Prologue

14 0 0
                                    

Third person's pov

Habang hihinihintay ni alexis si winter sa labas ng kanilang bahay, napaisip siya sa mga pwedeng mangyari pagkatapos ng araw na ito.

"Magagalit ba siya sakin?" "Pano kung sa pagbalik ko nakahanap na siya ng iba?" "Pano kung masaya na siya na wala ako sa tabi niya?" "Will he hate if I broke up with him?" mga tanong niya sa kaniyang sarili.

Napabuntong hininga nalang ang binata dahil sa kaniyang mga iniisip at tanong sa kaniyang sarili. "Hey Mr. Summer" pagtawag ni winter sa kaniyang nobyo, napatingin naman si alexis at ginantihan niya ito ng matamis na ngiti.

"ready ka na?" tanong ni alexis sa kaniyang nobyo. "duh, sinong hindi excited sa tuwing inaaya ka ng jowa mo mag date?" tugon naman ng kanyang nobyo. Masayang nagb-biyahe papunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan ang mag nobyo.

"andito na tayo!" masayang tugon ni alexis. Napalingon naman mula sa passengers sit si winter at siya ay napamangha sa ganda ng lugar. "CARNIVAL!?" malakas at masayang tanong ni winter sa kaniyang nobyo. Napatango na lamang si alexis sa kaniyang nobyo.

Masayang naglalakad ang mag nobyo habang magka-hawak ang kanilang mga kamay tila'y ayaw na nilang bitawan ang isa't - isa sa takot na mawala silang dalawa dahil sa dami ng tao. Sa kanilang paglalakad, sila'y napapahinto tuwing may gustong subukan na mga laro si winter. "OMG! nanalo ako!" masayang tugon ni winter habang tumatalon at nag sisigaw. "wow, congrats love. tsaka wag ka ngang sumigaw" tugon ni alexis sa kaniyang nobyo na nagtatalon parin sa tuwa dahil siya'y nanalo.

(time skip)

Palubog na ang araw at naisipan nilang mag lakad-lakad nalang muna. Masaya nilang pinagmamasdan ang mga taong nagkakatuwaan sa kani-kanilang mga ginagawa.

"nag enjoy ka ba sa date natin?" pagtanong ni alexis kay winter at tumango naman ang kaniyang nobyo bilang sagot sa kaniyang tanong. "gusto mo ba sumakay sa ferris wheel?" muli niyang tanong sa kaniyang nobyo. Napaisip naman si winter sa tanong ng kaniyang nobyo at sumagot "wag na siguro" nakangiting sagot ni winter habang tumitingin kay alexis. Nagtaka naman si alexis sa sagot ng kaniyang nobyo dahil ngayon lamang ito tumanggi.

"bakit? pagod kana? gusto mo na bang umuwi?" pagtataka at pag-aalalang tanong si alexis ay winter. "hindi naman sa pagod na ako, ayoko ko lang sumakay kasi medyo nakakasawa na." nakangiting sagot ni winter. "gusto mo na bang umuwi?" muling tanong ni alexis sa kaniyang nobyo. "siguro? haha" sagot nito bahagyang tumawa.

"paano ko bibitawan ang tao na to kung sa tawa palang mahihirapan ka ng bumitaw?" bulong ni alexis sa kaniyang sarili. "hello? sum? alexis?" pagtawag ni winter sa kaniyang nobyo na ngayon ay nakatulala. "weird" bulong niya sa kaniyang sarili ng biglang nag salita si alexis.

"since ayaw mo pa umuwi, punta nalang tayo sa park" pagtanong ni alexis sa kaniyang nobyo na ngayon ay napangiti ng malaki dahil sa kaniyang ideya. "okay! let's go!" masayang tugon ni winter.

~~~~

Habang sila'y naglakad patungo sa park, hindi maiwasang mapangiti ni alexis sa kaniyang nobyo na sa ngayon ay madami ang sinasabi ngunit ni isa ay hindi pinagtuunan ng pansin.

"tapos ayun after nun nagkabati na sila" pagtatapoa ni winter sa kaniyang istorya at tumingin kay alexis na bahagyang ngumingiti sa kaniya.

"bat ka nakangiti dyan? okay ka lang ba? nakinig ka ba sa shinare ko?"  sunod-sunod niyang tanong kay alexis.

"grabe, kailangan talaga sunod-sunod yung tanong mo? hahaha" tugon ni alexis at bahagyang tumawa.

"sa first question mo, nakangiti ako dahil ang cute mo pag nag kukuwento ka. pangalawa, oo, okay lang ako kasi kasama kita. kasama ko yung lakas at pahinga ko. pangatlo, sorry love pero hindi ako nakikinig. masyado akong nabulag sa kagwapuhan mo." sunod-sunod na sagot ni alexis sa tanong ng kaniyang nobyo at bahagyang ngumiti.

"naappreciate ko yung mga sagot mo sa dalawang tanong ko. sa pangatlo? medyo disappointed ako kasi alam ko na sinabi mo lang na nabubulag ka sa kagwapuhan ko para di ako magalit sayo" malungkot na tugon ni winter at bahagyang napayuko.

"ano ka ba, syempre di ko sinabi yun para lang hindi ka magalit sakin. sinabi ko yun kasi totoo na nabubulag ako sa kagwapuhan mo" nakangiting tugon ni alexis at sinisigurado na mapagaan ang loob ng kaniyang nobyo.

Bahagya silang nakaupo ngayon sa mga swing at tumitingala sa langit na puno ng magaganda at nag liliwanang na mga bituin.

"alam mo ba kung bakit di ako nagsasawa kakatitig sa mga freckles mo" tanong ni alexis sa kaniyang nobyo. "bakit?" nagtataka ngunit nakangiting tanong ni winter kay alexis. Napatingin naman si alexis sa kaniyang nobyo bago siya mag salita.

"kasi sa tuwing tinitingnan ko mga freckles mo nakikita ko ang mga bituin. pag tumitingin naman ako sa mga bituin, naaalala ko ang mga freckles mo" nakangiting sagot ni alexis at bahagyang napatingin sa kaniyan nobyo.

"corny mo gago" natatawang tugon ni winter.

Napatingila ulit si alexis sa mga tala at bahagyang nag iisip kung dapat niya bang sabihin sa kaniyang nobyo. Inipon ni alexis lahat ng kaniyang lakas at tuluyan ng lumabas sa kaniyang mga bibig ang mga salita na ayaw niyang ilabas.

"love" pagtawag ni alexis kay winter. Napalingon naman si winter na nakataas ang bilang sagot. Bumuntong hiningi ng malakas si alexis bago siya ulit magsalita.

"love, naalala mo ba nung first anniv. natin, yung nag promise tayo sa isa't - isa na 'never let go'?" pagtatanong ni alexis sa kaniyang nobyo at pinipigilan na tumulo ang kaniyang mga luha.

"oo, promise natin yun eh. syempre di ko yun kakalimutan" pagsagot naman ni winter ngunit may halo itong kaba. Napabuntong hininga naman si alexis ng malakas bago niya sabibin ang mga salita na siyang dahilan sa pagbago ng kabanata sa kanilang istorya.

"I'm sorry, pero I can't fullfil my promise anymore. I'm sorry but I need to let you go. I also need you to let go. I'm sorry but I got to let go. I'm sorry" pagbitaw ni alexis sa mga salita na siya ring dahilan ng kanyang pagkawasak.

Nanatiling nakatingin si winter sa kaniyang nobyo na ngayo'y nakatayo at bahagyang umiiyak. Sa mga oras na iyon, walang may ni isang salita ang nakalabas sa kaniyang bibig. Hindi maproseso sa utak niya ang mga sinabi ng kaniyang nobyo. Paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang mga binitawang salita ni alexis. Sa mga oras na iyon hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung pipigilan niya ba ito o tuluyan na rin siyang bibitaw. Maraming bagay, salita at tanong ang pumapasok sa isipan ni winter ngunit sa di inaasahang pangyayari, hindi niya pinigilan ang kaniyang nobyo. Sa halip ay bumitaw rin sya.

"anong nangyare sa 'never let go'?" mangiyak-iyak na tanong ni winter kay alexis ngunit wala siyang may nakuhang sagot kundi tunog lamang iyak. Pinunasan niya ang mga luhang walang tigil sa pagbagsak sa kaniyang mga pisngi.

"Sige" sagot ni winter na siyang dahilan para mapatingin sa kanya si alexis. "sige, kung yan ang gusto mo." muli niyang tugon. "may rason naman siguro kung bakit ka bumitaw diba?" tanong niya sa kaniyang nobyo at ngayo'y tinitignan siya sa kaniyang mga mata.

"I know you have your reasons, but I won't force you" nakangiti niyang tugon habang tumitingin sa mga mata ni alexis. Mga ngiting pilit, mga ngiting pilit na tinatago ang sakit na kaniyang nararamdaman.

"I'm sorry" yan na lamang ang nasabi ni alexis bago siyang tuluyan na umalis sa harapan ni winter.

Iyak. Malakas na iyak na lamang ang nagawa ni winter sa mga oras na iyon. Iyak na pinaghalo ang sakit at paghihinagpis.

~~~~

"KRIIING! KRIIING! KRIIING! KRIIING!"


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Goodbye WinterWhere stories live. Discover now