Chapter Thirteen

1.5K 112 278
                                    

Matapos ang nangyari kanina ay pakiramdam ko hindi na ako makakalabas dito sa banyo. Letse kasing Jay yan! Pakiramdam ko hanggang ngayon nakadikit pa rin yung labi niya sa akin.


Gusto mo naman. Maharot ka.

Gusto ko na talagang sampalin ang malanding parte ng isipan ko. Kanina pa 'to eh. Parang si Jay lang, bibinggo na rin saakin 'to.

"Hey, hindi ba bawal ka daw magtagal dyan sa banyo?" kinatok ni Jay ang pinto ng banyo kaya wala akong magawa kung hindi magbihis na.

"Sandali lang punyeta!" sigaw ko sakanya. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya bago muling kinalampag ang pinto.

"Putang--ano ba?! Katok ka ng katok?! Nagbibihis nga yung tao di'ba?!" bulyaw ko sakanya. Halos lumuwa na ang vocal chords ko dahil sa pagkakasigaw ko kay Jay. Ewan, umiinit ang ulo ko sa tuwing naririnig ko ang boses ni Jay.

"Oh, edi next time hindi na ako kakatok. Diretso pasok nalang sa banyo" kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong naka-smirt siya dahil sa tono ng pananalita niya. Ano ba talaga itong lalaking to?! Angbbilis.mapikon kay Sunghoon pero kapag ako hindi man lang napipikon?! Kaimbyerna?!

"Alam mo Jay, pwede bang manahimik ka nalang sa isang tabi at huwag mo akong imbyernahin?!" inis na bulyaw ko sakanya. Dahil sa inis ay binuksan ko na rin ang pinto kahit na nakatapis lang ako. Najakaimbyerna kasi, kanina pa katok ng katok.

"What the..." mura nito at bahagyang napalunok.

"Oh ano?! Alis!" sigaw ko sakanya. Bigla naman siyang tumalikod at tumakbo na palabas ng kwarto. Nyare dun?

Sinarado ko na ang pinto ng banyo at pinagpatuloy ang pagbibihis. Wait, don't tell me kaya siya tumakbo palabas ay dahil nakita niya--what the hell?!

Argh sumasakit talaga ang ulo ko dito kay Jay! Kung hindi niya ako ininis edi sana hindi ako mapipilitan na buksan ang pinto ng ganito ang hitsura! Ang kulit kulit kasi! Katok ng katok!

Pagtapos kong magbihis ay dumiretso na ako palabas ng banyo at kinuha ang blower para patuyuin ang buhok ko. Mabuti nalang at wala dito si Jay sa tabi tabi para imbyermahin ako. Nakakabwisit talaga ang presence niya.

"Huy anong ginagawa mo?"

here comes the devil.

"Anong kailangan mo Sunoo? Paano ka nakapasok?" inis na sambit ko.

Ang alam ko ay puro guard dito sa mansyon, bakit may nakapasok na pusang gala?

"You know, there's a thing we called door." sarkastikong sambit niya kaya mas napairap ako. Buwisit?! Barahin daw ba ako?!

"Alam mo, imbyerna ka. Ano ba kasi kailangan mo?" sabi ko sakanya bago niya agawin ang blower sa kamay ko at siya na ang napatuyo ng buhok ko.

"Labas tayo? Gutom ako eh, libre mo" hindi naman ako makapaniwalang napatingin sakanya.

Seriously? Siya ang magaaya tapos ako ang magbabayad?!

"Sama natin si Heeseung siya na pagbayarin natin" sabi ko sakanya kaya naman napasimangot siya.

"Kawawa na wallet ni Heeseung hyung eh!" maktol nito saakin. Para talagang bata 'to. Ayos lang sana kung nagaambag siya eh, kaya lang hindi talaga!

Carrying Jay Park's Baby [Daddy Series #01]Where stories live. Discover now