Chapter 07

463 20 1
                                    


HI GUYS.

SANA MAG 2k na ang story ni Josh.🤭♥️

Yieeeeee thank you so much sa support. Sa mga may Dreame jan just follow me (SweetAga16) and support my stories there. Lovelots.♥️

Let's go! I'm so excited.





Enjoy Reading :)

MASAYANG NGUMITI si Sweetness nang makapasok siya sa condo na binili sa kanya ng Tito niya. Hindi niya alam pero kahit naman gusto niyang umalis sa bahay na kinalakihan niya ay nakakaramdam pa rin siya ng lungkot.

"Ayos ka na dito? Mas safe ka dito. Madaming CCTV na nagkalat bawat floor dito sa building. Dadalawin kita kada linggo," sabi nito kaya napalingon siya dito.


"Tito baka kung ano pong isipin ni tita," kinakabahan na sabi niya.


"Don't worry about my wife. Nakapag-usap na kaming dalawa. Katulad ng sabi ko. Anak kita at hindi magbabago ang bagay na 'yon. Mahal kita katulad ng pagmamahal na meron ako kay Cassie," sabi nito kaya nakaramdam siya ng matinding kasiyahan sa puso niya.

Napakaswerte niya dahil meron siyang ama-amahan na katulad ng Tito niya.


"Thank you po," madamdaming sabi niya dito.

Kapag nakapagtapos siya ng pag-aaral. Susuklian niya lahat ng paghihirap sa kanya ng mga kumupkop sa kanya.

"Tawagan mo ako lagi o itext kung kamusta ka at kung may kailangan ka. Agad-agad akong nandito, magsabi ka lang anak," sabi nito kaya tumango siya at napatingin sa mga taong buhat-buhat ang mga gamit niya.

Mukha sa ilang mga maleta para sa mga damit niya at mga maliliit na bagay.

"Tito nasaan po pala 'yong drafting table ko?" tanong niya rito.


"Iniwan ko na sa mansyon. Dadalaw ka pa naman doon, gusto ko may maiwan ka pa din na gamit dahil do'n naman ang bahay mo. Binilhan kita ng bagong drafting table 'yong mas malaki at mas madaling gamitin. Bago din ang mga rulers mo at mga canvas," sabi nito kaya masayang-masaya siya.


"Thank you so much, Tito," malambing na aniya at niyakap na naman nito. Napansin niya din na medyo malaki ang condo na binili sa kanya ng ama-amahan.

Hinalikan siya nito sa noo at nagpaalam na sa kanya.

Napangiti na lang siya dahil at least dito wala ng mga masakit na salitang sasabihin sa kanya. Wala ng dadagdag sa sama ng loob niya.


Malaya na siya kahit papaano.




NAPASABUNOT SI Josh habang sinusundan ng tingin si Cassie na may kasamang ibang lalake. Nang hindi niya kasi nasunod ang sinabi nito about sa pagkakaibigan nila ni Maikaela ay nagtampo ito sinabing 'wag na siyang magligaw.

Tang-ina hindi naman niya akalain na big deal pala kay Cassie ang pagtanggi niya.

Siya lang ang kaibigan ni Maikaela.

He really don't understand Cassie this time. Hindi niya maintindihan ang rason nito kung bakit pati si Maika. Kaya niya pa kung si Sweetness ang lalayuan niya dahil wala naman talaga siyang business para kay Sweetness. Lumalapit lang siya dito dahil pinsan ito ni Cassie.

Napabuntong hininga siya dahil nagseselos siya. Bakit agad-agad meron itong lalaki?

Bakit ang bilis naman yata?!

His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon