Chapter 23

6.1K 128 0
                                    


Madilim ang gabi at mahimbing na natutulog si Gladys sa kanilang higaan. Si Alex naman ay nakatingin lang sa dalaga na mahimbing na natutulog sa mga bisig niya.

Nakayakap ito ng mahigpit sa kanya at mukhang pagod na pagod. Sino ba namang hindi mapapagod sa excercise nila kanina?

Maya-maya ay nakarinig si Alex ng katok sa pinto, ito ay isa sa mga katulong na nandito sa mansiyon. Gabi na at hindi pa kumakain ang mga ito. Dahan-dahan namang inalis ni Alex ang mga kamay ng dalaga na nakayakap sa kanya ngunit bawat alis niya ay ibinabalik lang din naman ng mga dalaga.

Bahagya pang nangunot ang noo ng dilag at yayakap ulit sa binata. Mukhang hindi siya makakatayo nito.

"We'll eat later" malakas na sambit ni Alex upang marinig ng katulong, kaagad din namang umalis ito

Napatingin muli si Alex sa babae na malabong maistorbo ang tulog.

"Hon" sambit ni Alex at sinuklay-suklay ang buhok ng dalaga

"Mmmm" tanging sagot ng dalaga at inilapit ang mukha sa may leeg ni Alex.

'This girl' reklamo na lamang ni Alex sa isip. Nararamdaman kasi ng binata ang hininga ng dalaga sa leeg niya at ang labi nitkng nakadikit sa balat niya.

Napalunok naman ang lalaki sa nangyayari pero wala itong nagawa kundi ang yakapin pabalik ang dalaga na mahimbing na natutulog sa bisig niya.

"Hon, wake up" bulong ni alex at hinaplos muli ang buhok ng dalaga at dahil parang walang nangyari ay puwersahang ipinahiga ng lalaki si Gladys na patihaya at pumatong dito.

Kaagad niyang hinalikan ang leeg ni Gladys. Ramdam naman ito ng dalaga at yumakap pa siya, mukhang tulog na tulog nga.

Di nagtagal ay dumating ang labi ng lalaki sa labi ni Gladys. Ramdam naman ni Alex ang pag ayaw nito pero patuloy lang siya sa ginagawa.

Naramdaman naman ng dalaga na medyo nahihirapan na siyang huminga dahil sa bagay na nakaharang sa labi niya.

Biglang napamulat ang dalaga at sumalubong sa kanya ang mga mata ni Alex. Tinigil na niya ang paghalik at mabilis na hinalikan ang mata ng dalaga.

"Wake up sleepy head, dinner time" sabi ng binata at tumabi na sa dalaga.

Nahirapan namang umupo si Gladys ng tuwid, masyadong masakit kasi!

Inalalayan naman kaagad ni Alex ang babae sa pag upo. Tumayo ito na walang saplot at mabilis na pumasok sa banyo. Pagkalabas nito ay nakaligo na at naka-bathrobe na ito

Isa-isang pinulot ni Alex ang mga damit na nakakalat, bigla namang namula ang mukha ni Gladys nung mahawalan ng lalaki ang kanyang underwear na kulay baby pink at ang kanyang bra.

Nakakahiya!

Napatingin din naman si Alex sa babae at nung makita niya ang namumulang mukha nito ay bigla siyang napangisi. 

Mas lalo namang namula ang mukha ni Gladys at tinakpan ang buong mukha ng kumot. Binalot niya ang sarili sa kumot.

Napatawa naman ng malakas si Alex sa reaksiyon ni Gladys, nakakatawa ang mukha nito. Sobrang pula!

"Alex!" Sigaw ni Gladys at mas lalo pang binalot ang buong katawan ng kumot.

Nakakahiya talaga!

"What? I already saw everything" sa pagsabi nito ni Alex ay umikot ikot ang dalaga sa higaan na hindi alam kung kailan mahuhulog.

"Shit! Gladys stop!" Sigaw nito at tumakbo papunta sa babaeng malapit nang bumagsak sa higaan na balot ng kumot ang buong katawan.

Kaagad namang nasalo ni Alex ang dalaga at binitawan angmga damit na hawak niya kanina.

