CHAPTER 6

5 0 0
                                    

Hintay.


"How's your day?"

Nakangiti akong tinanong ni Mommy at bineso ko muna siya bago sinagot. "Fine. Mukhang mahihirapan ang mga estudyante ko."

Pasimple kong sinilip si Julian na busy lang na nagbabasa ng magazine. Sports magazine na naman. Sinilip niya din ako para irapan. Nagulat ako dahil hindi ko talaga maisip bakit ba mainit ang dugo nito sa akin.

"Brielle. Akala ko magkikita kayo ng Tita mo?"

Bigla kong naalala ang pagsisinungaling ko kaninang umaga. Humarap ako sa kanya at naghush sign kaya pabirong nagtaas ng balikat si Mommy at humagikgik. Napansin ko si Julian na nakatingin kaya inirapan ko na lang siya at patakbong umakyat.

Hinanda ko ang poll na gagawin ng mga M.A. students ko para bukas. Napangiti ako dahil mababawian ko rin sa wakas si Julian.

"Bakit ko gagawin yan?" busangot niyang sabi sa akin kinabukasan sa klase.

Nagtaas akong kilay hindi makapaniwal na sa pagsusungit niya.

"We're taking up masterals at gusto mong magpoll kami para sa isang project na hindi related sa course subject nor even in our course itself?" ngumisi siya. "Don't make me laugh."

Dahil sa sinabing niyang yun ay sumang-ayon ang lahat sa kanya. What? Paanong di related ang art of communication sa humanities? Pumikit na lang ako at bumuntong hininga.

"Fine," at ngumiti ako. "Oo nga naman, sorry class. Thank you Mr. Florentino. Sige, read chapters 1-5 at quiz tayo sa Monday. Bye guys!"

Lumabas ako at wala kong magagawa kundi mag-isang gawin 'to. Napabuntong hininga ako. Hihingi ako ng tulong kay President.

"Ayaw kang tulungan ng klase mo?"

Pilit akong ngumiti at tumango. "Besides Sir, hindi naman dapat gawin ng mga nage-M.A. yun."

"Sige. Ipapagawa ko na lang yung sinabi mo. Buti at kumpleto ang mga klase ngayon at 20 classrooms ang kailangan mong puntahan," nag-aalala niyang sabi.

Nagulat ako. Oh my God! 20 classes? Seryoso si Sir? 

Nanlulumo akong naglakad sa unang classroom. Advantage lang ng private school ay maliit na klase.

"Good morning!" at kinawayan ako ng mga estudyante. "I'm Ms. Hernandez, M.A. Class. May poll ako sa inyo, five minutes lang. Isusulat niyo lang yung gusto niyong work pagkagraduate niyo."

Masaya naman ang mga estudyante at matitino ang mga sinulat nila. Nakarating na ako ng second floor at patapos na ng makita si Julian sa harap ko. Uwian na ba? Tinignan ko ang wrist watch ko, at nagulat na 3:45 na pala.

"Uwi ka na?" nakangiti kong tanong kay Julian. Sobrang pagod ko ay di ko na magawang mainis sa kanya.

Tumango siya sa akin at may inabot na mga papel na kagaya ng sa akin. 

"Oh. Ikaw din, umuwi ka na."

"Ano 'to?" nalaglag ang panga ko ng makitang mga answer form ito galing sa third floor. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Pinagalitan ako ni Tito, wag kang mag-isip ng kung ano diyan," at lumakad na siya paalis.

Pumunta ako kay President at nagulat sa sinagot niya sa akin.

"Hindi kami nag-usap. Bakit?"

"Wa-wala po," nagtataka kong sagot. "Sige Sir! Wala po kong klase bukas, gagawin ko na ito," at winagayway ko ang mga papel.

"Very good Ms. Hernandez!"

Naglalakad ako palabas ng campus at iniisip kung paano magpapasalamat kay Julian. Panigurado, susungitan ako nun pag kinausap ko siya.

"Bri!"

Nilingon ko kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Pat at Janssen sa burger stand. Masaya akong lumapit sa kanila.

"Meryenda break?" nakangiti kong tanong.

"Yep. Swerte mo talaga girl aga natatapos ng klase mo! Ay manang isa pa nga!" sigaw ni Pat sa nagluluto.

"Naku hindi na!" nahihiya kong sabi.

"Che! Si Janssen taya, wag ka ng mag-alala," at hinila niya ako sa tabi niya. "Di'ba Pogz?"

Tumawa si Janssen. "Oo Brielle."

Sabay-sabay kaming kumain at medyo nag-aalala ako sa cholesterol nito, di bale. Magwi-work out na lang ako. Hinatid nila ako sa gate at nagpaalam na ako para umalis ng may bumusina sa harap ko.

Nagulat ako at napatigil kami ng mga kasama ko.

Bumaba ang bintana at bumulaga sa akin si Julian. Anong ginagawa niya dito? Di pa siya umuwi?

"Di ka pa umuwi?" naguguluhan kong tanong.

Ngumisi siya. "Paano kaya kita mahihintay kung umuwi na ako?"

"A-ano? Hinintay mo ako?"

Binuksan niya ang pinto. "Oo, kaya baka pwede ng pumasok ka na?"

Habang nasa daan kami ay nalilito ako sa kanya. Bakit niya ko hinintay? Bakit niya kong tinulungan. Pag nagtanong ako paniguradong susungitan lang ako nito.

"Ang taray mo pala kahit sa text," seryoso niyang sabi.

"Ano? Anong text?"

"Nagtext ako sayo kahapon at tinawagan din."

Nakagat ko ang labi ko, ibig sabihin... Ang tanga mo Brielle! Inuntog ko ang ulo ko.

"Di ka naman kasi nagpakilala," nahihiya kong sabi.

"Oh bakit mo inuntog ang ulo mo?" nakangisi niyang sabi. "Guilty ka?"

"Hindi," mataray kong sabi. "Malay ko bang ikaw yun tsaka masyado pagkakakilala mo sa akin ah!"

"Alam kong masungit ka at iniiwan."

Narinig ko ang panunuya sa boses niya kaya hindi ko na siya sinagot at agad ng kinurot.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Mar 17, 2021 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Huwag Mo Akong SubukanKde žijí příběhy. Začni objevovat