TERMINOLOGIES

7 1 0
                                    

Chrolea- Ang Mundo kung saan ang mga nilalang ay may kapangyarihan. Ang mundong ito ay tinitirahan ng ibat-ibang klase ng halimaw. Ang mundong ito ay hindi nalalayo sa mundo ng mga tao. Ang mga klase ng hayop, puno, bulaklak, at iba pang bagay at nahahawig sa mundo ng mga tao. Ang mga istraktura, teknolohiya at pananamit lang ang naiiba.

Fidoreos Kingdom- Ang kaharian ng Apoy. Ang mga mamamayan dito ay may kakayahan na kumuntrol ng apoy, sila rin ang may malakas na sandatahang pantanggol. Pinamumunuan ni Haring Felix at Reyna Fatima Guevarra. Ang kaharian na ito ay napapaligiran ng bulkan at matatagpuan sila sa timog.

Wallium Kingdom- Ang kaharian ng Tubig. Dito naman matatagpuan ang mga may kakayahang kumuntrol sa tubig, dalawang klase ang mga naninirahan dito, una ang mga sirena at tsokoy na naninirahan sa ilalim ng dagat at ang pangalawa ay ang mga ordinaryo pero may kakayahang kumontrol ng tubig. Sila ay nakatira  sa Isla sa taas ng Palasyo sa ilalim ng dagat. Sila naman ay kilala pagdating sa mga may kinalaman sa dagat katulad ng pagbebenta ng mga sariwang laman dagat. Pinamumunuan ni Reyna Wiki at Reyna Emily Avila. Ang kaharian na ito ay napapaligiran ng tubig at matatagpuan sa Hilaga.

Wizillon Kingdom- Ang kaharian naman ng Hangin. Dito matatagpuan ang mga taong may pakpak at may kakayahang kumontrol ng hangin, sila ay nakatira sa mga Islang lumulutang, kilala sila sa angkin nilang bilis hindi lang sa hangin pati na rin sa lupa. Pinamumunuan ni Haring Edmund at Reyna Hydee Villanueva. Ang kaharian nila ay nakalutang at napapaligiran ng mga ulap at matatagpuan sila sa Silangan.

Lamezea Kingdom- Ang kaharian ng Lupa. Dito naman matatagpuan ang mga mga may kakayahang kumontrol ng lupa, sila rin at may kakayahang magpagaling gamit ang mga halamang gamot. Kilala sila dahil marami na silang nagawang gamot sa mga sakit at lason. Ang kanilang mga kabahayan ay matatagpuan mo sa mga taas ng puno. Kilala rin ang mga mamamayan dito na magaling pumana, dahil karamihan sa kanila ay mangangaso. Pinamumunuan naman ni Haring Kallix at Reyna Katherine Onyx. Matatagpuan naman sila sa Kanluran.

Unio Kingdom- Ang kaharian ng Liwanag at Dilim. Dito naman matatagpuan ang mga mamamayan na may kakayahang kumontrol ng Liwanag at Dilim, maaaring isa sa dalawa ang maging kakayahan mo at bihira lang ang may dalawang kakayahan sa kaharian na ito. Ang kaharian na ito ay kilala bilang isang mapayapang kaharian. Kahit ano pa man ang kakayahan nagtutulungan pa rin sila. Bukas din ang kaharian na ito sa iba pang mamayan sa ibang kaharian kung sila ay mamamalagi dito. Ang namumuno dito ay ang Haring Kalix at Haring Hanniel Walt. Matatagpuan naman sila sa Sentro ng mapa ng Mundo ng "Chrolea".

Rosewood Academy- Ang akademyang ito ay bukas sa lahat ng gustong mag-aral ngunit may mga pagsubok ka munang dapat malagpasan bago ka makapasok dito. Sa akademyang ito pantay-pantay kahit na isa kang dugong bughaw parehas pa din ang magiging trato sayo at sa iba pa. Sa akademyang ito pangunahing ituturo ang tamang paggamit sa iyong kakayahan, ang pagprotekta sa sarili at pakikipaglaban. Itinuturo din dito ang mga tamang-asal.

IBA PANG IMPORMASYON :
         Sa mundo ng "Chrolea" dalawang salita lamang ang ginagamit ng mga tao dito, ang Ingles at Tagalog. Ang mga mamamayan na nakatira dito ngayon sa mundo ng "Chrolea" ay dating nakatira sa Earth hindi sila mismo kundi ang kanilang mga ninuno. Noong nasa Earth pa sila payapa silang nabubuhay kasama ang mga ordinaryong tao. Itinuturing na Bayani ang kanilang mga ninuno ng mga ordinaryong tao dahil sila ang nagtatanggol laban sa mga halimaw na nanakit ng tao.
            Isang araw sa isang bansa may kagimbal-gimbal na pangyayari ang naganap, maraming tao ang nangamatay dahil sa mga halimaw, pinagpapa-patay sila at ang mga taong may kakayahan. Napuno ng takot at lungkot ang buong Earth, kaya umaaksiyon na ang "May Likha". Gumawa siya ng bagong mundo at pinalipat niya ang mga may kakayahan doon habang ang mga halimaw ay pinarusahan niya. Ikinulong niya ang mga ito sa ilalim ng "Chrolea" at namuhay ng mapayapa ang mga tao. Ang mga nakatira sa Earth na labis na nalulungkot ay nakalimutan ang mga pangyayari dahil na rin sa tulong ng "May Likha" binura niya ang mga ala-ala ng mga tao at namuhay sila ng mapayapa.
             Sa Mundo naman ng "Chrolea" namumuhay na din ang mga nilalang dito ng payapa at nagmamahalan. Paglipas ng mga taon na pamumuhay nila sa bagong mundo hindi lang pamumuhay ang nagbago pati na rin ang kanilang mga emosyon. Natutong magmahalan ang mga magkakaparehas ang kasarian, sa una marami ang tutol o nandidiri pero habang tumatagal lalong nagbubukas ang kanilang mga isipan at ito'y nau-unawaan at paunti-unti nila itong natatangap.

ROSEWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon