerned si D sakanya. I know she’s not doing anything and I hate that...

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Where stories live. Discover now