CHAPTER 15

7 6 0
                                    

Pero kaagad ring napeke ang pagkakangiti ko nang maalala kong ilang linggo na palang hindi nagpapakita dito si Coby. Ni hindi na rin ito napapadayo sa condo ko marahil siguro sa ginawang kahunghangan ni Aubrey.

Sa twing mapapadapad naman ako sa mga street vendors na malapit lang sa condo ko ay madalas ko itong tinatanong kay Elise.

'Dunno ey. Nung nakaraang linggo pa sya hindi dumadayo dito sakin. Nagtatampo na nga ako dahil wala man lang paramdam' palaging sagot ni Elise sa twing tatanungin ko si Coby.

Binalak ko na rin itong itext kaso baka pag awayan nanaman ito nila ng girlfriend nyang selosa.

Jelousy-thing, bullshits !

Paglapag ko ng cellphone sa table na kaharap ko ay bigla naman itong tumunog. Iiling iling ko itong dinampot at tinitigan ang pangalan na nakaregister sa cellphone ko.

From: Mommy

Magkita tayo sa cafe na malapit sa unit mo.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng excitement. For almost twelve years na hindi namin pagkakausap ay ngayon lang ito nag yaya. Hindi man personal pero sa text. Nakakaramdam pa rin ako ng excitement kahit papaano.

Dahil nga sa wala na akong trabaho ay dali dali na akong nagayos upang dumiretsyo sa cafe na sinasabi nya.

Pero paglabas ko ng building ay bahagya ko pang natabig sa balikat si Mrs. Sarmiento.

"Pasensya na po talaga. Hindi ko sinasadya." paumanhin ko habang paulit ulit na yumuyuko sa harapan nya pero isang ngiti ang sumilay sa mukha nito nang makita nyang ako ang nakabunggo sa kanya. Although mukhang masama ang mukha nito nung masulyapan nya ito kanina.

"No. It's okay. Kumusta ka na?" Tanong nya kasabay ng paghawak sa kamay ko. Ayun nanaman yung nakakakuryenteng pakiramdam sa twing mahahawakan ko at madadampi sa kamay nya ang balat ko.

"Okay naman po ako Maam. Nagmamadali po kasi ako." rason ko dahilan upang pilit ngiti nitong bitawan ang kamay ko.

"Saan ba ang punta mo?" Nakangiti nyang tanong dahilan upang magpilit ngiti ako.

"Kay Mommy po." saad ko dahilan upang mawala ang napakagandang ngiti nito na tiyak kong napalitan ng isang pekeng ngiti.

"Si Myra ba," walang gana nitong saad na paulit ulit kong tinanguan.

Magsasalita pa sana ako pero kaagad nanaman tumunog ang cellphone ko dahil sa isang text message na tiyak kong kay Mommy nanggaling.

From: Mommy

Where are you Thalia.

Kahit text message lang ito ay ramdam ko ang pagkairita nito.

"I have to go." pilit ngiti kong saad kay Mrs. Sarmiento na tinanguan nya lang. "Mom" bati ko sa kanya nang makita ko ito at agad na bumeso sa kanya.

May bago talaga.

Everytime kasi na bebeso ako sa kanya ay inilalayo kaagad nito ang mukha nya. Pero ngayon ay sya na mismo ang lumapit sakin at inilahad ang pisngi.

"I hope you're good," pauna nyang saad bago umupo na kaagad ko namang tinanguan at umupo sa upuang kaharap nya. Palihim ko pang inilibot ang paningin ko sa buong cafe. Kokonti lang ang tao at aaminin ko sa sarili kong magaan ang presensya ng mga tao ngayon. "Thalia" seryosong tawag ni Mommy dahilan upang mapatungo ako dahil sa kahihiyan. "Ang sabi ko kumusta ka na?" Magaan nyang tanong.

"I'm okay Mom. Ikaw po?" Tanong ko kahit na bakas pa rin ang pagkagitla sa tanong nya.

Sumimsim pa muna ito ng kape bago magsalita.

"Yes, I'm fine. Finally," nakangiti nyang sagot dahilan upang makaramdam ako ng pananaba sa puso. "Nandito lang ako upang humingi ng tawad sa lahat nang nagawa ko sayo" saad nya kasabay ng pagtikhim.

Isang luha ang lumandas sa pisngi ko dahilan upang dali dali ko itong pinunasan.

"Why Mom? Wala ka pong nagawa sakin." saad ko na ikinangiti nya.

