Forth

821 18 1
                                    

Nang tumila na ang ulan, isang bahaghari ang pumagitna sa langit.

Napatingin tayo pareho sa itaas at tinignan ang napakagandang bahaghari.
Minsan lang may bahaghari pagkatapos ng ulan, kaya ang gandang pagmasdan. Parang bumabalik tayo noong kabataan natin.

“Alam mo tara, para kang bahaghari…” biglang sambit mo.
Tinignan kita.
“Ha? Ako? Bakit naman?” –kunot noong tanong ko sayo.
Ngumiti ka habang nakatingin pa rin sa ulap.

“Binigyan mo kasi ng kulay ang mundo ko, sa gitna ng mga pinagdaanan ko sa buhay… simula nang dumating ka. I am thankful to have you tara.”

Napahinto ako sa tinuran mo.
Pareho pala tayo ng nararamdaman. Nang makilala kita hindi lang ako naging masaya.
Natutunan ko ring magkagusto sa isang katulad mo.
At saksi ang ulan sa sayang nararamdaman ko habang kasama kita.

Gusto ko sana itong sabihin sayo, kaso wala akong lakas na loob na iamin at napapangunahan ako ng kaba, kaya di na lang ako nagsalita.

***

UlanWhere stories live. Discover now