☁️ ANNOUNCEMENT 2

176 19 0
                                    

ALL PARTICIPANTS: Bibigyan niyo rin ng grade o score kung satisfied, okay lang ang feedback/scores na ibinigay sa inyo ng mga judges niyo.

100% ang pinakamataas na grade.
60% ang pinakababang grade na ibibigay.

Sa private message niyo sa akin isi-send ang grade na ibibigay niyo sa kanila. Bale dalawang scores ang matatanggap ko sa bawat isa. Paki-lagyan din ito ng username ng judge na makatatanggap no'n at genre.

For ex:

Genre: Teen fic
Judge anggandako : 94%
Judge angcuteco: 86%

Para po mas maayos tignan. Again, kapag natanggap niyo na ang scores/feedback, paki-grade/rate ang natanggap niyo sa kanila. 'Wag din po kayong magagalit kapag nakatanggap kayo ng mababang grado o kaya naman ay feedback.

Kung sa tingin niyo po ay hinulaan at hindi binasa ang akda niyo, paki-sabihan ako agad. Lalo na kapag may kakaibang ganap na nangyayari sa book awards na ito. 'Wag ma-offend sa kung anong matatanggap na resulta o feedback.

Tumanggap tayo ng pagkapanalo at pagkatalo. Ang book awards ay para matulungan at ma-improve pa natin ang mga akda natin base sa feedback na natanggap natin sa mga judges.

Kung may words o sentence na hindi magandang basahin o pakinggan talagang ma-o-offend ang nakatanggap no'n.

ALL JUDGES: Dito ko ibi-base ang Top 5 Best in Judges. Kaya masinsinan niyo po itong i-judge at be honest.
Piliin ang mga tamang salita na gagamitin para hindi ma-offend ang taong bibigyan niyo ng feedback.

Okqy lang na maging totoo tayo base sa kung ano ang nakikita o nababasa natin pero kailangan natin ilugar ito, dahil may ibang tao na maselan o mababaw ang feelings at madaling masaktan.

Goodluck at sana maging matagumpay ang takbo nitong awards.

Kung gusto niyong sumali sa book club, sumali kayo! HAHAHA mag-fill up lang kayo ng form do'n.

Any questions?

Sky Book Awards 2021Where stories live. Discover now