Chapter 1

24.2K 321 5
                                    


Nandito ako sa banyo ng kuwarto ko hawak ang pregnancy test, hinihintay ang resulta ng pagkakamaling ginawa ko ng gabing yun.

Nanginginig na mga kamay habang hawak ang pregnancy test, pikit ang matang takot na makita ang bunga ng isang pagkakamali.

"Tick tock, tick tock" tunog ng orasan hanggang sa matapos ang minuto na nakasaad sa instruction kung paano gamitin ang PT.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata, na sana hindi ko na ginawa.

Nasaksihan ko kung paano naging dalawang guhit ang pulang linya na nagpapatunay na nagbunga ang gabing yun.

Hindi ko namalayan, unti-unting tumutulo ang mga luha ko habang nalilito kung ano ang dapat kong gawin.

'Natatakot ako, ano nalang ang reaksyon ni auntie pag nalaman niyang buntis ako? Natatakot ako'

Yan lang ang laman ng utak ko habang pinagmamasdan ko ang pregnancy test na hawak ko, hinihiling na sana mali lang ang nakita ko.

Pinagsisisihan ko ang nangyari, sana hindi nalang ako nagpunta sa lugar na yun. Sana nakinig nalang ako sa kaibigan ko na wag nang pumunta.

Masyado pa akong bata para mabuntis. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko at hinawakan ang tiyan kong hindi pa lumalaki.

'Tok tok tok' rinig kong katok sa pintuan sa banyo

"Gladys? Ang tagal mo sa loob ng banyo, ano bang ginagawa mo?" Tanong ng tao sa labas, ang kaibigan kong pumigil sa aking umalis ng gabing yun.

Anong gagawin ko, paano kapag nalaman niyang buntis ako? Anong magiging reaksyon niya? Sasabihin niya bang disgrasyada ako? Na dapat nakinig nalang ako sa kanya nang gabing yun?

Nagsisisi ako sa nangyari. 'Baby, patawad. Ayaw ko namang gawin to eh, pero hindi natin kakayaning mabuhay dalawa ng ganito.'

Itinaas ko ang kamao ko sa sinuntok ang sariling tiyan.

Masakit, pero mahihirapan lang ang anak ko kapag lumabas siya na magulo ang buhay ko. Mahihirapan lang siya.

Habang umiiyak, patuloy kong sinusuntok ang tiyan ko. Hinihiling na mawala ang batang nasa sinapupunan ko. Takot na maranasan niya ang gulo at ang marahas na mundo.

Mas lalong lumakas ang iyak ko habang mas nagiging marahas ang ginagawa ko. Rinig ko rin kung paano naging mas malakas ang katok sa pintuan.

"Gladys!! Ano ba ang nangyayari?! Buksan mo to!!" Sigaw niya sa labas ng banyo.

Hindi ko alam ang nangyari, narinig ko nalang ang takbuhan ng mga tao at marahas na pagbukas ng pintuan. Doon, nasaksihan nila ang nagyayari

"Gladys!Tama na! Tama na!" Sigaw ng kaibigan ko habang pinipigilan ako na saktan pa ang sarili ko.

Nakita din naman ito ng may-ari ng apartment.

Nakita ko ang awa at simpatya sa mukha niya.

Hindi ko kailangan ng awa! Hindi ko kailangan yan! Wag mo kong tingnan nang ganyan!

Gusto kong isigaw pero walang lumabas sa bibig ko kundi ang mga hikbi at iyak.

Yakap-yakap ako ng kaibigan ko habang pinapatahan ako. Nakita niya ang sanhi ng pagwawala ko. Ang PT na nasa kamay ko.

Dahan-dahan siyang lumayo sakin at kinuha ang pregnancy test sa mga kamay ko. Nakita ko kung paano siya napatigil at napaluha sa nakita.

"Buntis ka?" Tanging lumabas sa bibig niya. Napatakip naman sa bibig ang matanda na kanina pang nanonood sa nangyari. Ang kaninang awa at simpatyang nakikita ko ay nahaluan ng pandidiri, na parang akala mo may sakit ako na nakakahawa.

Ganun na ba ka-sama ang nangyari? Nang dahil lang sa buntis ako? Nakatitig siya sakin na parang ang sama-sama kong tao.

Ang sakit, sobrang nasasaktan ako sa nangyari. Nang dahil lang sa maling desisyon. Bata pa ako eh, mag-ga-graduate palang ako sa college. Ano nalang sasabihin ng mga teachers ko kung buntis ako? Pandidirihan din ba nila ako? Titingnan na parang kasalanan ko ang lahat?

Totoo naman, kasalanan ko naman talaga. Hindi kasi ako nakinig.

"Jamie" tanging nabanggit ko habang umiiyak. Nanghihingi ng tulong sa kaibigan ko.

"P-paano? Anong nangyari?" Gulat na tanong niya habang umiiyak.

Nangako kaming dalawa sa isa't-isa, magtatapos muna ng college at maghahanap ng trabaho saka pa ang magkaboyfriend at mag-asawa saka magkaanak. Pero anong ginawa ko? Wala na.

Nanginginig na lumapit ulit sa akin si Jamie at hinawakan ang kamay ko.

"Sabihin mo sakin, balak mo bang patayin ang batang nasa sinapupunan mo kanina? Ha?Gladys?" Tanong niya habang tumutulo ang butil ng luha mula sa mga mata niya

Mas lalong lumakas ang iyak ko

"Sorry, sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Yun lang ang naiisip kong paraan" umiiyak na saad ko habang nanghihingi ng tulong sa nag-iisang kaibigan ko.

Pero isang tingin na parang ang sama-sama kong tao ang natanggap ko

"Paano mo masisikmurang kumain ng tatlong beses sa isang araw habang nakapatay ka ng batang hindi pa nakikita ang mundo? Ganyan ka na ba kasama?" Huling sabi niya bago tumakbo paalis.

Hindi. Akala ko maiintindihan niya ako, bakit?

Umiling-iling lang din ang matandang babae sa narinig niya, halatang hindi sang-ayon sa narinig.

M-mali ba? Iniisip ko lang naman ang mas makabubuti sa aming dalawa. Mali ba?

Hindi ko namalayan, umalis na din ang matandang babae at naiwan akong mag-isa.

Siguro ganun din ang magiging reaksyon ni auntie pag nalaman niya. Ma-disappoint siya sakin. Magagalit.

Mabuting pang umalis nalang ako. Nahihiya ako para sa sarili ko. Mali nga sigurong patayin ko ang bata.

Napangiti nalang ako ng mapait

'Baby, ayaw mo bang iwan si mama? Kahit sinaktan na kita at pinagtangkaang patayin nanjan ka parin na parang walang epekto sayo ang ginawa ni mama. Sorry baby ko, pangako ko, mabubuhay tayong dalawa ng masaya'

Sa isip kong yun, kinuha ko ang mga damit ko at perang naipon ko sa pagiging working student. Malapit na rin ang graduation, hindi pa masyadong la-laki ang tiyan ko. 2 buwan nalang graduation na.

Auntie, sorry. Ang laki ng kasalanan na nagawa ko. Sorry po talaga.

Jamie, alam kong kasalanan ko. Sana nakinig nalang ako sayo ng gabing yun, pinagsisisihan ko ang nagyari. Patawarin mo ako.

Isa akong malaking kahihiyan.

Sa huling pagkakataon, tumingin ako sa loob ng apartment at umalis na. Nakapag paalam narin ako.

'Baby, suportahan mo si mama.'

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon