Chapter 19

10 1 0
                                    


"Papirma po Architect" nandito ako sa site ngayon ng isa sa mga project ko. Ang daming client ngayon kaya naging busy ako sa mga nakaraang buwan mas Mabuti na ito kesa sa mga papers.

"Engr. Ikaw na muna bahala diyan ha may pupuntahan lang ako." Umalis na ako sa may site at pinuntahan ang bahay na pinapagawa nila Irene. Mas gusto niya daw ako ang maging Architect para sa bahay nila kaysa kay Seulgi baka daw pag tripan lang nito ang bahay nila.

Nakita ko si Irene kaya nilapitan ko ito. "Malapit na matapos ang bahay niyo ha! Ang ganda magaling kasi yung Architect niyo e." biro ko

"Syempre naman no kaya ikaw ang kinuha kong Architect e! kung si Seulgi ang kinuha kong Architect siguro pabaligtad bahay namin" nag tawanan kami dahil sa sinabi nito "Kailan ba kasal?" tanong ko

"Nag iipon na kami para diyan, bahay muna bago kasal! Ikaw kalian ka mag kakajowa? Last relationship mo 7 years ago" nginitian ko lang ito bilang sagot.

Nandito ako ngayon sa office ni daddy dahil pinatawag niya ako may mahalaga daw siyang sasabihin saakin.

"Kailan mo gustong ipatayo ang bahay mo?" panimula nito.

"Daddy aanuhin ko yung bahay na yon? Titira ako mag isa don? Wala pa naman ako jowa e! atska diko pa ginawa ang final sketch." Inis na sabi ko

"Bakit dika pa kasi mag jowa, mga kaibigan mo mag aasawa nalang tapos ikaw ano habang buhay ka nalang ganyan? Pariwara ang buhay..."

"May maayos naman po akong trabaho, may ipon ako nag hihintay lang po ako ng tamang panahon."

"Kailan yang tamang panahon na yan? Pag patay na kami ng mama mo? Gusto pa naming makita ang magiging apo naming habang maaga pa." iniwan ko na si daddy doon dahil mag aaway na naman kami dahil lang sa walang ka kwenta kwentang bagay.

"Hoy Manoban! nakita namin kanina si Max umuwi na pala siya no." sabi ni Seulgi.

Nandito si Maxine? Pero bakit hindi niya ako tinawagan o pinuntahan kung umuwi na pala siya...

Andrea POV

"Mga bakla uuwi na pala si Keith no" nandito kami ngayon sa restaurant kasalukuyan nag di dinner.

"Paano mo naman nalaman?" Tanong ni Rosie

"Sinundo siya nila Seul ngayon at balita ko siya daw magiging CEO kabalik niya e! kung saan ka nag ta trabaho baks." Tumango naman ako

Kung siya ang magiging bagong CEO palagi kaming mag kikita araw araw dahil nasa iisang building lang kami. Kailangan kong maging matatag umakto na para bang hindi naapektuhan.

"Mamaya ha sa dating bar na pinupuntahan natin, punta kayo nandun sila Jisoo. Andrea pumunta ka ha." Sabi ni Rosie sa group chat namin. Hindi na sana ako sasama pero alam ko magagalit ang mga ito sakin at mag tatampo.

Nasa VIP section daw sila kaya dun ako pumunta nag tataka ako dahil lima ng tinawag ako ni Irene ay lumapit ako dito. Bigla kang lumingon halata sa mukha mo ang pag kagulat pati ako ay nagulat din pero hindi ko nalang pinahalata sayo at nanatiling kalmado.

"Hoy Andeng! Sundan mo nga si Manoban baka nag susuka na yon." Aayaw sana ako pero parang ang paa ko na rin ang kumilos para saakin.

"Kamusta kana?" tanong ko dito.

"Ok lang." tinignan ko ang mga mata mo napaka lungkot hindi na ito katulad ng dati yung mga mata mo! Ang mga mata ang nagiging basihan ko kung masaya kaba o malungkot.

Kanina ko pa napapansin yung necklace niya, yun ang necklace na binigay ko sakanya bago niya ako iwan...

"Yan yung necklace na binigay ko diba?" tanong ko dito pero hindi niya pinansin ang mga tanong ko...

PaubayaWhere stories live. Discover now