Monday | 6:36 am
Jade: SERYOSO?!
Jade: Wala naman sanang halong biro madali akong ma-fall :)
Jade: Ang sabi mo 'you love me'? WAAA! ❤️❤️❤️
Jade: Para ng sasabog ang puso ko sa tuwa. Huhuhu! Panindigan mo 'to Gelo ❤️
Jade: Pero totoo ba? Love mo 'ko? Kailan pa??
Jade: Dahil umamin ka.. aamin na rin ako.. hihi! Gelo hindi n kita crush.. dahil mahal na kita ❤️❤️❤️
6:52
Seen by Angelo.
Angelo is typing..
Angelo: Wrong send.
Jade: Hindi ako wrong send. Para sayo talaga 'yan. Hihi!❤️
Angelo: Tss. Ako ang nag wrong send kagabi.
Jade: Anooooooo? ಥ‿ಥ
Angelo: Kay Princess ko ise-send 'yun. Lasing ako kaya sayo ko na-send. Tss.
Jade: Ah..
Jade: Nakakahiya. Huhu! Kalimutan mona 'yung sinabi ko.
Angelo: Alin? 'Yung mahal mona 'ko?
'Ayoko naaaa! Huhu'
Jade: Hehe. Nagbibiro lang ako..
Angelo: Ang tanga mo. Sinabi ko ng pampalipas oras lang kita 'diba? E, ano pang sinasabi mo dyan na mahal mo 'ko? Hahaha.
Jade: Matagal na 'kong ganto. Ngayon mo lang nalaman? Kahit pa hindi mo ako mahalin pabalik wala akong pakialam. Basta mahal kita.. tapos ang usapan (◍•ᴗ•◍)❤
Angelo: Malas mo. Hahaha!
Angelo: Iyong tipo mo ang nakaka turn-off. Mga babaeng mahilig mag habol sa lalaki.
Jade: Edi ang swerte nyo.. may mga katulad namin na hinahabol kayo.. oh diba? Kamahal mahal kayo 'nun.
Jade: Hayaan mo. Kapag nakita mo 'ko, ibang Jade ang makikita mo. Babaguhin ko ang sarili ko.. iyong kapag nagkita tayo hindi mo 'ko makilala.
Jade: Teka, warningan muna kita. Baka sa oras na makita mo 'ko ma-fall ka? Bawal 'yun. May girlfriend ka. Mwehehe!
Angelo: 'Wag kana mag sayang ng oras. Dahil kahit sino ka pa at kahit ano pang gawin mo.. hinding hindi kita magugustuhan.
Jade: Okay sabi mo e.. hehe! :D
Jade: Hihintayin ko sa susunod na mag chat ka ng 'I love you' totoo na. Haha! ♥
Angelo: That's impossible.
Jade: Nothing is impossible with God. Hehe! Masipag ako mag dasal (◍•ᴗ•◍)❤
Seen by Angelo.
Jade: Bye na, Gelo! Ingat sa pag pasok.
:)Angelo have been Offline.
NOTE: YOUR VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. THANKS FOR YOUR SUPPORT! ♥
BINABASA MO ANG
Notice Me Crush
Teen FictionTwo years ng crush ni Jade ang schoolmate na si Angelo. Kaya naman para mapansin siya nito ay naisipan niyang i-message ito araw-araw. Tila walang balak si Angelo na basahin ang mga messages niya, nawawalan na siya ng pag asa pero bigla siyang nabuh...