CHAPPY 2

6 0 0
                                    


NATAPOS ang shoot nang walang palya, nakakatuwang mas nag improve ang mga kuwa namin ngayon, sobrang inspired kami sa model dahil kahit saang anggulo kunan ay talagang maganda. Kaya hindi kami nahirapan kasi expert siya sa mga ganto.


" Geez, kayo kukunin kong photographer sa mga events ko! Nakakatuwa ang gaganda ng pictures!" Tuwang tuwa ani ni ate ynna, wow! Para kami'ng sikat na photographer at pinaka magaling sa mga puri niya samin! Ituloy ko naba pagiging photographer ko dahil sa puri niya?! Omyy.


" Look! Look at this Vincent! Ang ganda gandadiba!!! Mas maganda pato sa mga kumukuwa saking pictures! " Parang batang tawag nito sa kapatid niya na walang ginawa kundi kumain ng stick-o, medyo natawa ako kasi kanina bumaba siya at pag balik niya may dala siyang isang garapon ng stick-o. I Can't imagine na ang poging cold asungot guy nato may nakakatawang side pala.


Lumapit si Vincent malapit samin at tumingin sa monitor, yung mukha niya parang hindi nasisiyahan. Wag mong sabihin na hindi yan maganda samantalang yung ate mo puring puri kami!



" Okay lang.." at kumuwa ng isang stick-o sinubo sa bibig niya, then walk out. Balik sa dati niyang pwesto. Yon nayon? Tsk, napahiya siguro. Linait din kasi ako kanina.  Ghad! Hindi ko makakalimutan yon! Maigi nalang kami'ng dalawa lang nakakarinig ng bangayan namin sa rooftop habang nag bibihis si Ate Ynna sa second floor!


~Flashback~


" Great! Next outfit na tayo, Ate Ynna." Sabi ko habang chenecheck yung mga pictures na nakuwa ko.


Bumaba na si Ate Ynna at si jessavel, kasama ang ibang maid na tumulong samin para dahil ang mga pang retouch.



Kami'ng dalawa nalang ni tandang Vincent ang natira dito sa rooftop. Nasa may gilid lang siya habang nanonood ng pag lubog ng araw. Ang ganda ng sunset. Purple pink. Plus ang ganda ng ulap parang nag kakaroon ng iba't ibang shape.



Dahil napakahilig ko talaga dito, hindi ko na tiis na kunan ito ng litrato, ang ganda talaga.


Habang tinitingnan ko yung larawan na kinuwa ko may narinig akong nagsalita. " Tsk, feeling photographer." Halata sa mga salita nito na nang iinis. Kanina pako nag titiis dito, bagay wala or di siya maririnig ng ate niya don niya ako sinasabihan ng nakakainis na salita!



" Odi ikaw na maging photographer! " Inirapan ko siya at hagas na tumingin tingin sa mga larawan.


" Tsk, fan girl. Wag kang feeling dahil hindi naman maganda mga shots mo."


' Blah blah blah, bakit photographer ba siya? Epal ah! '


" Asa! Wag kang mapapanganga pag nakita mo yung mga kuwa ko! Who you ka talaga! " Kala mo ah! Aba sa galing namin binalik-balikan kami dahil sa mga ganda ng shots.



" Tss, let's see." At saktong bumukas ang pinto at ang linuwal ng pintong yon ay sila Jessa, at ate Ynna.


~ End_flashback~


***



MATAPOS makapag ayos ng mga gamit at makapag pahinga, ay nag ready na'ng umalis sila Mss Ynna.



" So, we need to go na," palabas na kami ng gate at kahit gabi na di parin siya hagard. Bakit kami halata'ng naluyos na sa pagod. " Can't wait na makita ang project niyo sa magazines! "


Nag katinginan kami'ng dalawa ni Jessa sa sobrang tuwa, grabe na ang Puri samin nito, pwede nabang mag lumpasay? Hehehe, joke.


