Three

94 2 0
                                    

TSARB: Chapter 3


"Kasha?" 


Mula sa sa pisara, nilipat ko ang tingin kay Ma'am Mendoza nang sambitin niya ang pangalan ko. I stopped erasing what's written on the board. Nilapag ko ang eraser sa mesa at naglakad ako palapit sa table niya. 


"Po?" tanong ko nang makalapit.


"Later tonight, I will send the files in our GC," she's now closing the folder she was scanning the whole time.


"Sige po. Bukas, bibigyan ko po kayo ng copy kapag printed na po," she nodded her head.


"Thank you for today, anak," she smiled at me. 


"No problem, Ma'am," I smiled at her.


She nodded her head and started fixing her things. I got back on what I was doing earlier. Muli kong binura ang nakasulat sa pisara. Mas binilisan ko lang ngayon, para matulungan si Ma'am Mendoza na dalhin ang mga gamit niya sa faculty.


Kami na lamang ang naiwan ngayon sa classroom. Kalalabas lang ng ibang students na member ng English Club. Pang umaga kasi ang klase nila at kanina pa ang uwian. Hindi lang umuwi agad, dahil may meeting ang EC. It's Friday. At tuwing Biyernes nagmemeeting ang EC.


Ako naman, nagpahuli ngayong araw dahil wala si Ate Clea, ang President ng English Club. Wala rin Kuya si Brix, na VP naman. Sila kasi ang pambato ng school namin sa isang contest. Ako ang secretary, kaya ako ang siyang nakausap at naatasan ni Ma'am Mendoza ngayon.


Mabilis kong nilagay sa lagayan ang eraser, nang mabura na lahat nang nakasulat sa pisara. Pinagpag ko ang dalawang kamay at kinuha ang alcohol sa bag. I applied the alcohol as fast as I could. I then walked towards the teacher's table, still rubbing my hands.


"Ma'am, tulungan ko na po kayo maghatid sa faculty," I offered.


"It's okay, anak. My son will help me. Darating na rin 'yun anytime," she smiled at me.


She has that aura, that you won't be scared nor nervous to approach her. She looked calm always. Hindi siya mukhang istrikta.


I was about to nod my head with what she said, when someone barged in the room.


"Ma! Sorry, may enkwentro sa daan. Kanina pa po ba kayo naghihintay?" 


Tumaas ang dalawang kilay ko nang makilala ang dumating na estudyante. He's that guy from the last time. That guy who returned my handkerchief, and even guessed that my perfume was Sweet Honesty. That very talkative guy in the Bay.


He didn't notice me yet.


Or maybe, he doesn't remember me at all. After that day in the Bay, I never seen him again. I mean, tatlong araw palang din naman simula nang magkita kami. At kahapon hindi ako nakadaan, dahil marami akong assignment na ginawa.


At higit sa lahat, hindi na ako umuupo sa inuupuan ko noong nagkita kami. Sa medyo malayo-layo na ako umuupo. Hindi naman sa umaasa akong tatabi parin siya sa akin ulit. Pero mabuti na rin 'yung sigurado.


Hindi ako gumalaw nang lumapit siya sa mesa para kunin ang mga gamit ng Mama niya. He's Ma'am Mendoza's son, I see. And I remembered him saying that he's done cutting classes, and that he has no regrets. And even asked me, if I did that too.


Sinipat ko ang kabuoan niya. He looked neat with his uniform. Nakagel din ang undercut na buhok, kaya maayos iyon. Hindi katulad noong nakita ko siya na may pawis na sa noo. Suot din niya ang itim na school backpack. Ang red na ID lace, ang kulay ng lace ng mga grade 9 students, maayos din ang pagkakasabit.


From his mother's things, that he picked on the table, his eyes shifted on me. Ganoon nalang ang pagbabago ng hitsura niya. He was surprised. Ako naman ganoon pa rin ang hitsura, not even excited nor happy that he's here. And that finally, nagkita na kami sa loob ng school.


"U-uy," nautal niyang bati sa akin.


Maliit lang akong tumango, to acknowledge his presence. My face was still void with emotion.


He smiled at me and glanced at his mother.


"Estudyante mo, Ma?" tanong niya kay Ma'am Mendoza, nang makuha na ang mga gamit.


"Stop that, Cedric," Ma'am Mendoza said strictly.


"Ma, tinatanong ko lang," humalakhak siya at sinulyapan ako.


"Sige, mauna na kami Kasha. Thank you again for today 'nak," Ma'am bidding her goodbye.


"Sige po, anytime po," I smiled at her.


"Bye, Kasha," ang anak ni Ma'am, na mukhang natuwa dahil nalaman ang pangalan ko.


Ngumiti pa ito sa akin, bago sumunod sa Mama niya na lumabas na ng classroom.


I sighed.


Umalis na rin naman ako sa kinatatayuan at lumapit sa upuan kung nasaan ang mga gamit ko. Para umakyat na sa 3rd floor, kung saan ang classroom namin. Rinig na rinig ko ang mga ingay ng estudyante sa hallway. Nang maisuot na ang bag, naglakad na ako para lumabas sa room.


I flinched a little, when I saw Ma'am Mendoza's son, outside the room. He was still there. Buhat pa rin niya ang gamit ng Mama niya. Nakasandal ito sa pader malapit sa pintuan ng room. Na agad ko namang nalaman kung bakit hindi pa siya umaalis. 


May nakasalubong kasi na isa pang teacher si Ma'am Mendoza. Kaya nag-uusap sila ngayon.


"Estudyante ka pala ni Mama," aniya nang makitang hindi ako nakagalaw agad.


I just simply nodded my head and went out of the room. 


Ever since that day, I would always bumped with Cedric. Lagi niya kasing sinusundo ang Mama niya sa room para tulungan sa pagbibitbit ng mga gamit. I don't know if he have done that before.


Ngayong grade 9 lang din kasi ako naging part ng Englich Club. Kaya hindi ko alam kung talagang sinusundo palagi ni Cedric ang Mama niya. Madalas kasi, si Ate Clea nalang ang naiiwan kay Ma'am at si Kuya Brix noon. 

That Sunset Along Roxas Boulevard (Sintang Paaralan Series # 3)Where stories live. Discover now