Mabilis na hinila ni Alex ang kumot paalis at nakita nito ang buong katawan ng dalaga pero binalot din agad ni Alex ang katawan ng dalaga upang matakpan ang maselang bahagi ng katawan nito.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong nito at hinaplos ang pisngi ni Gladys. Napatango lang naman ito sa tanong.

Napahinga naman ng maluwag ang lalaki at ibinalik sa higaan ang babae. Mabilis niyang hinalikan sa pisngi ang dilag at kinuha ulit ang mga damit at inilagay sa lagayan ng mga hinubad na damit.

Bumalik naman agad si Alex at tumabi sa dalaga.

"Don't do that again. What if you fall?" Nag aalalang tanong nito sa dalaga.

Na guilty naman si Gladys at niyakap nalang ang binata. Mabilis na nanubig ang mga mata nito at nagulat nalang ang lalaki sa mga hikbing kumawala sa babae.

"Are you okay? Why are you crying?" Malambing at nag aalalang tanong nito sa dalaga habang hinahaplos ang likod nito.

"I-I'm sorry" humihikbing saad ng dilag sa lalaki.

"Shhh, its not your fault. Stop crying, it is just an accident, okay?" Pagpapatahan nito at tumango naman ang dalaga.

"Stop crying" kumawala sa yakap si Alex at pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata ng babae.

"It's not your fault so don't cry" tumigil na rin ang pag iyak nito at napatingin nalang sa lalaki

"You should wear clothes or I'll do you" pagbabanta pa ni Alex at kaagad siyang nakatanggap ng hampas galing kay Gladys.

"Alex!"

Napatawa naman ang binata at hinalikan ulit sa labi ang dalaga bago binuhat at dinala sa loob ng banyo.

Pagkatapos maligo at mag ayos ay bumaba naman kaagad ang dalawa pero dahil nga medyo pagod pa ang dalaga ay inaalalayan pa rin ito ni Alex.

Bawat hakbang kasi ng dalaga at may kumikirot sa bandang ibaba, napaka halimaw naman kasi ng lalaki hindi man lang nagdahan-dahan.

Kasalanan niya to!

"Boss!" Pagbati ng apat

Hinintay pa talaga nila ang dalawa

Pagkadating nila sa hapag ay kuminang ang mga mata ni Gladys sa dami ng pagkain na nakahain sa lamesa.

Katabi niya ngayon si Alex at ito ang naglalagay ng pagkain na ituturo ng dalaga at inilalagay niya ito sa pinggan.

Napailing nalang ang apat. Ang tatlo naman ay iniisip na masyadong naging under kay Gladys.

Mukhang sobra ang pagka inlababo ng kanilang amo sa babae.

Si Macy naman ay nananaginip ng gising na sana katulad din niAlex ang mapangasawa niya, yung maalaga, mapagmahal at handang gawin ang lahat para sa minamahal.

Natigil naman ang kanyang pagpapantasya ng biglang sikuhin siya ni Xian.

"Nananaginip ka, wag kang mag alala walang nagmamahal sayo kaya kumain kana" nainis naman si Macy at mabilis na hinila ang tenga ni Xian.

"Aaraaaaayyyyy!" Malakas na sigaw ni Xian

"Ikaw lalaki ka, tumahimik ka kundi hindi lang ito ang gagawin ko sayo!" Pagbabanta ng dalaga.

"Oo na, oo na! Bitawan mo na tenga ko baka matanggal na talaga yan!" Sigaw pa ni Xian.

Inis naman na binitawan ni Macy ang tenga ng lalaki at masama ang tingin dito.

Nakanguso namang napahawak nalang si Xian sa tenga niyang namumula na.

"Napaka mapanakit mo talaga!" Dagdag pa na reklamo ni Xian

"Manahimik ka! Ipu-pukpok ko sayo tong kutsarang hawak ko pag di ka tumigil!" Inis pang dagdag ni Macy at inirapan ang lalaki

Napatawa naman ang lahat sa nangyari at kumain sila na puno ng tawanan at asaran dahil kina Macy at Xian.

You Are MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon