Chapter 6

11.4K 682 216
                                    

Feeling ko ang tagal kong naligo sa dami ng tumakbo sa isip ko. Ang tagal na rin pala naming magkakilala nina North.

Ang daming nagbago.

Hindi naman bad changes, but everything that happened made us who we are now. Who would've thought once upon a time, North Hansen was a shy type, loner kind of student?

Grabe pagkatahimik niya no'n, mapagkakamalan mong pipi sa sobrang dalang niya magsalita. Ang maganda lang sa kanya, mahilig siya ngumiti once na nakapalagayan ka na niya ng loob.

Tinutuyo ko ang buhok gamit ang towel nang makalabas ako ng cr. May nakabalot din sa katawan ko dahil pipili palang ako ng susuotin.

I stretched my neck for a bit. Papunta na sana ako sa closet nang makarinig ako ng pagkatok.

"Gail?"

Nataranta ako, hindi malaman kung pagbubuksan siya ng pinto o magbibihis muna. Wait, mas appropriate magbihis kaso maghihintay siya!

"North, bakit?" Nilakasan ko ng bahagya ang boses ko.

"Kakatapos mo lang ba maligo?"

"Uh...oo." Naglakad na ako sa may closet at basta na lang kumuha ng damit. Hindi naman siguro niya bubuksan yung pinto, hindi naman siya gano'n. Si Jade pwede pa, walang sense of privacy 'yon minsan, eh.

Hindi na siya nagsalita. Wala rin naman akong narinig na kahit anong tunog sa labas kaya hindi ko masabi kung umalis na siya o hindi. Nagbibis na lang kaagad ako, bahala na kung match ang damit o hindi. Same style lang naman ako mula dati pa.

Binuksan ko kaagad ang pinto at nakita siyang nakatayo lang sa harap ko. She looked at me, scanning my appearance from head to toe. Naglakad siya palapit kaya napaatras ako. Jusko, North, anong ginagawa mo?

"Basang-baba pa buhok mo, hindi mo pinunasan ng maayos. May hair blower ka ba?"

"M-meron."

Natawa siya nang ma-realize na na-startle ako sa kilos niya. "Sorry, tara tuyuin natin buhok mo."

Wala naman akong salitang sinunod na lang siya. Pag-abot ko ng kailangan ni North ay basta na lang niya akong hinila paupo sa kama at inayos ang buhok ko.

Kahit no'n pa ganito na siya, masyadong maasikaso. Noon akala namin magiging baby siya ng group, turned out si Yuka pa ang naging dependent sa amin, second sa trono si Jade na hindi ko maintindihan ang pagka-spoiled dati.

Medyo masama ugali no'n kaya hindi ko alam bakit sila naging close ni North.

Siiguro plus point nang una silang nagkakilala, o baka may side si Jade na hindi ko alam hanggang ngayon. Bumait naman na rin siya, eh. Pilya lang talaga ito noong mga bata kami, madalas si North ang target niya dahil mahiyain.

Lumipat siya ng pwesto at pumunta sa harapan ko habang bino-blower ang hair ko. Napalunok ako dahil ang lapit-lapit niya, at nakakainis kasi hindi siya aware sa nangyayari sa loob ko. Ilang beses na ba ako umabot sa point na gusto ko na lang siyang hilahin at halikan? Tipong bahala na kung sasapakin niya ako pagkatapos or go with the flow siya. Malabo yung go with the flow.

"Gail?"

"Huh? Bakit?"

"Wala naman, napapansin ko lang panay buntong-hininga ka. Okay ka lang?"

Ang galing niyang pumansin ng mga body gestures, sana yung sa feelings ko rin. Joke. "Okay lang. Ikaw ba?"

"Ah, actually magpapaalam ako kung pwede makiligo?" Pinatay na niya ang blower at inilagay sa tabi ko. She looked at me, brushing my hair with her fingers. "Ang init, hindi enough yung wash up lang."

Unrequited (GL) [HSS #4, Completed]Where stories live. Discover now