Chapter 1

3 0 0
                                    

Isang nakakaantok na umaga na naman. Nakatalukbong pa ang comporter sa katawan ko, nakatakip rin ang unan sa tainga ko dahil sa maingay na alarm clock na yan.

"Xennnnnaaaaa gumising kaaaa!"umalingawngaw ang boses ni mama. "Bahala ka diyan. Inaantok pa ako"bulong ko at pumikit ulit.

"Ikaw na Bata ka! Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Mabuti pa yung anak ng kapitbahay natin. Ang babait!"inis akong bumangon at tiningnan ng masama ang ina ko na ngayon ay nakapamaywang na nakasandal sa pintuan.

"Ano na naman ba? Nakita mo natutulog pa yung tao."inis kong sabi.

"Hoy ikaw Xena, kailan ka ba magtatanda. Nanay mo ako pero kung makasagot ka parang di mo ko ka ano-ano"tinuro niya pa ako.

"Yun na nga e. Nanay kita kaya pwede ba lumabas kana para makatulog ako"walang buhay kong sabi at muling humiga. Narinig ko ang yapak niya papalabas kaya pumikit na ako. Napabalikwas ako nong may maramdaman akong malamig na tubig na bumuhos sa katawan ko.

"Sawang-sawa na ako sa ugali mo! Pinag-aral kita kahit naglalabada lang ako tapos ganyan ka! Utang na loob Xena, gumising ka sa katutohanan. Tinaguyod kita tapos ganiyan ang igaganti mo sakin. Akala mo ba di ko alam na di ka pumapasok sa paaralan? Ha! Wala kang utang na loob!"

"Di ko naman sinasabi sa inyo na buhayin niyo ako—"isang malakas na sampal ang sumalubong sakin.

"Kung alam ko lang na ganyan ka sa paglaki mo sana pinaampon na lang kita pero hindi ganun kadali, Mahal kita Xena, anak kita e. Kaya kahit kamuhian mo ako gagawin ko mapabuti ka lang"umiiyak na sabi niya. Nanatili lang akong nakatayo.

Napangiti ako ng mapait habang pumapasok sa isip ko ang alaala na yan. Mapabuti sakin o sa kanila?. Wala akong ginawang masama pero kung itrato nila ako parang di pamilya.

Anong masama kung makipag party ako sa mga kaklase ko. Habang bata dapat mag enjoy pero bakit tutol na tutol sila. Diba nila naranasan ang maging teenager?

Isang katok, dalawa,tatlo hanggang sampu nanatili lang akong nakatihaya sa kama. Kung sino man yan sana umalis na siya. Ayokong may kasama, ayokong may lumalapit sakin.

Napabangon ako nong umikot ang door knob. Nakalock ito kaya ginamitan nila ng susi. Bumungad sakin ang isang lalaking ka edad ko. Napairap ako sa kawalan at di siya pinansin.

"May isa kang roommate. Walang pwede magreklamo"sabi niya.

"Ayokong may kasama"madiin kong sabi.

"Hindi ikaw ang masusunod Xena."malamig na sabi niya. "Shaily, come in"narinig ko pang sabi niya.

Kung nagtatanong kayo kung na saan ako. Well, nandito lang naman ako sa malayong lugar puro puno at halaman ang nasa kapaligiran. Black Ace University yan ang nakasulat sa harap ng lumang gate na nakita ko kahapon. Di ko alam kung paano ako nakapunta rito, nagising na lang kasi ako isang araw na nandiyan na ako sa harap ng lumang gate kasama ang mga gamit ko.

"Bakit ka malungkot?"may nagtanong sakin kaya sandali ko siyang tiningnan. Isang babae na mahaba ang buhok. Magkaheight lang kami. Nakaupo siya sa isa pang kama na malayo sakin.

"Wag kang magtanong"sagot ko. Pinaka ayaw ko yung masyadong inuusisa ako.

"Maganda ang mata mo pero sobrang lungkot nito"galit akong napatingin sa kaniya.

"Dami mong alam at sinong nagsabi sayo na pakialamanan mo ako!?"galit na tanong ko sa kaniya.

"Let it go, Xena"

"Hindi ako si Anna o si Elsa para sabihan mo ng ganyan." Lumabas na ako sa kwarto na yun at bumungad agad sakin ang sari-saring halaman na may mga bulaklak pa. Nagpatuloy lang ako sa paglakad  hanggang sa makarating ako sa pinakatuktok ng gusali. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng lugar, di ko akalain na ganito pala kalawak ang paaralang Ito at may malawak pa na lupain sa labas ng campus.

Di ko alam kung ano ang mangyayari sakin sa lugar na to. Gusto kong makalabas dito ngunit bantay sarado kami dito. Gusto kong makasama ulit ang mga kaibigan ko. Mula sa taas may nakita akong isang maliit na butas. Nabigyan ako ng pag-asa. Tumakbo na ako pababa, may nabangga pa ako pero tumuloy parin ako. May sarili naman sila paa para bumangon kaya bakit ko pa sila tutulungan?.

May nagsambunutan pa sa dinaanan ko. May nag inuman pa. Kung nandito lang sana ang mga kaibigan ko edi sana ayos nasakin, may kasama ako.

Nakarating ako sa isang garden na puno ng bulaklak. Nagpalinga-linga ako dahil dito ko nakita ang butas kanina di ako pwedeng magkamali pero wala na ito.

"Akala mo makakatakas ka? I'm sorry Xena. Wala pang nakatakas sa Kamay ko"napalingon agad ako Isang irao ang iginawad ko sa kanya kung minalas ka nga naman.

"Ikaw na naman! Kailan mo ba ako titigilan!"sigaw ko sa kaniya.

"Never" madiin niyang sabi sakin.

"Alam mo sawang sawa na ako sa mga ganyan. Papansin ka masyado e no paalisin mo na lang ako.  Ikaw kung gusto mong maging sunod-sunuran sa kanila, edi go lang. Wala akong pakialam"sagot ko at tinahak ang daanan palabas. Sinipa ko pa ang mga halaman na madadaanan ko. Walang kwento maganda lang sa una pero kapag nalanta na itatapon na lang.

Bumalik na lang ako sa dorm at dun ikinulong ang sarili ko. Kahit kanina pa ako nagugutom, nanatili lang akong nakaupo nakatulala kung saan. Mukhang wala na talaga akong pag-asa na makalabas pa dito. Di naman nila ako hinahanap kaya mas lalo lang nilang pinaparamdam sakin na di ako kapamilya nila.

"Nandiyan ka na pala. Tara kain na tayo"napairap ako. Akala ko ba wala na to dito.

"Ikaw ang naka isip kaya ikaw ang gumawa"sagot ko. Narinig ko ang paglapit niya kaya tumayo ako at naglakad papasok sa banyo. "Kapag sinabi kong lumayo ka sakin, lumayo ka. Kapag sinabi kong hindi, hindi talaga! Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko!?"

"Gusto lang naman kitang tulungan"

"Ayaw ko ng tulong. Kaya ko ang sarili ko!"madiin kong sagot at saka pumasok sa banyo.

Ibinabad ko na lang ang sarili ko sa tubig kahit papaano mabawasan ang pagkairita ko. Habang nagsasabon sumagi na naman sa isip ko ang lalaking yon bwesit talaga ano bang kailangan niya sakin at Hindi ako matigilan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wake up!Where stories live. Discover now