Kabanata 3

524 25 0
                                    

Kabanata 3

"M-magandang umaga po." Kahit na naguguluhan pa ako sa mga nangyayari pinilit ko pa ring mag-isip nang maayos para kahit man lang mabati ko sila at hindi nila sabihin na bastos ako.

Pero ang hirap talagang maka-get over na ang lalaking nakakita ng boobs ko roon sa talon ay ang Señorito pala! Tapos ang sunod na lang nangyari ay bigla na lang naging madilim ang buong paligid ko.

At ganoon na nga, tumango na lang ako kasi habang nag-iisa ako sa bahay kanina bigla akong napaisip. Ang salo-salo sa mga Saavedra ay para sa pagdating ng Señorito, tapos 'yong lalaki sa talon kanina ay mukhang dayo! Paano na lang kung isa pala siya sa mga bisita ng Señorito?

Tapos magsabi sila sa Señorito tungkol doon sa nangyari sa talon? Hindi lang ako ang mapapahiya kundi pati na rin sina Nanay at Tatay. Paano na lang din kung kumalat yong sumbong na yon at maging tsismis? Ayoko namang maging bida sa usap-usapan ng mga trabahador sa hacienda!

"Ang killjoy killjoy mo talaga!" Eto agad ang bungad sa 'kin si Clara nang makita niya akong nakaupo sa kuwadra ni Julia at pinapanuod ang mag-inang kabayo na naglalambingan.

"Hi! Okay naman ako salamat sa pagtatanong Clara," sarcastic na sagot ko sa kanya at saka ako ngumiti pero ang maldita umirap pa sa 'kin.

Tumabi naman siya sa 'kin at saka binigyan ng sandaling pansin sila Julia at ang anak niya.

"At mas gusto mo pa talagang kasama yang mga kabayo mo kesa makita ang Señorito!" Sanay naman na ako sa ugali ni Clara kaya imbes na magalit ay natawa na lang ako sa kanya pero agad ding natigil sa paghampas niya sa 'kin.

"Ouch! Ang bigat talaga ng kamay mo kahit kelan!" At saka ko hinawakan ang braso kong nahampas niya.

"Alam mo bang pinakilala ang Señorito no'ng isang gabi! At saka bakit wala ka noong sumunod na araw?" Kung alam mo lang ang nangyari noong isang araw Clara! Malamang ay mas gusto mo na lang din mag-stay ng bahay!

"Grabe, ang gwapo talaga ng Señorito! Ka-level ng kapogian niya sila Chris Evans! Kung hindi lang talaga formal party 'yon, gagawin ko ang ginagawa sa school! Titili ako ng bonggang-bonga at sisigaw ako ng 'ang pogi mo Señorito' hanggang sa mapaos ako!"

"Alam mo ba, buong summer daw dito mag-stay si Señorito bago niya i-handle ang company nila as the CEO."

"Wow naman..." may pagkamangha na sagot ko naman kay Clara. Sana all mayaman para petiks lang ang buhay, ano?

"Kaka-graduate lang daw niya as cum laude, take note ang course pa niya is Architecture."

"At halos dalawang araw pa lang ang nakakalipas, ang dami mo na agad alam tungkol sa Señorito."

"Narinig ko lang naman na usap-usapan no'ng mga bisita nila sa party. At alam mo ba, 'yong party na 'yon ay para pala sa graduation niya. Ang Señorito daw mismo ang nag-decide na dito sa hacienda maghanda, at pili lang ang mga bisita, kakasawa na daw kasi 'yong mga party nila sa mga hotel, at para maiba naman daw. Lahat din ng bisita ang bongga, lalong-lalo na sa mga regalong binigay nila para sa Señorito."

"Sobrang importante niya pala talaga niya, 'no?"

"Talaga! Ikaw ba naman ang nag-iisang anak ng isa sa pinakamayamang business tycoon dito sa Pilipinas! At bachelor pa, nalaman ko ring wala pa daw siyang girlfriend at karamihan ng nagpunta na mga bisita ay may dalagang anak na gustong ipakilala sa Señorito."

Tumango-tango naman ako sa mga sinabi ni Clara, oo at na-amaze ako sa kwento niya dahil ang mga ganyan ay sa teleserye ko lang napapanuod, tapos biglang totoo palang nangyayari ito in real life. Talagang nakakabilib naman, pero syempre, hindi 'to tulad ng mga 'yon na may makikilalang mahirap na tauhan ang Señorito at sa bandang huli ay makakatuluyan niya 'to.

Medyo nagtagal din ang pag-uusap namin ni Clara hanggang sa dumating na si Marco.

"Pinapatawag ka daw ni Señyora."

"Ako?" At talagang tinuro ko pa 'yong sarili ko. Tumango naman siya habang nakatingin sa 'kin.

"May ire-request daw sana sa'yo at nag-aantay na siya sa bulwagan." Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan at na-excite ako at the same time.

"B-bakit daw?"

"Hindi ko alam eh, basta pinasundo ka lang niya."

"Sinong nandoon?"

"Ang Señoyora lang. Bakit ba mukhang kabado ka?"

"W-wala naman." At saka ko siya inaya na magpunta na sa bulwagan. Habang nakasakay naman kami sa kabayo hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari sa talon.

Nakarating ba sa kanila yong nangyari sa talon? Anong paliwanag ang sasabihin ko? Paano na lang kung makarating 'to kina Nanay at Tatay? Tapos pagbawalan na kami ni Marco na magpunta sa talon kasi baka ang nasa isip nila gumagawa kami ng kung ano-ano doon sa talon. Ni-hindi ko nga napansin na nakarating na pala kami ni Marco sa bulwagan.

"Alam mo mukha ka talagang kabadong-kabado diyan!" At saka ako inakbayan ni Marco habang papasok kami sa loob ng bulwagan.

"Relax, mabait ang Señora." Napatingin naman ako sa kanya at ilang minutes din kaming nasa ganoong estado. Kung hindi pa nga ako nakarinig ng pagtikhim ay hindi pa mawawala ang eye contact namin ni Marco.

Parehas pa kaming napatingin ni Marco sa taong nag-clear ng throat niya at wala akong ibang hiling sa mga oras na 'to kundi kainin na lang ng lupa ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan namin ngayon. Bumangon ang kaba sa dibdib ko at wala na akong gustong gawin kundi ang tumakbo palayo sa bulwagan kung hindi lang nakaakbay sa 'kin si Marco!

Tulad nang huli ko siyang makita, wala pa ring reaction ang mukha niya at nakatingin lang nang diretso sa mga mata ko, sinubukan kong i-maintain ang eye contact namin pero nakakailang talaga siya tumitig eh, kaya nag-iiwas ako ng tingin.

Hanggang sa biglang magsalita si Marco...

"Señorito," seryosong sabi niya at saka siya tumango dito sa lalaking kaharap namin at bago pa ako maka-react, sunod namang dumating ang Señyora.

"Kenzo, son, I'm glad you're here!" bati niya agad sa lalaking tinawag na Señorito ni Marco.

"Señyora, kasama ko na po si Selena." Lena ang palayaw ko at halos lahat ng kakilala ko ay 'yon ang tawag sa 'kin. Minsan lang ako matawag na Selena kapag kakakilala lang sa 'kin ng tao.

Hindi ko alam bakit pero noong magkasalubong ang tingin namin ni Señyora ay may kakaiba akong na-feel, kaso lang hindi ko ma-explain.

The CEO's Sister #Wattys2021 [Under Dreame]Where stories live. Discover now