CHAPTER-9

2.3K 74 4
                                    

BRIANNA POV:
              Ginagawa ko yung project namin para maipasa ko na bukas. Madali lang naman kaya hindi na ako nahirapan.

Inayos ko na lang at nilagay sa study table ko para madali ko lang makita bukas katabi ng bag ko ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

Hindi naman kasi pwede na pinto ng kwarto ni ano basta si ano kilala niyo na yun.

"Baby your friend is here" nakangiting sabi ni Mommy sa akin.

"Po?" I ask her again

"Nandito mga kaibigan mo andon sa sala hinihintay ka" sabi ni Mommy

Tumayo ako upang yakapin at halikan siya sa pisnge

"Good eve Mom kakarating niyo lang po ba?" I ask her

"Yeah sabay lang kami dumating ng friends mo" nakangiti nitong sabi

"By the way your cousins gonna sleep here tonight baby" sabi ni Mommy

"Ubos nanaman foods ko dahil kay Kiro" nakapout na sabi ko

"Don't worry bumili na kami ng Dad mo kanina ng extra foods mo" sabi ni Mommy

"Yieee thanks Mom you and Dad is the best ever" nakangiti kong sabi sa kanya

"Ikaw talaga" sabay gulo sa buhok ko

Natawa na lang kami pareho at sabay na bumaba dumeretso si Mommy sa kitchen ako naman sa mga kaibigan ko.

"Hey" tawag pansin ko sa kanila.

Pano ba naman kasi may kanya kanyang pagkain while watching TV feel at home amp.

Pero si Aerex lang ang lumingon sa akin.

Napalunok naman ako ng tiningnan niya ako mula ulo hangang paa. Sinuri talaga ako ih.

Tumayo ito at lumapit sa akin

"Change you clothes" mahinang sabi nito pero andon parin yung inis, utos basta yun bang parang galit siya na ewan.

"Why?" Takang tanong ko dito

"It's too revealing Bri" inis na sabi niya

"And so" taas kilay na sabi ko

"Isa" pagbabanta nito kaya dali dali akong bumalik sa taas upang mag palit.

Naka sando and shorts lang kasi ako kanina.

Nag pajama na lang ako yung pair na pantulog para wala na siyang masabi.

Minsan talaga napaka possessive niya eh kaya minsan dahil sa ganyang side niya umaasa ako na mahal niya din ako pero simula ng mag kwento siya about what happen 5years ago about sa taong mahal niya. Unti unti nadin akong sumuko. Susuko lang ako haaa pero hindi mawawala pagmamahal ko.

"So guys asan na?" Sabi ko ng makaupo ako sa gitna ni Thunder and Kiro

"Here 20k" Kira said

Nilapag din ni Ice yung 50,000 niya

Thunder 20,000

Kiro 15,000

Aerex 50,000

"What the f*ck" mura ko na narinig naman nila.

Nilibot ko naman paningin ko at ayon si Aerex ang sama ng tingin sa akin bawal daw po ako mag mura. Yun po sabi niya sa akin noon. Napatakip na lang ako ng bunganga ko at yumuko

"Haaayyysss" I said "Sabi kasing 100k lang kailangan ko" sabi ko

"Magagamit mo parin yan malay mo sa next activity sa school kailangan nanaman ng pera so ayan na" Kira said

"You right" sang ayon ko na lang

"50,000 + 50,000 + 20,000 + 20,000 + 15,000 + 15,000 is equal to 170,000 pesos" bilang ni Maine sa lahat ng pera na andon kasama na yung pera na binigay niya kanina sa office ko.

"Thanks guys" nakangiti kong sabi sa kanila

"No prob" sabay nilang sabi.

Ganyan kadali lang para sa amin lumabas ng ganyang pera para sa iba malaki na yan pero para sa amin barya lang yan. Sa mall nga mas malaki pa jan yung nagagastos namin ih.

Kalaunan tinawag na kami ni Mommy for dinner.

Secretly In Relationship With Campus King(SILVESTRE SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon