MAFIA 05

2.1K 59 0
                                    


Matapos naming kumain kanina, ngayon andito na kami sa mall, P*ta mga teh! andanda~ Halatang puro branded ang lahat nang nandirito!





"Oii hiwalay muna kami ni Babe ko ah, Gusto kasi naming mag bonding ng kami lang hihihi~" Napa ngiwi ako sa sinabi ni Weng.





"Ay! Same! Kami rin ni Honey koe~" Si Shaina. Napa poker face ako ng lahat sila napa tingin sakin. Alam ko naman na ako ang maiiwan..okay lang, Okay lng talaga.





"Okay lang..Hindi naman ako mag isa eh..promise okay lang talaga" Sabi ko. Bwiseeett! Mag-isa nanaman ako Huhu!





"Yiieepppyy! Okay lang daw sabi ni Zeina natin! Tara na honey! Kita nalang tayo sa mansyon!" Nag paalam narin sila kokoy sakin kaya ito na ako ngayon.





Mag isang naka tayo dito sa entrance habang naka tanaw sakanila. Kung may bebe lang ako nako! sya na ang pinaka swerte sa lahat! kainis!





Naka simangot na nag libot nalang ako. Teka? sabi ni shaina kita nalang daw sa mansyon? So..ibig sabihin hindi kami mag kikita-kita para sabay umiwi!?





"Ay k*ng*na!"





"Ay lola mo!"





Napa tingin ako sa tabi ko ng sabay kaming magulat! What the F*ck! Wengyang gurang to! Sinamaan ako nito ng tingin, Aba! sya pa may ganang samaan ako ng tingin ah!






"Oh? Problema mo?" Pag tataray ko, Actually mukha syang Bodyguard sa itsura nya palang na puro itim tapos may earpiece ba tawag dun? ahh basta yun!





"Tabi" Sabi nito kaya naman pina meywangan ko sya, kapal ng b*lb*l ng mukhang gurang nato! Akala mo sya may ari ng mall nato eh!





"At bakit ko naman gagawin yon aber!?" Sigang sabi ko habang naka pa meywang. Bigla itong bumulong sa earpiece nya. Negro din yung kulay nito eh tapos kalbo pero mukha ngalang syang gurang malaki rin katawan nya.





Matapos nitong mag bulong-bulong eh agad din s'yang tumingin sakin. Pina siga ko ang itsura ko para naman di halatang mahina ako 'no!






"Kapag di ka tumabi mamamatay ka" Pagak akong tumawa dahil sa sinabi nya. Ano daw? Ako mamamatay!? BHWHAHA! patawa!





"Omg~ Natatakot ako~" May pa acting pa akong natatakot, kumunot lang ang noo nito pero di ko yun pinansin. panay tawa lang ako.






"Miss..Tumabi ka nalang dahil paparating na ang boss namin" Sabi nito. Natawa nanaman ako sakanya.






"Hoy! Negrong mukhang gurang! Ako?" Turo ko pa sa sarili ko "Mamamatay!? WHAHAHA! patawa karin eh no? Grabe! salama-"






"What's goin'on here?" Malamig na boses ang biglang nag salita sa harap namin, feeling ko nanigas ako sa kina tatayuan ko dahil sa lamig ng boses ng lalaki.






Humarap naman ang negro sa kung sino mang nag salita "Boss, Ito po kasing babaeng to. ayaw tumabi" Pag susumbong nya. Aba't!





Hinarap ko na ang kung sino mang lalaking may ari ng malamig na boses na sana hindi ko nalang ginawa!!





Dumilim ang mukha nito ng makita ako "You again" Sana kainin nalang ako ng lupa!!! Oo sya yung lalaking sinakal ko doon sa eroplano! at sya rin yung nag tutok sakin ng baril!






Napa tingin ako sa paligid! Waahh! Lahat pala gumilid maliban sakin na nandito sa gitna! Ang daming mga lalaking naka itim! P*ta!





