c u a r e n t a

3.7K 141 15
                                    

AVERY's POV

Nasa field kami ngayon, inaabangan ang paglubog ng araw.

Lahat ng mga kawal, studyante at mga mamayanan ng Elysian World na ninais tumulong wakasan ang kaidiliman ay nandito rin.

"Where's Luna?" tanong ko. Kanina pa siya umalis at ngayon malapit nang magsimula ang digmaan ay wala parin siya.

"Even Zeke, where is he?" tanong din ni Levi.

Huh? Oo nga! Asan yung dalawang yun.

"O-M-G. Baka naman ang loving loving pa muna sila. Ihhhhhh!" kinikilig na sabi ni Ember kaya napatawa din si Nicka at Carden.

Ang dudumi talaga ng isip nila.

I tried to call them thru telepathy pero wala naman akong nakukuhang sagot sakanila.

Susubukan ko sana ngunit hindi ko na naituloy nang may marinig akong malakas na pag sabog mula sa labas ng Academy.

Mula sa kinatatayuan namin ay makikita mo ang libo libong Demons, Giants and w-wait! Dragons?!

"Is that a blake Dragons?!" gulat na tanong ni Levi.

"What the fuck! Saan sila nakakuha ng ganyan?!" maging si Carden ay nagulat din, halos lahat kami ay gulat.

Isa sa mythical creatures ang mga Dragon kaya nama'y mahirap itong patayin at nagtataglay ng kakaibang apoy.

Agad na lumapit si HM ngunit bigla itong napatigil nang sabay sabay nagbuga ng itim na apoy ang mga Dragons, sinundan 'to ng mga Demons na naglalabas ng kanilang mga kapangyarihan.

Walang umalis o gumalaw sa aming kinatatayuan dahil alam namin' protektado kami ng barriers mula sa Goddess.

"Hindi pa ba mag papakita yung Goddess?" tanong ko sakanila.

Akala ko'y wala akong makukuha sagot sakanila dahil narin wala ni isa samin nakaka alam o kilala sa Goddess.

"Magpapakita siya, siguro may inaasikaso lang ngayon kaya wala pa siya." sagot ni Carden.

"At saan mo naman nalaman yan?" tanong sakanya ni Ember.

"Well..." pabitin nito.

"Just tell us straight, Carden." seryosong saad ni Levi. Wow curious din siya. Haha.

"Kilala ko na yung Goddess, at siya mismo ay nakausap ko." nakangising wika ni Carden.

"I'm not using my Wind pero ang hangin." sagot ko at inirapan siya.

There's no way na makakausap niya ang Goddess or makikilala niya! I don't believe him.

Mag sasalita pa sana siya nang biglang sumabog ang barrier na gawa ng Goddess na ikinagulat naming lahat.

Naging mausok ang kapaligiran ngunit nang maglaho ang usok ay bumungad sa'min ang God of Darkness, si Acheron.

Isang malakas na sigaw mula sa Giant ang naging hudyat ng simula na ng digmaan.

Patakbo kaming lumapit sa kanila at ganun din ang ginawa nila.

The Goddess of Everything Donde viven las historias. Descúbrelo ahora