38th Shade

70 10 2
                                    


Judith.

Brion Rodriguez, siya ang bully noong elementary. Hindi ko nga magets kung bakit nawala na lang ang inis at galit ko sa kanya. Dahil ba kailangan ko ng kausap ngayon? Dahil ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Napapansin ko ring chinachat ako nito na parang gusto lang niya ng kausap kaso nagpapaalam ako agad.

Hindi naman niya ako direktang binubully pero tinatawag niya lang ako ng Hey Judeㅡwhich is, okay lang dahil maganda rin naman ang kanta. Kaso noong elementary ay maraming incident ang nangyari sa akin sa paggawa niya! Sabi naman niya, aksidente! Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya pero nag-sosorry din naman siya. Mahina pa naman ako sa mga sincere na humihingi ng tawad.

Besides, ilang taon na rin naman 'yun. Baka naman nagbago siya ngayon?

Kaso may pumipigil pa rin sa aking reply-an siya kaya nakipagtitigan ako sa profile picture niya.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Brion:

u ok?

uhm ewan ko ba kung tama ba 'to kasi biglaan

wala lang

i know we had some shit happened back then

i just wanted to ask if u r ok

kasi nga bothered ako sa 'hahaha' mo

no offense

or sana hindi ka maweirduhan

kasi ako dapat ang maweirduhan na ganun ka

well ilang beses lang naman tayo nag-usap dito

mostly, inis ka

tapos ngayon tatawa ka

besh shooketa

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Natawa ako at pinunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Kinailangan ko pang tanggalin ang salamin ko para takpan ang mga mata ko. Hindi ko na rin alam kung tapos na ba sila mag-away sa loob. Ayaw ko rin namang umiyak nang umiyak dahil medyo sensitibo ang mga mata ko. Mabuti na lang, may eye protection feature ang phone na binigay sa akin ng tita ko sa abroad.

Binasa ko na lang ulit ang mga messages ni Brion. Hindi ko naman ineexpect na ganito ang pagsasalita niya sa chats.

Pinindot ko ang profile picture niya at pinagmasdan ang mukha niya. Meron siyang bilog na mga mata, maiitim at mahahaba ang mga pilik mata niya. Medyo mahaba rin ang buhok niya na nakaponytail. Medyo may pagkamoreno siya. Mukha talaga siyang matinong bad boy.

Malayong-malayo siya sa itsura niya noong elementary.

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Brion:

seen

seentamis

Lilac NightfallWhere stories live. Discover now