VII [Hula]

4.2K 116 10
                                    

~ sky

Huminga ako ng malalim pagkababa ko ng Sasakyan. Wooh! Kaya ko to! Hindi ko ipahahalata na Nagustuhan ko este Alam ko yung nangyari samin ni Acacia.

"okay ka lang?" tanong ni light. Kagabi ko pa iniisip kung ishe-share ko kay light yung nangyari kaso baka naman kasi tatanga tanga sya at biglang madulas pag kaharap namin si shin naku wag nalang!

Ngumiti ako.

"Tara na?" yaya ko sa kanya. Palabas palang kami ng parking ni light nang may makita kaming nagkukumpulan na mga tao

"Anong meron?" tanung ko

"baka inaabangan tayo?" wew, sabay hawi ng buhok nya

Lumapit kami saka namin nakita na Rambulan pala, puro mga babaeng nagsusuntukan at sabunutan.

"tara umawat tayo!" yaya sakin ni light, hindi pa man din ako sumasagot hinatak na nya ako papalapit don.

Gumitna kami ni light at nakihablot ng buhok,

"tama na.. Awat na!" sigaw ni light habang binabanatan yung isang babae

"tumigil na kayo!" sigaw ko din, habang hawak ko yung buhok nung dalawa at pinaguuntog ko yung mga ulo nila.

Nagulat nalang kami ng bigla silang magtakbuhang lahat.

"Wooh! Mga duwag!" lumingon kami ni light sa nagsalita. Si Acacia, bigla akong kinabahan na hindi ko malaman, Act Normal Sky! Patay Malisya lang!!

"tangina IKAW!" Sigaw ni light saka dinuro sya

"Anong ako?" Maangas na sabi ni Acacia, parang natakot naman si light at napalunok

"Ikaw!" Sigaw ulit ni light. "Ikaw.. Ang pagibig na binigay... Sa akin ng maykapal... Una na ko sky!" Takot na takot syang umalis, Dafak! Pano nya nasindak si Light ng ganun nalang?!

"Hi.. Thanks for the help, ang galing nyo pala.." sinuklay nya gamit ang daliri yung buhok nya.

Hingang malalim. Woooooh!

"hindi ka namin tinulungan no! Umawat lang kami, kung alam ko lang na ikaw yung kinukuyog edi sana nakikuyog din kami! " pagtataray ko. Tumango tango sya at tinignan ako ulo hanggang paa.

Humakbang sya papalapit sa akin.

"Really?" tinitignan nya padin ako.

"Are you checking me out? Basic? " Nakakairita eh wagas kung makatitig.

Ngumisi sya.

"Ew. No"

Umirap lang ako saka ako nagumpisang maglakad.

Hindi pa man din ako nakakalayo bigla nya akong tinawag

"Sky!!!" sigaw nya kaya napalingon ako

"thanks for that night baby! That shit was Ama-zing!" nakataas pa ang kamay na sabi nya. Tinaas ko ang middle finger ko

"Fuckyou!" lumingon muna ako sa paligid kung may nakatingin saka ako nagumpisang maglakad.

Shit! Pakshet talagaaa!! Nakakahiya! At live na live nya pang sinigaw yon?! Kapal ng mukha!

Dumaan muna ako sa Cr para maghilamos. Sky, wag kang magpadala sa kahayupan ng Acacia na yon. Ignore lang!!!

"Sky, Ignore lang okay?" sabi ko sa salamin. Pumunta na ako sa room para pasukan yung una kong klase, magkikita ko na naman yung babaeng yon!

Konpyus Padin.Where stories live. Discover now