Chapter 1-Melanie

60 6 2
                                    


"Anak..."

"Anak..."

"Anong oras na, bumangon ka na jan."

"Opo, Ma. Gigising na po."

--<>--
Melanie's POV

Hays... umaga nanaman. Ang bilis naman ng panahon, parang kailan lang na bata lang ako. Ngayon, jusko lord! Mag gragraduate na ako ng high school, kailangan ko na paghandaan ang future ko. Ang hirap maging matanda!

"Ms. Brain, anong gagawin ko? Natatakot at kinakabahan ako sa future ko. Ano kaya mangyayari sakin sa college?"

"Naku teh! Kaya mo yan, kasama mo naman ako sa long journey mo."

"Grabe! Super ganda ng advice mo Ms. Brain. Akala mo naman ikaw gagawa ng kilos." Pataray na sinabi ni Melanie.

"Ikaw na nga yun ng hihingi ng advice, ikaw pa yun may audacity na magsungit. Hmp!" Pa inis na sumagot si Ms. Brain.

"Eto naman, sorry na. Peace na tayo ha?" Mahinaon na wika ni Melanie.

"Hmp! Bahala ka jan! Babush muna."

"Naku! Patay tayo jan. Iniwanan tuloy ako ng body organ ko."

--<>--

"ATE! Bumangon ka na daw sabi ni Mama!" Pasigaw na sinabi ni Andrei.

"Sandali lang! Ito na, baba na!" Pasigaw rin na sabi ni Melanie.

Babagaon na sana si Melanie sa higaan, ngunit nagkaroon siya bigla ng idea. Kinuha niya ang notebook na nakalagay lagay sa loob ng drawer, at sinulat ang mga naiisip niyang lyrics para sa kanta niya. Kinakanta niya ito habang sinusulat.

"Something ago I told you goodbye I don't know why

This crazy feeling have drive me mad I made you cry

I was such a fool to see you go

I know our love was kind and true

Baby I can trust this feeling in me now."

Ikakanta na niya sana ang susunod na verse ngunit nagulat siya, dahil nakatingin na pala ang kanyang tatay sa may pinto.

"Anak ng tokwa! Tay naman, nakakagulat ka ha." wika ni Melanie.

"Ito naman, ano kala mo sakin? Multo!?"

"Pwede naman po" sagot ni Melanie

Sabay silang tumawa, pinagpatuloy muli ni Melanie ang pagsususlat. Tinitignan ulit ni Tatay Dominic ang ginagawa ng kanyang anak. Tinanong niya ito kung ano ba talaga ang ginawa nito.

"Ano ba talaga ang ginagawa mo jan? Bat bigla ka nalang napakanta kanina?" Tanong ni Tatay Dominic

"Nagsusulat po ng kanta."wika ni Melanie

"Ahh kaya pala, pwede patingin nak?"

"Sge lang po tay."

Binigay ni Melanie ang notebook niya sa kanyang tatay. Habang binabasa ni Tatay Dominic ang gawa ng anak niya. May napansin siyang papel na nakaipit sa notebook nito.

"Nak? Ano ito?" tanong ni Tatay Dominic

"Ay, Ano po yan tay yun sa free foreign exchange student program sa school namin. Inoffer po kasi yan ni Ms. Castro sa mga scholars. Makakatulong daw po para sa college namin. Pwede kaming mag aral sa ibang bansa."

"Oo nga pala, magcocollege ka na noh? Ano na pala yun naisip mong kurso?" Tanong ni Tatay Dominic sa anak niya.

"Sa totoo lang tay, gusto ko po maging singer. Gusto ko po kumuha ng music course sa college." Mahinang wika ni Melanie.

More Than Words (westlife fanfic)Where stories live. Discover now