chapter 5

784 6 5
                                    

Naka lipas ang ilang araw ngunit hindi parin ako sinusundo ni Elijah.

Ngayon ay patingin tingin nalang ako sa magubat na daan sa harap ng aming bahay, bakanteng lote ito at puro damo at puno ang nariyan.

"Nak, may problema ba?" Tanong ni daddy sakin na kakarating lang may dalang kape at tinapay.

"Dad... pag niloko ka ng isang tao mapapatawad mo pa ba?" Tanong ko sa kaniya sabay simsim sa kape.

"Oo naman nak, lahat naman nagkakamali pero piliin mong patawarin yung taong kayang pagsisihan yung pagkakamaling nagawa niya, lahat ng babae deserve maging masaya" naka ngiting sagot ni daddy.

Tumango ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko.

'Bakit ba kasi ako pa yung napiling lokohin'

Pagsimsim ko sa kape ay siya ring pag dating ni mommy.

"Lahat ng tao deserve ng second chance, pero hanggang dun lang yon kasi nak pag pinatawad mo ng pauli ulit yung tayo aabusuhin ka niyan, hanggang sa masanay kang okay na sayo na niloloko ka niya, kung nakikita mo ang pagsisisi sa kaniya patawarin mo, pero wag mo na siyang pagkatiwalaan tulad ng dati" paliwanag ni mommy.

Unti unti akong nabuhayan ng lakas ng loob, gusto ko nang umuwi para makausap siya, pero naisip ko.

'Gusto nga ba niyang makausap ako? Dahil parang hindi, hindi man lang niya ako hinanap'

Ngumiti ako ng mapait.

Naubos ang kape namin at lumoob na kami sa bahay.

"Mom, dad uwi na ako sa bahay, baka hinahanap nako ng asawa ko" ngiting pilit na sambit ko kahit alam kong hindi naman niya talaga ako hinahanap.

Kinuha ko ang gamit ko na hindi naman ganon kadami.

Nang makauwi ako ay hindi ko alam na mas madudurog ako.

Isang sapatos ng babae ang nasa lagayan ng mga sapatos.

At panigurado akong hindi para saken yon, ngumiti ako ng pilit.

Gusto ko nang yakapin ang asawa ko, pero nanghihina ang loob ko lalo na at alam kong may babae.

Dumeretso ako sa kwarto para ayusin ang gamit ko, padaan palang ako sa kusina ay narinig ko ang boses ng babae.

"Ako nalang magpapaliwanag pag nasunod mo na ang asawa mo" aniya.

"Sana lang ay hindi ko siya nasaktan sa part na yon, baka isipin niyang niloloko ko siya" boses ng lalaking alam ko na asawa ko.

"Bakit ba kasi nagkaron ng problema yung kompanya e, magiging maayos naman kayo ni  Khate" nanlulumong anas ng babae.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pumasok ako sa kusina para kumpirmahin ang narinig ko.

Natigilan silang dalawa.

"Khate" masayang sambit ni Elijah.

Agad siyang lumapit at niyakap ako ng sobrang higpit.

"Kala ko tuluyan ka nang hindi mag papakita saken hon, di ko naipaliwanag noon yung side ko kasi sobrang gulo" sambit niya habang naka yakap paden saken.

Nakita ko naman ang babaeng kasama niya na naka ngiti.

Nang humiwalay si Elijah saken ay pinaupo niya ako sa tabi niya.

"Hon nag karon ng problema ang kompanya, kaya pinagsama kami ni Janiya para kausapin ang ibang investor, ang iba kasi ay may iba deng project" paliwanag ni Elijah.

"Totoo yon Khate, actually nakita kita sa mall non, sinabi ko kay Elijah yon pero hindi ka niya mahabol dahil dumating ang ka meeting namin"  si Janiya naman.

Tumango ako at naintindihan ko lahat.

"We're sorry Khate, pero ngayon unti unti nang naaayos ang kompanya kaya hindi ka na mamomroblema" dagdag ni Janiya.

"Okay lang, ilang buwan na din kasing malamig si Elijah saken kaya sobra akong nasaktan" paliwanag ko naman.

"Sorry" malungkot na anas ni Elijah.

"Hon it's okay, naintindihan ko na yon" sagot ko habang naka ngiti.

"Ah alis nako, may aasikasuhin pako e" paalam ni Janiya.

"Salamat" ngiting anas namin ng asawa ko.

Tumango siya at ngumiti.

Nang maka alis siya ay niyakap ako ng sobrang higpit ni Elijah.

"I miss you so much hon" sa tono ng boses niya ay halatang totoo ang sinasabi niya.

"I miss you too" sagot ko at niyakap din siya.

————————————————————————

A/N: okay dahil daming nag message saken na magkaron ako ng ud, eto na yon mwhehe yan nalang muna for today lovelots.

My Possessive and Ruthless Husband Where stories live. Discover now