Finally It's You (A Short Story)2.1

8 1 0
                                    

"Huy mga bruha may kwento ako Owemjiii hahahaha." si Joanne nanaman at ang walang preno nitong bunganga.

"Oh,ano?" tanong dito ni Jennice.

"Saan?sino bakit sa panong paraan~ HAHAHAHAHA." sagot ni Jho ng pabalang.

Napatawa naman ako pati narin sina Angel at Ice habang lumaki naman ang butas ng ilong ni Jennice dahil sa sagot ni Joanne. Siraulo talaga hahahaha.

Nandito kaming lima ngayon sa canteen dahil lunch break na. Nasa kanan ko si Angel at nasa kaliwa ko naman ay si Joanne habang kaharap namin sina Jennice at Ice.

"Alam mo ikaw minsan talaga gustong gusto ko na lagyan ng packing tape yan bibig mo eh!" bulyaw ni Jen sa tatawa tawang bruha sa harapan niya.

Napailing nalang ako sa dalawang ito. Hindi talaga matatapos ang isang araw na hindi sila nagbabangayan.

"Eto na nga kukwento na. Excited much teh? So ayun nga diba alam niyo naman na naglalaro ako ng mga online games diba lalo na yung 'Call of duty' so ayun may nakalaro akong lalaki tapos shet mga bruha boses palang ang gwapo na hahahaha kaya si me ay kinilig ng super duper megatron voltes five." pagkukwento nito habang tumitili.

"Oh? Seryoso?" tanong ni Jen.

"Mm ahihihi." kinikilig na tumango tango pa itong malantod na bruha na Joanne na to.

"Ay. Parang gusto ko na din tuloy maglaro niyan. Tsaka baka nandyan na rin si Mr. Right ihhhh." saad ni Jen na tumutili na rin.

Tsk tsk. Ayan magkasundo nanaman ang dalawa. Basta talaga kalokohan ay magkasundo na magkasundo itong dalawang talipandas na mga bruha na to.

"Hoy wag nga kayo dito magusap sa harap ko tungkol sa Mr. Right na yan, lalandi niyo." bulyaw sakanila nitong si Ice.

"Hahahaha masyado ka namang bitter Ice, napaghahalataan ka nanaman tuloy." tudyo sakanya ni Angel. Kaya naman ay tumawa kaming apat.

"Tse!" pagtataray nito samin.

"Pero uyy ang isa dyan patawa tawa lang yiiee." pagiiba ni Jho sa usapan bago tumingin saakin ng nakakaloko.

"Hahaha ay totoo." dagdag naman nitong si Angel.

"Hoy bruha, ano nga ulit yun?" tanong ni Jen at bahagya pang pinalo ang kamay ni Jho.

Nagkatinginan sila bago sabay na sinabi "SANA ALL!! HAHAHAHAHA" nagsitawanan namang silang apat habang ako ay pulang pula na ang mukha.

"AYY OMG!! Speaking of mga bruha!" saad ni Jennice habang nakatingin sa bandang likuran naming tatlo nina Angel kaya sinundan namin ang tinitignan niya.

Pagharap ko ay nakita kong papalapit sa pwesto namin si Paul Benjamin Buentura.

Tumingin ito saakin at ngumiti ng pagkatamis tamis.

"Hey." sambit nito ng makalapit sa pwesto namin at tumabi sa inuupuan ko.

Hindi ko man lang napansin na lumipat na pala sa katabi ni Ice si Joanne habang si Angel naman ay hinila na ang kinauupuan niya at itinabi kay Jen.

"Hi." sagot ko sa natitirang katabi ko na ngayon ay hawak na ang kamay ko at nakikipagdaldalan sa apat na bruha sa harapan namin.

Napatitig nalang ako kay Benj at napangiti ng maalala kung paano kami nagkakilala.

"HOY Ren diba kilala mo si Ryan? Yung kapatid ni Kate?" tanong sakin ni Jho out of nowhere.

Nandito kami ngayon sa canteen dahil nagyaya itong kumain si Ice. Vacant lang din kami ngayon dahil may meeting yung mga teachers namin patungkol sa graduation naming mga grade 12 students.

Finally It's You (A Short Story)Vol.2Where stories live. Discover now