Payong

103 4 0
                                    

Jane POV


Kakatapos pa lang ng second subject namin at ngayon recess na, niyaya ako ni Julia na pumunta sa Canteen para bumili ng pagkain dahil nagugutom na daw sya,

pagkababang pagkababa namin ng hagdan rinig na rinig na namin ang sigawan ng mga babae

"Pinag kakaguluhan na naman si Carl ng mga karibal mo!" Sabi sa akin ni Julia, alam nya kasi na may gusto ako kay Carl since first year pa,pinipilit nya akong magtapat na kay Carl pero di ako pumayag kasi hindi pa kami magkakilala ano ba naman ang Jane Ramirez sa kanya diba


"Ayan ka nanaman baka may makarinig sayo" saway ko sa kanya,nasa paligid lang si Carl baka bigla na lang yun sumulpot at marinig ang sinasabi ng babaeng to

"Bakit totoo namang gusto mo si Ca----" tinakpan ko na ang bibig nya bago pa nya matuloy ang sasabihin nya

"Oo na!,pwede manahimik ka na!" Galit kong bulong sa kanya,tinanggal nya ang pag kakatakip ko sa bibig nya tapos bigla syang tumawa ng malakas,problema nito?

--_--

"Kung makita mo lang ang mukha mo,takot na takot ka talagang malaman nya noh,hahahaha"

"Ang saya mo noh" sabi ko sa kanya tapos naglakad na ako papuntang canteen

"Ito naman di mabiro,lika na nga,gutom na ako" tapos hinila na nya ako

Di papala ako nag papakilala sa inyo ako nga pala si Jane Ramirez,16 years old,maganda naman kahit papaano,pero napaka simple ko kung titingnan mo,yung lalaki naman na gusto ko ay si Carl Esguera,hearthrob ng school,gwapo,gentle man at matalino maraming nagkakagusto doon na mas magaganda pa kaysa sa akin kaya talagang wala na akong pag asa

Canteen

"Anong bibilin natin?" Tanong sa akin ni Julia

"Ikaw ang nag aya tapos di mo alam ang bibilin mo" sagot ko sa kanya

"Alam mo ang sungit mo ngayon,meron ka ba?" Tanong nya sa akin,binatukan ko nga kung ano ano kasi ang lumalabas sa bibig eh

"Pumili ka na nga ng kakainin mo,ang dami mo pang sinasabi dyan eh"

"Oo na, ito na nga oh" naka pout nyang sabi sa akin

Sa huli ako rin ang pumili ng pag kain namin,napili naming kumain ng macaroni salad tapos naghanap na kami ng lamesa,sa bandang gitna kami pumwesto

Kumakain na kami ng may biglang nag salita

"Pwede ba akong maki upo dito?" Tanong ng isang lalaki,pero di na ako tumingin pa dahil busy ako sa pag kain,mayamaya narinig ko na lang ang tunog ng umurong na upuan,isa lang ibig sabihin nyan pumayag si Julia

Habang kumakain ako naramdaman ko na lang na may nangungurot sa akin,sino pa ba ang gagawa nyon malamang tong katabi ko,tinignan ko lang sya ng masama,pero ang loka nakatingin pala sa lalaking naki upo sa amin, tinampal ko ang kamay nya para tumigil na sya sa pangungurot nya,pero tinignan nya lang ako,tapos parang may sinasabi sya gamit ang mata nya,ano nanaman ba ang trip nya T.T

After 5 minutes

Tapos na akong kumain at iinom na lang ako ng tubig ng bigla namang sipain ni Julia ang upuan ko,tekna kanina pa ako naiinis dito sa babaeng to ha,ngayong talaga handa na akong sigawan sya

"Ano bang problema mo Julia!" Syempre mahina pero pasigaw na ang boses ko,binigyan naman nya ako ng isang 'tumingin ka sa harap mo look' ano naman ang meron sa harap ko? Para matigil na ang kabaliwan ng babaeng ito susundin ko na lang ang gusto nya pero bago yun,uminom muna ako bago ako tuluyang humarap kasi nauuhaw parin ako,pagkaharap ko

Payong (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon