Pagsilip ng Bukang-liwayway

10 4 0
                                    

Siya'y isang dalagang nakawala mula sa pagkagapos ng nakaraan.
Puno ng poot, sakit at pagkamuhi sa sarili dahil sa kalunos-lunos na kaganapan.
Isang kaganapang ni isa'y hindi nanaising ito'y kaniyang mararanasan,
Sapagkat ika'y malululong, mula mga nakahilerang paso'y iyong didiligan.

Isang dalagang sumasagwan mula sa malalim na karagatan.
Nagpapadala, nagpapatangay mula sa malakas na agos ng tubig habang nakikipaghabulan.
Nakikipaghabulan sa isang estrangherong nakatitig sa kaniya mula sa kawalan.
Estrangherong makapagliligtas sa kaniya mula sa taong lapastangan!

Pag-asa ang bumungad mula sa pagbukas ng kaniyang mga mata.
Bukang-liwayway, huni ng mga ibon, magandang tanawin ang naririnig at
nakikita.
Walang pasubaling bumangon mula sa pagkakahiga.
"Bagong buhay! Magsisikap para sa pangarap!" bulalas ng kaniyang bunganga.

Heto na ang bagong simula, bagong yugto, bagong kabanata,
Mula sa isang dalagang pinagkaitang mamuhay ng payak at payapa!
Heto na ang pagkakataong makamit ang pangarap ng kaniyang Ama.
Pangarap na maging doktor upang lunasan ang sakit nitong hindi pinagtuunang-pansin ng ibang doktora.

Mga Tula ni Tulala🌻Donde viven las historias. Descúbrelo ahora