12 : Ayanna

7 0 0
                                    

THIRD PERSONS POV

"ARGH!" Biglang sigaw ni Quivel. Hinila nito paiwas si Chanel dahilan para siya ang tamaan ng pana na papunta sa dalaga.

Agad din namang tumakbo patungo sa lugar na pinag mulan ng pana si Chiell kasama si Kia. Mabilis na kumaripas ang lalaki ang takbo.

"Siya yung naka bangga sayo kanina diba?" Tanong ni Kia kay Chiell habang patuloy sa pag takbo.

"Siya nga." Sabi nito. Agad na kumuha ng hand gun si Chiell at binilisan lalo ang pag takbo. "TUMIGIL KA!" sigaw nito sa lalaki. Hindi ito nakinig at mas lalo lang binilisan ang pag takbo.

Lumiko ito sa papasok sa open Arena ng Club. Patuloy siya sa pag takbo palagpas sa mga bench ng biglang may pana na tumusok sa harapan nito. Agad siyang napatigil kasunod ni Chiell at Kia.

"Kung ako sayo, tumigil ka na sa pag takbo. Wala ka ng matatakasan dito." Sabi nung babaeng palapit samin habang hawak ang Bow at arrow nya.

"Wag mo akong pakelaman Ayanna. Trabaho ko 'to." Sabi ng lalaki sa kanya. Hindi nag patinag basta ang dalaga at mas lalong lumapit dito.

"Tingin mo ba basta ka nalang pwedeng pumana ng sibilyan?" Nginisian nito ang lalaki. "Or sadyang inggit ka kay Chanel dahil nakapasok na siya sa Imperial Trinity?" Sabi pa nito.

Nginisian ng lalaki yung dalaga. "Lahat ng sinabi mo, non sense yon. Wala akong pakialam kay Chanel..." panimula nito. Agad niyang nilingon si Kia at Chiell. "Sayang nga at di ko napatay yung kapatid mo eh. Maswerte padin siya." Sabi nito. Bakas sa mukha nito ang pag nanais na mapatay ng tuluyan ang binata.

Agad na nakaramdam ng matinding galit si Kia sa loob nya. Pasugod na siya ng biglang umubo ng dugo ang lalaki. Tila sinasakal ito dahil hawak din niya ang leeg nya. Wala pang ilang segundo ay naka higa na sa damuhan ng open arena ang lalaki at wala na itong buhay.

Kia's POV

Dumating na ang mga pulis at ambulansya. Naisugod na din si Vel at maayos naman na daw ang lagay nito. Hindi ganoon kalalim yung sugat nya kaya magiging ok din daw siya.

Kasunod na dumating si Luke kasama si Storm. Agad namang lumapit saamin si Storm.

"Lason daw ang cause of death nung lalaki. Vinn Velasco ang pangalan. 25 years old." Sabi niya.

"Sige salamat. Paki send kay Gio lahat ng info na pwede mong makuha tungkol sa Vinn na yan. Susubukan kong alamin ang motibo nya." Sabi ko. Tumango nalang si Storm tsaka tinitigan yung pana na nakatulok sa lupa.

"Kanino yan?" Tanong nya.

"Dun yan sa Ayanna. Ginawa niya yan para pigilang makatakas yung Vinn kanina." Tango lang din ang sagot nya.

"Excuse me." Sabi ng kung sino. Agad ko din naman itong nilingon. "Hi, I would like to introduce my self, My name si Frances Ayanna Herrera. Isa ako sa Archeress Trinity dito sa club." Sabi niya tsaka inabot ang kamay niya saakin.

Agad ko din namang iniabot ang kamay ko sa kanya "Nice to meet you. ako naman si Kia Adecer, ate ako ni Quivel. Yung kasama ni Chanel na pumunta dito." sabi ko agad din naman siyang tumango. 

"May injury daw sa braso kapatid mo. At mukhang malalim yung natamo nya ah?" Sabi pa niya.

"Ok naman siya. malayo sa bituka pero mukhang mag kakaroon ng peklat si Quivel." sabi ko sa kanya. napatango nalang siya. mahilig siyang tumango ah...

Bigla nalang din nag ring ang Cellphone ko.  Si Nami pala...

"Hello, bakit napatawag ka? akala ko ba ngayon flight mo pauwi?" sabi ko.

"May urgent na kailangan asikasuhin para sa fashion week. naloloka ako kay Bubbles. May kulang pa pala di agad sinabi sakin." Iritableng sagot nya saakin

"Ok lang. nasa ospital din kasi si Vel eh. may biglang nangyari." Sabi ko.

"Wait. what happened? bakit nasa ospital siya?"

"Natamaan ng pana habang nag practice si Chanel ng Archery. Base sa inaakto nung gumawa, sinadya nya yung ginawa nya."

"What?! Nasaan na yung gumawa non? si Quivel? kamusta? Oh my god!"

"Gaga, kumalma ka. bandang balikat lang yung tinamaan. pero medyo malalim din yung pagkakabaon nung pana. Yung gumawa naman, patay na. Suicide ata kasi lason eh. Mahuhuli na sana namin kaso ayun, biglang namatay." Sabi ko habang sinusuklay ko ng daliri ko ang buhok ko.

"That's bullshit! Ano namang motibo ng lalaki na yon para saktan si Quivel? Tsaka sure ba na si Vel ang target o Si Chanel?" tanong pa nya.

" Sure na si Vel ang target." sabi ko. natahimik ang nasa kabilang linya. kala ko binabaan na ako nung gaga eh. "Bakit na tahimik ka jan?" tanong ko ulit sa kanya. 

"Naisip ko lang, anong issue? hindi kaya merong may galit sa inyo?" tanong nya. 

" Actually isa yan sa mga issue na tinitignan ko. may naka bangga kasi akong tao 3 weeks ago." sabi ko.

"Huh? yung Mr. Santiago ba?" tanong nya. 

"Paano mo nalaman?" takang tanong ko. As far as I remember di ko nasabi sa kanya yon.

"Kay Rylle. kanina." Sagot nya.

"Ahh. Sige na mamaya nalang ulit. May aasikasuhin pa kami. Mag iingat ka jan. tsaka may utang ka saaking chika. Ok? byeeeee!" Hindi ko na hinintay na sumagot. deretso baba dapat ng tawag. HAHAHAHA

Shit lang! malaman ko lang na yung Santiago na yon ang may pakana ng lahat ng 'to? sisiguraduhin kong hindi na masusundan ang henerasyon nya. 

*_*_*_*_*_*_

Délavée (ON-GOING)Where stories live. Discover now