Nagitla ako ng hatakin nya ang braso ko! Ang higpit non! Bahagya pang lumapit ang mukha nya sakin huminto iyon sa tainga ko. Sunod-sunod akong napa lunok dahil sa kaba!





"Do you think I'll forgive you what did you do to me in that f*cking plane? Ms.Cheap ugly girl" Na nindig ang balahibo ko dahil sa sinabi nya!






I-ito na ba ang huling hininga ko? D-dito na ba talaga ako mamatay!? Naka hinga naman ako ng inilayo nya ang mukha nya sakin pero nanatiling naka hawak parin sa braso ko.





Madilim parin ang mukhang naka tingin sakin. "Kapag nakita pa kita..." Huminto ito tsaka ngumisi ng mala demonyo na ikina putla ko! "Hindi ako mag dadalawang isip na patayin ka" Pag tutuloy nya.





Napa singhap ako ng bitawan na nya ang braso ko. Feeling ko nawalan ako ng dugo dahil sa pagka putla! T-tsaka..n-nag tatagalog sya..Pero bat ganon! Ang hot nya sa paningin ko! WAAHH! ZEINA! MAMAMATAY KANA NAGAWA MO PANG MAG LANDI!





Nilag-pasan ako nito papasok pero bigla rin s'yang huminto bago tumingin muli sakin, hindi na madilim ang mukha nya, ngayon naman makikita mong Bored sya?





"It's bad to see you..Cheap ugly girl" Bigla pa itong napa titig sakin kaya parang nailang ako, iniiwas ko ang tingin sakan'ya. "See you again" Na ngunot ang noo ko dahil sa huling sinabi nya bago nag lakad papalayo.





Ano daw? see you again? P-parang sigurado s'yang mag kikita kami ulit ah, Pero no way! Ayoko nang makita sya!






Takot na nag pauwi nalang ako kesa mag patagal pa dun at baka mamaya nun ay talagang tuluyan na ako! Waahhh! huhu sayang sya! gwapo sana kaso Nakaka takot!





***






"Oh? bat tulala ka jan Zei?" Puna sakin ni Weng. Nanatili lang akong naka tulala habang iniisip ang gagawin ko para hindi mag tagpong muli ang landas namin!





Hindi pa ako handang mamatay! Ayoko pa! ni hindi pa nga ako nag kaka-asawa o boyfriend eh! Tapos patay agad? ganon ba ako kamalas sa pag ibig kaya walang nag tatangkang lumapit sakin!?





"Zei?"





Pero pano kung Mag kita parin kami? Anong gagawin ko? tatakbo, tatakas sakan'ya? Malaki naman ang manila diba? Siguro naman hindi na kami mag kikita non.






"Woy Zei"






Pero nag kita nga kami sa mall eh! kaya possible ring mag kita parin kami! Waahh! Ayoko! Ayoko! Ayoko!!! Ngayon palang gusto ko nang umuwi sa probinsya! Huhu!






"HOY ZEI! KANINA KAPA TINATAWAG NAMIN!"






"Ay hotdog na sunog!" Gulat na bulalas ko. Punyeta talagang bunganga yan oh!







"Problema mong babae ka at lumilipad yang utak mo kung saan?" Takang tanong ni weng. Tatlo lang kaming nan' dito, si weng ako at si shaina nasa sala yung dalawa na nonood ng basketball.






"Oo nga teh! Simula ng umuwi kami dito nag kakagan'yan kana, Ano ba nang yari sayo?" Si shaina naman ang nag tanong.






Halata sa mukha nila ang pag tataka pero umiling lang ako sakanila. Baka kasi di nila ako paniwalaan eh kapag sinabi ko. utak pa naman ng dalawang to tatanga-tanga.





"Wala, tulog na ako inaantok na ako eh" Paalam ko saka nila. tinawag pa nila ako pero hindi kona sila pinansin pa, feeling ko kasi pagod na pagod ako.





*****

To be continued..

Married to the Mafia boss (Book#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon