Chapter 22 (a kiss)

3.1K 55 2
                                    

"Hindi ako lalayo Sienna kaya pwede mo na akong bitawan", si Slate

iyon. Mula kasi nang nangyari kagabi ay hindi na siya umalis

sa tabi nito.

Nasa isang paupahan sila sa panibagong bayan na pinuntahan nila. Tutal

parang wala namang patutunguhan ang ginagawa nila mas maigeng ienjoy na

lamang niya ang sarili.

"Kahit na hindi kita bibitawan", mas hinigpitan pa niya ang hawak dito.

Bumuntong hininga ang lalaki.

"You're acting like a child"

"bata na kung bata..basta hindi kita bibitawan", narinig

niya pang tumwa si Dwarcy. Nakaanyong-aso ito para hindi maging

agaw atensyon.

"Umalis ka nga dito!", pananaway ni Slate dito.

"Tayo na nga..gustong masolo ni Slate si Sienna", tumayo na si

Harry at niyaya sina Catherine na lumabas.

"Isa ka pa Harry!", sigaw ni Slate.Ngumiti lamang siya.

"Saan nga pala kayo pupunta?", tanong niya. Si Catherine ang sumagot.

"Mamimili kami ng pwede nating pagsaluhan.. Isang linggo na lang

kaarawan mo na.. at least maicelebrate muna natin ang birthday mo

for advance", tumango lamang siya at nagpaalam na ang mga ito.

Mas mabuti na rin siguro ang ganoon. Hindi kasi niya rin sigurado

kung bukas ay buhay pa siya. Namukadkad na kasi ang marka sa dibdib

niya.

Tumingin siya sa kasama. Sa malayo ito tumingin.

"Tumingin ka nga sa akin", utos niya rito.

"Sienna..alam mo naman ang mangyayari kapag ginawa ko iyon"

"Hindi ba talga pwede iyon..Gusto kong makita ang itsura ng mata mo"

"Kapareho lamng ito ng normal na mata"

"Pero mata mo iyan ehhh!", huminga ito ng malalim.

"Ipikit mo ang mata mo",utos nito.

"ha??paano ko naman makikita ang mata mo kung nakapikit ako",angal niya

"gawin mo na lang pwede", napilitan siyang sundin ito.

"Ayan na nakapikit na ako", naramdaman niyang tinakpan pa nito

ang mata niya gamit ang palad nito.

"segurista ka noh!", sabi niya dito. Tumawa lamang ito.

"use your imagination.... bilugan na may pagkasingkit ang mga mata ko..

kulay brown ang mga ito. Sabi ni Harry ay mahahaba ang pilikmata ko

ng tulad sa mga babae. Sabi ng ilan I have a beutiful set of eyes

that can drive a girl crazy..", tapos na itong magsalita pero hindi

pa rin nito inaalis ang piring sa mata niya.

"No wonder kaya maraming female students ang nagkakagusto sa iyo"

"Nagseselos ka ba Sienna?", bumilis ang kabog ng puso niya. Hindi

agad siya nakasagot.

"Uulitin ko..nagseselos ka ba?"

"Anong gagawin mo kung nagseselos nga ako?"

"ito...",he kissed her.

It's not just a simple kiss dahil ibinuka nito ang bibig niya

and kissed her more deeply. Naghahabol siya ng hininga ng matapos ang

halik na iyon.

"hindi...hindi rin pala masamang magselos noh",sagot niya. Tila

nakaplaster na ang mga ngiti sa labi niya. Tumawa namn ito.

"bale quits na tayo..you kissed me before kaya hinalikan din kita",

Inalis na nito ang kamay sa mata niya.

Nagsidatingan na rin ang mga kasama nila at nagsimula ng magluto.

"What's with that smile?", tanong sa kanya ni Harry. Nakatingin

lamang sa malayo si Slate.

"Wala noh...", tumayo na sya at tinulungang maghanda si Catherine.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora