21

16 1 0
                                    

Chapter 21

"Anong plano niyo ni Liam Ed cMagpapakasal ulit kayo?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Martin, kinagat niya ang pizza'ng hawak habang hinihintay ang magiging sagot ko.

Nandito kami ngayon sa pagbubuksan niya ng bar. Nirerenovate pa ang buong lugar kaya sa tingin ko ay ilang buwan pa bago ito buksan. Malaki rin ang lugar at may second floor. Iyong second floor ay gagawin niyang pang-vip. May limang rooms doon na kayang mag-accommodate ng 5-10 persons sa isang room.

Nagkibit balikat ako sa kaniya. Sa ngayon ay masyado pang malayo ang isip ko sa kasal. Ang mahalaga ay maayos kaming nakakapag-usap ngayon at nasasabi namin ng malaya ang nararamdaman sa isa't isa. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung anong label namin ni Liam.

"Hindi ko pa alam. Depende sa mga mangyayari," sagot ko, at ininom ang juice ko.

Tumayo na ko at nagpaalam sa kaniya nang makita ko sa entrance si Liam. Plano naming bisitahin ang anghel namin. Hindi kasi natuloy ang pagbisita niya nang magbreakdown ako noon.

"Mauna na ko, ha?" nakangiti kong paalam sa kaniya.

"Tsk, mabuti pa nga, hindi ko na maatim makita kung gaano ka kislap ang mata mo sa saya," sagot niyang naiiling, ngunit nakita ko ang palihim na ngiti niya.

"Inggit ka lang," dinilaan ko siya at mabilis na lumakad papunta kay Liam.

"This is really a great idea," namamangha niyang sambit habang pinapasadahan ng tingin ang buong lugar. Mahina ko siyang binatukan.

"Malamang ko nga, ang lapit sa condo mo, e. Siguro ay sobrang dalas mo rito," inirapan ko siya, dahil alam ko na ang nasa isip niya, natawa naman siya sa sinabi ko na parang nabuking siya.

"Tara na," aya niya sa 'kin, kinilabutan ako nang hawakan niya ang baywang ko, napalingon ako kay Martin na naniningkit ang mata sa 'kin.

Alam kong malandi ako, Mart. You don't have to give me that pleasure.

"Saan mo gustong pumunta pagkatapos?" tanong niya sa 'kin, mabilis na dumako ang tingin niya sa 'kin at ibinalik sa daan.

Sa saglit na pagtama ng tingin namin ay nakita ko ang saya doon. Hindi ganoon kasaya, pero alam mong may buhay iyon. Kahit pa ilang buwan na kaming nagkakasama sa taping ay hindi ko iyon nakita mula sa kaniya.

"Ganyan ba ako kapogi para titigan mo ng ganyang katagal?" nakangisi niyang biro. Hindi ko pinansin iyon at umiwas na lang ng tingin.

"Kahit saan, gusto mo magmall? Tapos daanan na natin 'yong kotse ko," pagsasabi ko sa kaniya ng plano ko.

Nagpamaintenance kasi ako ng kotse ko kaya wala akong dala, kaya rin biglang nabuo ang plano namin ngayong araw ni Liam.

"H'wag na natin daanan ang kotse mo. Ako ang mag-uuwi sayo sa bahay niyo," sabi niya, ngumuso siya at bahagyang nakakunot ang noo dahil sa hindi niya pagsang-ayon.

"Hindi p'wede, wala akong gagamitin bukas papuntang Bulacan," sagot ko kay Liam. Doon kasi kami nagsho-shoot.

"Sa 'kin ka sumabay," ganoon pa rin ang hitsura niya, tumaas ng kilay ko sa kaniya. Parang hindi big deal ang sinabi niya, ah?

Silhouette of YesterdayWhere stories live. Discover now