Chapter Four - Under the Acacia Tree

4.2K 83 25
                                    

"So, Tito's really going to run, huh?" Tanong sa kanya ni Cheska habang kumakain ng paborito nilang popcorn-- ang  kettle corn na nabili nito kung saan.

Nasa silong sila ng acacia na ilang taon na rin ang tanda. Kung tao lang siguro ang punong iyon, iyon na ang pinakamatandang taong nabubuhay sa ibabaw ng mundo. Nakatayo iyon sa mas mataas na bahagi ng school na nasa harapan ng malawak nilang oval. Wala si Toni dahil may hiniram sandali itong libro sa library.

"Uh-uh." Wika niya habang tumatango-tango nang hindi ito nililingon. Busy kasi siyang naglalagay ng pulbo sa mukha. "If that makes him happy, so be it. Actually, he filed na. Kanina-kanina lang." Tinignan nya ito ng nakasimangot. "But I am still worried,  Ches. What if may magtangka sa buhay niya? What if mawalan ako ng ama? What if----"

"Heeeepppp!" Putol nito sa sasabihin nya habang nakataas pa ang mga kamay sa ere. "I know. I know." Tumango-tango ito, "I really know the feeling, Sab. All we can do is to pray that everything will be fine and hopefully, under control." Kinindatan pa siya nito habang ngumunguya.

"So, did tita filed na rin?" Tukoy niya sa nanay nito.

"Yup. Kahapon pa yata. And confirm teh, they will be on the same team." Pinagsalikop  nito ang mga kamay na may cheese-cheese pa sabay tingin sa itaas, "So help them, God."

Sira-ulo talaga itong kaibigan niya pero sumang-ayon na rin siya. She heaved a sighed and faced the oval na nagmistulang playground ng mga sandaling iyon. May mga naglalaro doon ng soccer, volleybal, habulan, basketball, tennis, badminton, may mga dayo na nag jojogging at kung anu-ano pa.

Dumako ang tingin niya sa grupo ng mga lalaking nagkukumpulan sa banda roon. Then she saw that familiar face again.

She turned to Cheska who's now busy wiping her mouth. Ubos na nito ang popcorn "You know what? G--"

"What?" Putol nito sa sasabihin niya.

Inirapan niya ito, "If you let me finish first, di 'ba?" Pagtataray niya.

Her friend just chuckled, "Okay, shoot."

"So, as I was saying..."

"Hi, guys!" Wika ng bagong dating na si Toni habang kabi-kabila ang hawak na mga libro.

"Seryoso Toni, may balak ka bang magpatayo ng library?" Tanong dito ni Cheska.

"Wala." Sagot nito.

"What are you going to do with that stuff?"

"Wala na kasi kaming gasul. Gagamitin ko sana para sa apoy."

"Har-har!" Sarcastic na wika niya.

"Mas 'har-har' kayo, 'no." Inirapan sila nito.

Hindi na nya ito pinansin pa dahil ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang wala namang kakwenta-kwenta. Napabuntong hininga siya at awtomatikong hinanap ng kanyang mga mata ang pamilyar na mukha na iyon.

Hindi naman siya nabigo dahil nakita naman niya iyon agad. Paano ba namang hindi? Kahit marami itong kasamang lalaki, nag-uumapaw ang kagwapuhan nito...well, para sa kanya. Para sa kanya lang at ayaw na niyang malaman pa iyon ng iba.

"Ang gwapo 'no?" pabulong na tanong sa kanya ni Toni. There was a teasing tone on her voice. Nasa kaliwa na pala niya ito at prenteng nakaupo. Hindi man lang niya namamalayan ang pagtabi nito sa kanya.

"At ang yummy, 'di ba?!" Tumitiling saad naman ni Cheska habang nakaupo sa kanan niya. Nakatapat ang bunganga nito sa tainga niya kaya munyik na siyang mabingi.

She pushed them softly pagkatapos ay naiiritang kinamot ang ulo, "Will you, two, just shut up?!"

"Sus! Eh bakit ganoon nalang ang tingin mo kay Toby, ha? Para kang nangangarap ah." sutil sa kanya ni Toni.

"Ay alam ko 'yan mga teh! Ganyan 'yong kanta ni Tootsie Guevarra dati, 'di ba? Iyon ba 'yong... 'Parang may iba akong naradama. Magmula nang makausap na kita...'" then she slowly sway her hips, "'Pasulyap-sulyap ka kunwari, patingin-ti---"

"Magtigil ka, Cheska!" Putol niya sa kinakanta nito.

"Wow! As in wow!" Namilog ang mga mata nito, "Walang halong English 'yon ah! So, naiinis ka na niyan?" Tumaas ang kilay nito.

Alam kasi ng mga ito na kapag nagpurong Filipino siya ay talagang naiinis na siya at seryosong-seryoso na siya. 

"Just....shut up!" Iritableng saad nya rito.

"Bakit ba kasi kumukulo ang dugo mo riyan kay Mr. Bokal na pogi?" tanong ni Toni.

"Bokal?" Takang tanong niya.

"Kalbo. Duhhh! Slow?" Sagot ni Cheska.

Hindi na niya pinansin ang pagtawag nito sa kanyang slow. "Well, as you can see, my dear friends, he's so mayabang kasi!" She stood up. "Look at him!" Namaywang siya habang tinitignan ito. "Look at him!"

"We already are." Wika ni Toni sa likuran niya.

"Look on how he stands, the way he dress,  the way he clings his bag..." nakasabit ang bagpack nito sa isang balikat nito. "And the way he looks at you! It's so irritating! As in big word 'YABANG'!" Hinihingal na wika niya. Ah, basta! Kumukulo ang dugo niya rito!

"Well, as you can see, Miss..." wika ni Toni habang tumatayo, "He's standing just like an ordinary people. The way he dress? Ordinaryo din. Wala namang mali maliban sa mabigat talaga siyang magdala ng damit. Iyong bag naman niya, normal lang din sa isang lalaki. Turn on nga 'yon e." Namimilog ang mga mata nya nang bumaling sa kaibigan.

"What did you just say?!" Hindi makapaniwalang tanong niya rito.

"OA as ever." tumayo na rin si Cheska, "Look at him, ordinaryo lang naman siyang maituturing, Sab ah. Well, aside from the fact that he is really handsome!"

"Ay! Ewan ko sa inyo!" Napupunding wika niya habang kikukuha na ang bag. Wala na siyang magagawa. Two versus one na ang labanan.

"Maybe you're just being bias, Sab." Wika ni Toni, "Dahil siguro sa unang impresyon mo sa kanya."

She rolled her eyes, "Whatevahhh!"

"Mag-ingat ka, kaibigan. There's a saying 'The more you hate, the more you love."

She faced Cheska "Oh, is that so?" Pinaningkitan niya ito ng mata,  "I really really love him then." She said sarcastically.

Namilog ang mga mata ng kanyang kaibigan, "Sabi ko na nga ba eh!"

"What?"

"That you love him!"

She sighed frustratedly, "Ewan ko sa inyo." Naghagis siya ng piso, "Ayan tig-sentimo kayo. Maghanap kayo ng makakausap ninyo." Tumalikod na siya sa mga ito dahil kung papatulan pa niya ang mga patutsada ng mga ito ay malamang, wala na siyang mga kaibigan bukas.

"But it can't change the fact that you like him." Sigaw pa ng mga ito.

"Ewan ko sa inyo! Wala akong naririnig! Hindi ko kayo kilala!" Banas na banas na boses niya.

Tumawa lang ng tumawa ang mga ito, "Hey Sab! Wait up!"

She just sighed, ang hirap makipag-argumento sa mga bata.

------------

Pasensya na sa lahat ng pinaasa ko about sa updates. At alam kong nadisappoint ko na naman kayo dahil sobrang ikli at sabaw.

Hayaan nyo ho akong bumawi. Marami hong salamat!


Love,

PV


PS: ANG PAGBABALIK NG MATABANG WRITEEEER!




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Virgin's First LoveWhere stories live. Discover now