PARA SA'YO

7 0 0
                                    

3-1-21

~

Kung mabibigyan ako ng tyansa na maging masaya para sa pangalawang pagkakataon,
Pipiliin kong ngumiti kasama ka.
Susugal ako katulad ng ginawa ko noon,
Hindi ako mag-aatubili makasama ka lang, mapili lang kita.
Hindi ako magdadalawang-isip.
Ikaw pa rin ulit, hindi siya, hindi iba.
Pipiliin kong maging masaya ulit kasama ka,
Sa mga tawa at magagandang ngiti
Katulad ng sarili nating mundo ng ikaw lang at ako, tayo.
Kung mapagbibigyan ako na maging masaya ulit?
Ang pagpili ko sa'yo ay hindi na maitatanggi pa.
Ikaw ang pipiliin ko kahit ano pang mangyari, kahit ano pang maging kapalit
Kasi wala akong ibang makita kun'di ikaw lang sa pagpipilian.
Ikaw ang pipiliin ko, katulad ng pagpili ko sa'yo no'ng unang pagkakataon.
Pipiliin kita ulit ngayon,
At pipiliin pa kita para sa bukas, sa mga susunod na araw, at sa walang hangganan.
Kung ito man ay posible pang madatnan.
Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Kasi ikaw naman talaga,
Ikaw lang palagi. Kung mabibigyan ako ng pagkakataon na maging masaya muli, ikaw pa rin ang pipiliin ko na makasama sa huli.
Pero hanggang kaibigan na lang.
Wala nang lalagpas
Wala nang komplikasyon
Wala nang luha o pag-iyak naaalpas sa pingi ko na hindi mo pagpili sa akin noon.
Wala nang pag-aatubili.
Pipiliin kita ngayon bilang kaibigan at hindi na ka-ibigan katulad ng naging simula, no'ng nakilala kita.

Kaya ikaw, oo ikaw. Hindi pwedeng maging tayo.

May Sasabihin Ako...Where stories live. Discover now