" Siguradong matatanggap ang project nato! Higit sa magaganda ang shot's ang ganda din ng model." Tuwang tuwa'ng ani ni Jessa dahil alam niyang papatok sa tao ang mga pictures.


" Ahahahah, well see you next time, kukunin ko kayo kapag may mga products na ipapapromote sakin." Nakangiti nitong sambit samin, habang kami na hindi na maintindihan kong ano ang matinong reaksyon na ipapakita sakanya.
" Siguradong mag eenjoy ako kung kayo makakasama ko, once na iba kasi nagiging pormal ako. Ghad! Iba ang higpit ng director sa shoot. Hindi katulad niyo, chill lang." Sabi niya habang nakabusangot ang muka, well totoo nga naman. Mga expert at may mga papel yon hindi tulad namin, nung nakasama kami sa isang shoot nun grabe yung mga model focus sila sa mga gagawin nila. Halos seryoso mga muka. Kita ang pag ka propesyonal sa mga tindig nila.


" Ano ka ba ate Ynna, kapag kami naging tulad nila baka maging ganun din kami." Wais tong si jessavel, kahit obvious na hindi naman niya magagawa yon.



" Sus, once na maging sikat tayo na katulad nila, gagawin parin natin ang chill momentom natin pag dating sa shoot. Kasi mas magandang na e-express ang tunay na ngiti kesa sa peke." Ani ko, daig ko eksperto kong mag salita nakakaasar.



" Tama si-" bigla siyang napatigil sa pag sasalita na para bang may inaalala. " Wait a minute, what's your name pala? Kanina pa kita nakakausap pero hindi ko man lang naririnig pangalan mo or hindi ko man lang nalaman." Medyo napangiwi naman ako dahil hindi papala ako nakakapag pakilala sakanya, masyadong mabilis ang pangyayare mula kanina hanggang ngayon kaya naman. " Atsaka, puro ate rin yung naririnig ko mula kay jessavel kanina eh," napakamot nalang siya sa ulo habang nakangiti samin.


" A-ah! Ako nga pala si Triniavel." Pag papakilala ko, at nag lahad ng kamay mula sakanya, " Triniavel Yluhan, trinia for short." Ngiting ngiti'ng ani ako sakanya, halos lumagpas tenga na ata ang mga ngiti ko kasi nakilala ako ng idol ko! Dreams come true, babyyyy.


" Ow, Triniavel Yluhan. Wait! Narinig ko na yung yluhan dati! Familiar sakin." Sabi niya habang nag iisip. Well, medyo kilala nga ang yluhan family cause of dad's wine company." Oh, oh! I knew it! That's Yluhan wine company right? " Yes, you get it.


" Oum, yes. That is Dad business." Bigla nanlaki ang mga mata niya, naparang maanghang mangha.


" Omg!!! " Nagulat kami sa bigla niyang pag tili. Bakit sa tili ng idol ko pa ako ay nasasaktan. " Did you know na gustong gusto ko ang wine niyo?! Grabe, sa lahat ng wine na nainom ko sainyo ang dabest! " Bigla akong napangiti. Proud talaga ako sa papa ko. Nag porsige rin siya upang mapalaki at maging sikat yon. At kami ang inspirasyon nun!

* Beep Beep Beep*


Bigla kami'ng natigil sa pag uusap ng may malakas na busina na narinig namin, napalingon kami sa sasakyan na tumigil mula sa harap namin.

" I'm tired." Sabi ni manong Vincent pag kabukas ng bintana ng sasakyan.

' Share molang? '


" Let's go, I need to sleep." Tamlay tamlay ng boses naman nito. Kala mo naman ang dami niyang ginawa umupo lang naman ang mga ginawa niya. Hay buhay manong.


" Alright, just a second." Lumingon muli saamin si Ate Ynna." Oh, pano bayan. Pagod na kasama ko eh, una nako. Good bye! See you next time." At pumasok na siya sa loob ng kotse at umalis nato. Kumaway namin kami habang paalis ang sasakyan.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNEXPECTED VACATIONWhere stories live. Discover now