"Same old Thalia?" Saad nya pa na nagpatungo sakin. "Alam kong marami akong pagkukulang sayo. Kaya naman hayaan mo akong bumawi." saad nya pa.

Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagdaloy ng mga luha sa mata ko. Wala na yatang makakapantay sa sayang idinulot sakin ni Mommy para sa araw na ito.

"M-mom," utal kong tawag.

Kaagad itong tumayo at lumapit sakin. Isang malakas na kabog sa dibdib ang naramdaman ko nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Malayong malayo sa ginagawa nito sakin dati na puro beso lang.

Ito pa lang ang pangalawang yakap nya sakin. Ang nauna ay noong bago lumabas si Elise.

"Patawarin mo ako Anak." saad nya pa kasabay ng paghagod sa likod ko.

"Mom. Wag kang magsorry. Deserve ko lahat ng hate na natatanggap ko sayo dati." saad ko pa habang inaalala ang mga masasakit na salitang natatanggap ko sa kanya.

"No. You don't deserve that Honey." rinig kong bulong nya bago humarap sakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Pinalis rin nito ng mga daliri nya ang luhang tumakas sa mga mata ko. "I'm really sorry, Thalia-anak," saad nya pa na paulit ulit kong tinanguan.

This time, ayoko munang banggitin si Elise.

Ayoko nya munang maalala si Elise.

Ayoko na munang bumalik si Elise. Dahil kapag nangyari yon..

Paniguradong etchapwera nanaman ako.

"Gusto ko nang bumalik ka sa bahay" saad nya nang matapos ako sa pagkekwento sa kanya tungkol sa kumpanya.

"Why Mom?" Taka kong tanong na tinawanan nya.

"Bakit gulat na gulat ka?" Natatawa nya pang dagdag dahilan upang mapatungo ako.

"E-ehh kasi--" rason ko naman na kaagad nyang pinutol.

"Basta bumalik ka na sa bahay simula mamayang gabi." pinal nyang saad na tinnaguan ko. "I just want to have some quality time with you and your Dad" saad nya pa.

Hindi ko alam pero nanaba ang puso ko sa sinabi nya. Yung bukol na matagal nang nakaipit sa dibdib ko ay tuluyan nang nalusaw dahil sa mga katiting na salitang inilabas nya.

"Thalia. Please. Grant my wish," saad nya habang nagbabadya na ang luha.

"Don't cry Mom." saad ko dahilan upang palisin na nito ang luha sa mga mata. "Sure. Aalis na ako simula mamaya sa condo ko" saad ko na kaagad nyang tinanguan.

"Weh? Yung nanay mong sopistikada at plastik?" Tanong ni Chessa habang tinutulungan ako sa pagliligpit ng mga gamit sa condo ko. Ngayong gabi ang paglipat ko sa condo. Hindi naman mapigil si Mommy dahil panay ang pagtext at pagtawag nito kung anong oras ako makakarating don.

Malalim na ang gabi kaya naman nagdalawang isip na ako na ipagpabukas na lang sana ang paglilipat pero hindi ito pumayag.

"Tss. Wag mo ngang tinatawag ng ganon ang taong nagpapasweldo sayo." asik ko na peke nyang tinawanan.

Natigil rin ito sa pagsasalansan ng mga gamit sa kahon at napapamaang na napatingin sakin.

"Jusko Maam. Di mo ako masisisi. Siya yung dahilan kung bakit naghihirap ako ngayon sa opisina" reklamo nya na tinawanan ko.

"Trabaho mo yan Chessa. Wag mong idamay si Mommy." pangaral ko pero sininghalan lang ako nito.

"Kahit na. Dagdag pasakit naman talaga sya ah." reklamo nya pa na hindi ko na tinugunan.

Sinubukan ko syang tanungin ng mga bagay na may kinalaman sa trabaho nya sa opisina para naman malihis ang pagrereklamo nya sa pamamalakad ni Mommy.

"Okay naman. Minsan nga ay tinatawagan ako ni Kuya para naman kamustahin man lang ako." saad nya pa dahilan upang matigil ako sa paglalakad papunta sa kotse ko.

Isang pekeng tawa ang pinakawalan nito dahilan upang mapabalik ako sa reyalidad. "Nako Maam. Wag kang mahuhulog kay Kuya. Di ka masasambot non" tatawa tawa nya pang pangaasar dahilan upang mapairap ako sa kawalan at tuluyan nang nilagay sa compartment ng kotse ang mga kahon na dadalhin ko sa paglilipat. "May jowa'ng maldita yon" pagpaparinig nya pa.

DESTINED (Love Series 1)Where stories live. Discover now