Chapter 34: A brother's feelings

117 4 0
                                    

Nasa hapag-kainan kaming lahat. Ang ibig sabihin ng lahat ay sina Athena kasama si Chaos at Akila,  Apollo, Hermes, ako, Tres, Dad, Mama, and Tito Zion.Si Aphro nalang ang kulang at buo na sana kaming magkakapatid. Kahit na hindi anak ni mama si Athena, she still invited her.

"Hindi ba makakauwi si Aphro?" mama asked, nagsitinginan sila Athena at sa huli tumingin sila sa'kin. Yumuko naman ako, "S-She's still busy"

Yeah, white lies—busy naman talaga si ate 'yon 'nga lang hindi ko alam kung nasaan pa rin siya hanggang ngayon.

"Did you try to call her, Cassandra?" dad asked. Umiling si mama, "pero araw araw siyang tinitext ni Zion"

"may sagot naman ba?"

Si Tito Zion naman ang sumagot, "none. Kahit isa wala"

"Maybe she's really busy just like what Artemis said" kuya Hermes said and looked at me. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin. Hindi ako makatingin ng diretso kay kuya dahil pakiramdam ko may kakaiba sa tingin niya. Shit, nahalata ba niya na hindi ko talaga alam kung nasaan si ate? No, it cannot be. Pero hindi naman tanga si kuya. Shit, bahala na si batman.

Tumingin ako kay Akila na mahimbig na natutulog sa kanlungan ni Athena, at mukhang napansin din 'yon nila mama.

"You should take Akila on the guest room first, Athena. At baka magising pa siya"

Tumango naman si Athena at inexcuse niya ang sarili niya. Hindi na niya tinanggap ang tulong ni Chaos at umalis na. Jeez, she's really an independent woman.

We didn't start eating, dahil kailangan sabay sabay kami kakain. It was our tradition when it comes to family dinner.

"Kailan ang kasal, Chaos?" dad asked

"A-Ah sa susunod na buwan po"

"susunod na buwan? Bakit hindi niyo nalang ipa-aga pa" mama suggested

Napakagat naman ako labi, no hindi pwede—wala pa si ate kaya hindi pupwedeng agahan ang kasal nila Athena.

"Wala po kasing available na date sa church na pinlano namin kaya next month pa po"

Shit, parang nawala ang barado sa dibdib ko nang sabihin ni Chaos 'yon.

"Ah ganon ba, then how about you, Artemis?" nabigla naman ako ng ibaling sa'kin ni dad ang tanong

"eh?" Hindi ko alam ang isasagot ko. Kasal ba ang tinutukoy ni dad?

"What I mean is kailan kayo magpapakasal ni Tres?"

"dad masyado pang maaga para diyan" Apollo butted in

"Apollo is right, dad. Kakaayos lang namin ni Tres, matagal-tagal pa para magpakasal kami"

Naramdaman ko naman na hiniwakan ni Tres ang kamay ko, mahina ko naman itong pinisil.

"Masyado pa silang bata para magpakasal, Zeus." Tito Zion said

Dad laughed, "my bad"

Ilang minuto ang makalipas ay nakabalik na si Athena, "Let's start" sabi ni mama

We pray before eating, at hindi mawawala ang usapan namin habang kumakain syempre.

"Wala ka pa bang nililigawan, Hermes?" Mama asked, napatigil naman si kuya sa tanong nito. First time kong marinig si mama na tanungin si Hermes about sa lovelife nito. At alam kong pati si kuya ay nagulat doon.

"I-I'm still having a hard time" kuya answered

What does he mean? Ibig bang sabihin 'non meron na siyang natitipuan na babae? Darn.

Costello 2: ArtemisWhere stories live. Discover now