Chapter 23 - In Trap

1K 55 2
                                    

KATE CHANDRIA'S POV

Nilagay ko sa study table ko ang lahat ng mga notes na kailangan kong ireview. Sabado ngayon at sa Lunes na ang prelim naming nga BSED students. Pupunta rin yung kambal dito para sabay kaming magrereview dahil pinayagan ako ni Daron. Okay naman na ulit kami. Sa apat lang naman sana ako magpapaalam pero sabi ni Raizer, mas mabuti raw na humingi rin ako ng permiso sa kuya nila. Tama rin naman sila kaya ginawa ko nalang. Akala ko magagalit siya o ayaw niyang pumayag pero nagulat nalang ako ng mag-oo siya... Like duh. Ilang araw din kaya kaming hindi nagpapansinan.

" Katria." Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko ng dumungaw si Shael." You're friends are here. Nasa baba sila ine-entertain ni Akken."

Tumango lang ako at sumunod sa kanya pababa. Nakita ko agad yung kambal na mukhang naaaliw kausap si Akken at nasa tabi niya si Raizer na nakikinig lang sa usapan nila pero minsan sumasabay rin siya. Si Cohen, tulog pa siguro dahil nadatnan ko siyang nagsusulat sa kwarto niya kagabi. Si Daron naman nowhere to be found din.

" Sis!." Napapikit ako dahil sa higpit ng yakap nilang dalawa. Dinaganan ba naman ako sa sofa, ang bibigat pa naman nila. Jusko.

" Ano ba kayo?! Kakakita lang natin kahapon ah! O.A niyo naman."

" So where are we going to review? Dito ba o sa kwarto mo?." tanong ni Aika.

" Sa kwarto ko nalang kase nandun yung reviewers ko. Punyeta! Bakit ba kase hindi kayo nagdala ng sa inyo?!." inis kong sambit. Palibhasa kase ang tatamad nilang magsulat. Palagi nalang nakadepende sa'kin kesyo matalino raw ako.

" Why do we need to bring ours if you have yours? Stop cursing, Kat. Future teacher tayo baka nakakalimutan mo."

Napairap nalang ako sa sinabi ni Aira." Fine. You win. Tara sa kwarto ko."

Una naming nireview ay 'English For Specific Purposes'. Kailangan naming imemorize lahat ng purposes na nakalagay dito pati na rin ang pag-aaply nito sa amin as a teacher. Medyo mataas taas nga ang isang 'to pero kailangang saulihin namin lahat. Tatlong major subject pa naman ang irereview namin.

Nasa kama ako dahil gusto kong makapagrelax habang nagbabasa. Si Aika naman nasa couch dahil gusto niyang mapag-isa para daw mas makapagfocus siya. Si Aira naman nasa study table ko dahil mas komportabke raw siya kung sa table siya kaya hinayaan ko nalang. Kanya kanya kami ng ginagawa dahil iba iba rin ang tricks namin kung pa'no namin masasaulo lahat 'to. Sinabi ko naman sa kanilang 'wag na sila magbaon dahil ako nalang ang magluluto para sa kanila. Libre ko na rin ang snacks dahil sa sahod ko naman galing ang pinambili ko dun.

Mag-aalas dyes na ng makatapos akong magreview ng isang major kaya napagdesisyunan kong bumaba muna at magluto ng snacks. Nagpaalam ako sa kanila at iniwan muna sila sa kwarto ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Raizer at Akken na nandun pa rin sa sofa at nakaharap sa TV. Nagv-video games sila, panigurado. Aish. Hindi na ako nakakapanood ng 'Crash Landing On You' dahil wala na 'yun sa isip ko simula nung pumasok ako sa kolehiyo. Mukhang natapos na rin naman 'yun dahil ilang buwan na rin ang nakalipas.

" Nagluluto ka?." Napalingon kaagad sa'kin si Daron ng magtanong ako. Hindi man lang siya nagulat sa presensya ko, hindi ba kagulat gulat ang kagandahang 'to?! Charot.

" I'm trying to bake a cupcake." Nagmix siya ng flour at itlog sa bowl hanggang sa maging isa na ang mixture nito. May hilig ba talaga siya sa ganito?

" I'll help you. Okay lang?." Tumango naman siya kaya pumunta ako sa tabi niya para tingnan kung anong maitutulong ko.

Mabilis lang kami nakatapos at naghihintay nalang kami kung kailan tutunog ang oven senyales na luto na ang cupcake. Magkatabi pa rin kami pero hindi yung magkadikit talaga, may konting space pa rin syempre. Nagtitipa siya sa phone niya habang ako eto, nakatulala lang sa kawalan. Sino bang kachat niya? Ah basta... bakit ko ba tinatanong?! Ano namang pakialam ko?! Kainis naman kase eh! Hindi ko rin nadala yung phone ko kaya wala akong mapagkakaabalahan. May 20 mins. pa naman bago maluto yung cupcake.

Helveryst Series #1 : Babysitting The Five Hot Jerks Where stories live. Discover now