Chapter 6

10 4 3
                                    

Chapter 6
Angelic P.O.V

Bigla akong nagising dahil sa uhaw kaya pumangon akong ako  at tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.Pag tapos kong uminum ng tubig ay napagpasyahan kong tumamabay muna sa labas.Naupo ako sa may upuan sa labas ng bahay .Hindi naman mainit dito kaya naupo ako,pag upo ko ay napansin kong may naliligo na tatlong tao sa dagat nahulaan ko agad kong sinu ang mga  ito.Sila carol at charles pero yong isang babae hindi ko kilala.May inggit at sakit na naman akong naramdaman mula sa puso ko.Pero binaliwala ko ito at inabala ang sarili ko sa paglalaro ng paa ko sa  may buhanginan,nakakalibang ang ganito.Lihim akong napasulyap ng bigla akong nakarinig ng ingay na may nagbabangayan na dalawang babae kong saan naliligo sila Charles diko ugaling makinig sa kanila kaya nilibang ko ang sarili ko.Dahil libang na libang ako sa ginagawa ko ay diko na napansin na may paa palang nakatayo sa harap ko.Nahulaan kona agad kong sino ito. Nag-angat ako ng tinging para tingnan sya.Nakakunot ng noo nya habang nakakatunghay sa'kin.Diko matagalan ang mga titig nya kaya ako mismo mo ang sumuko sa mga titig nya.Pinagtuonan ko ng pansin ang paa ko sa may buhangin
",Tsk.'para kang bata,"sabi nya sabay pasok sa loob.Lilingunin ko sana sya ng mapunta sa mata ni Carol ang paningin ko.Nanglilisik ang mata nito na nakatingin sakin.Anong problema ng babae na 'yon .Bakit ganun makatingin 'yon.Di ko nalang pinansin ang masamang titig ni Carol at bumalik ulit ako sa ginagawa ko nong mapagtanto kong para nga akong bata sa ginagawa ko ay lihim akong napangite.
",Sabi ko na nga ba maganda ka talaga e."
Gulat akong nag-angat ng paningin sa nagsasalita.Sino ba 'to diko man lang napansin na nakalapit sya sakin.
",Hi..ako nga pala si Yssa,ikaw anong pangalan mo ."pagpapakilala nya sakin sabay abot ng kamay nya upang makipagkamay.Tinitigan ko sandali ang kamay nya bago ko ito abutin.
",Hah.'kinagagalak kitang makilala Yssa,ako naman si Angelic."pagpakilala ko sa kanya ng nakangite.Ito ang unang beses na may nagpakilala sakin sa lugar na to.
",Wow.!'ang ang ganda ng pangalan mo.'bagay sa ganda ng mukha mo pati na rin ang ugali mo.Akala ko pag taga syudad ay masungit di na mamansin,pero iba ka,di pala lahat ng taga syudad ay masungit."Natawa ako sa mga sinasabi nya.
",Paano mo namang nasabi na masusungit kameng mga taga syudad."tanong ko sa kanya,pero bago nya ako sagutin ay niyaya ko syang tumabi sakin.Nanlaki ang mga mata nya sa ginawa kong pag-aya sa kanya.Nakangite itong umupo ng hindi inaalis ang tingin sakin.Bigla akong nahiya sa inasta nya kaya yumuko ako.
",Hahaha,ang cute mo naman pagnahihiya ka,kasi  namumula  yong maputi mong mukha.'Gustong gusto ko tuloy na titigan ka."paghanga na turan nito sakin.Napatingin ulit ako sa kanya at ngumite ng sagad .
",Halah.!"nagulat ako sa reaksyon nya matapos kong ngintian sya.Kinabahan ako kong may nagawa ba akong kasalanan.Kaso nawala bigla ang kaba ko ng tumawa sya ng malakas.
",Bakit ka tumatawa."takang tanong ko sa kanya
",Hahaha diko  masisi ang kuya ko ng sabihin nyang maganda ka talaga.
"Anong ibig mong sabihin.'Tska sinong kuya ang sinasabi mo."Gusto kong hilingin na si Charles ang tinatawg nyang kuya,nalungkot din ako ng malirease kong pareho lang din ang idad namin ni Yssa pati na din si carol.
",Yong kuya kong si Alex."Bagsak ang balikat ko ng ibang pangalan ang narinig ko.
",Ah.ganon ba.?'
"Oo ..dun 'yong bahay namin oh.."sabay turo nya sa na mas maliit pa sa bahay na di kalayuan dito sa bahay nila carol.
",Ang cute naman ng bahay nyo."paghanga ko sa bahay nila.
",Talaga.'Kasing cute ko ba.?'tanong nito sakin sabay pagpapacute.Tiningnan ko ang hitsura nya bago tumango sa kanya.Lumapad ang ngite nya ng sumang ayon ako sa sinasabi nya.
",Sige..uuwe na ako hah.'nextime tumambay ka samin para makilala mo papa at mama ko pati na rin ang kuya ko.Ipagmamalaki kong may bago akong kaibigan na maganda ba mabait pa."Halatang tuwang tuwa ito habang pinagmamalaki ako.Tinaguan ko nalang sya ng nakangite.Tingnan ko lang sya habang tumatakbo pauwe sa bahay nila.

",Di lahat ng tao dito ay makukuha sa  charm mo!"
Binubola ka lang nong tao naniwala ka naman."Alam kong si carol ang nagsasalita,kaya inusinte ko syang nilingo.Kakatapos lng siguro nitong maligo.
",Ano bang sinasabi mo dyan."
",Maang-maangan ang arte mo.'pwede bang wag kang magdrama na mabait ka talaga.Alam ko naman na maldita ka di mo lang mailabas kasi andito ka sa pamamahay namin'pati parents ko nakuha mo ang loob sa ikli ng panahon na tinaggal mo dito,pwes !para sabihin ko sayo di ako tulad nila na madadala sa pag-arte mong mabait ka !!!" halatang may galit ang mga salita nya,diko alam kong saan nya nakuha ang galit na 'yon.Dapat nga ako ang magalit sa kanya dahil sa gingawa nya sa fiancee ko e.Nakapagtitimpi pa ako kaya di ko nasasabi ang tutuo sa kanila.
",Ano bang sinasabi mo carol."mahinahon na sagot ko sa kanya.
"Braboo."ang galing mong umarte Angelic."Sabi nito sabay palakpak.
".Di ko alam sinasabi mo."Tamad na sa got ko sa kanya sabay tayo.pero pag tayo ko nagulat ako sa ginawa nya

PAakkkk

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.Muntik ng maluha ang mata ko sa lakas ng sampal nya.Nagdilim ang paningin ko kaya binalik ko sa kanya ang ginawa nya sakin.Diko napansin na napalakas ang sampal ko,kaya naout of balance sya na nahulog sa buhanginan.'Nagulat ako sa ginawa ko lalapitan ko sana sya ng bigla dumating si Charles at tinulungan  na makatayo si carol .Biglang sumama ang tingin sakin ni charles may hulong galit ang sumbat ang mga tingin nya.
",Ano bang nangyayari sayo Angelic,'kilan kapa natutong manakit ng tao.Di na ikaw na Angelic ang nakilala ko.!"magsasalita na sana ako ng bigla akong pinaalis si charles dahil nakaharang ako sa dinadaana nila.Tinitingan ko lang silang magkaagapay na dalawa.Bigla na naman akong nakaramdaman ng kirot sa dibdib ko.Ano mang oras ay babagsak na ang luha ko,kaya bago pa ito bumagsak ay tumakbo ako paalis ng bahay.Di ko alam kong hanggang saan ako balak dahil ng mga paa ko.Ang gusto ko lang ay mailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.Naramdaman ko ang pagod kaya bigla akong nahinto upang magpahinga at ng makapagpahinga ako ay ngayon ko lang napagtanto na dumidilim na pala igila ko ang pangin sa lugar na pinasukan ko.Nakaramdaman ako ng takot ng wala akong makita na kahit isang bahay dito.Puro mga malalaking puno lang ang nakikita ko,Bigla sumibol ang sobrang kaba sa dibdbi ko.Magkahalong  kaba takot at sakit ang nararamdaman ko.Diko alam ang gagawin ko di ko alam ang daan pabalik sa bahay nila Carol.Pero nang maalala ko si carol ay bumalik 'yong sakit na kanina lang ay naramdaman ko.Wala akong nagawa kong di lumapit sa malaking puno at naupo don sabay tahimik na humihikbi .Kasabay ng hikbi ko ang paulit-ulit ng pagtawag ko sa mama ko.

Marry Me AgainWhere stories live. Discover now