𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟏: 𝐈'𝐦 𝐖𝐢𝐭𝐡 𝐓𝐡𝐞𝐦
Have you ever seen the rainbow's end? O 'di kaya ang kabilang bahagi ng salamin? What if tayo pala yung kabilang bahagi non. Eh yung mga ghost, others can see and talk to them ngunit yung iba naman hindi.
Ako si Selena, certified melanogaster- este highschooler pala. Selena Del Valle yung buong pangalan ko. Tawag ng mga kaibigan ko sakin ay Selene, Sel o kahit mga panghayop na pangalan. Punong-puno ako nang curiousness na siya namang dahilan na ako'y nasa kapahamakan pero mahilig ako sa mga adventures at mga bagay na hindi kapani-paniwala. I am also a music lover kaya nga mayroong headset palagi yung tenga ko. Iyan 'din ang dahilan ang pagkapahamak ko, especially sa bahay na tinatawag na pala ako ni mama.
Nandito ako ngayon sa locker ko. Well, syempre naka headset ako, naka sweater na gray sa ibabaw ng uniporme, takip hoodie at naka backpack. I took my keys at binuksan yung locker ko. Math pala yung first subjec--
"Aray!"
Sigaw ko nung nauntog yung ulo ko nang bolang pang volleyball.
"Uy! Baka ma confiscate yan, hallway panaman 'to. Kaye! Uy!"
Hinarap ko kung sinong nagtapon ng bola sanhi ng pagkauntog ko. Maraming dumadaan na mga estudyante at nakita ko ang dalawang babaeng nasa harapan ko ngayon.
Ang mataas na babaeng may hawak nang bola ay si Kaye Garcia, siya ang totoong certified melanogaster talaga. She talks a lot, mapa-umaga, hapon, o gabi ngunit sa kabilang dako ng kanyang pagkapilosopo, mabait siya at masayang kasama. Ang mangiyak-ngiyak naman na babaeng naka light-ish brown yung buhok ay si Rhianna. Mahilig siya sa sports, at varsity siya dito sa school namin. Marupok nga lang.
"Kanina kapa namin tinatawag kaya tinapon ko nalang yung bola sa iyo." Ika ni Kaye.
"Kaye!!! Yung bola bigay mona!" Ang naiiritang boses ni Rhianna.
"Bigay mona yung bola sa kanya, mako-confiscate pa riyan dito eh. Maya-maya darating na si Mr. D, sige ka." Sabi ko sa kanila.
Kinuha ni Rhianna ang bola sa kay Kaye at nilagay sa kanyang bag na siyang lalagyan ng bola. Ewan ko ba lahat kasi dito natatakot sa kay Mr. D or may I say Mr. Dimagiba, ang Discipline Officer namin.
Malakas na tumunog ang bell na siyang signal na dapat nasa classroom na yung mga estudyante. Ang mga naglalakat na mga estudyante sa hallway ay nagsipasok na sa kanilang mga silid at kami rin.
Pagkapasok namin sinalubong kami ng tingin at ngiti mula sa tatlong babaeng nakaupo malapit sa pintuan.
"Andyan na pala kayo."
YOU ARE READING
𝙈𝙞𝙧𝙧𝙤𝙧'𝙨 𝙇𝙖𝙗𝙮𝙧𝙞𝙣𝙩𝙝 || 𝘔𝘪𝘯𝘛𝘢𝘬𝘢𝘥𝘢✔
Mystery / Thrillerะ𝙊𝙉𝙂𝙊𝙄𝙉𝙂❣ 𝐈'𝐦 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞𝐦... 𝐓𝐡𝐞𝐲'𝐫𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐦𝐞. 𝐓𝐡𝐚𝐭'𝐬 𝐡𝐨𝐰 𝐰𝐞'𝐫𝐞 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐨𝐬𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐛𝐞. 𝐌𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐲𝐚𝐫𝐢 𝐚𝐭 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚...