ONE

1.8K 27 0
                                    

A/N: NA UPLOAD KO NA PO TO SA ISANG WATTPAD ACC. KO BAKA MAGTAKA KAYO KASO DI KO NA MA-ACCESS YUN AT GUMAWA AKO NG BAGO AT INUPLOAD KO ULIT DITO PARA TAPUSIN HEHE

---------

JENNIE'S P.O.V

"Kahit kailan ang gwapo niya talaga."
Mahinang bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa malayo sa lalaking naka agaw agad nang atensyon ko simula nung mag transfer ako dito kahapon.

"Chaeng, sino yun?"
Lakas na loob na tanong ko kay Chaeng sabay turo dun sa Lalaki.
Kahapon ko lang nakilala si Chaeng at nag click naman agad kami.

"Ah yun ba? Nako, kung may gusto ka don itigil mo na agad."
Sagot niya sakin habang naka tuon parin sa Cellphone yung atensyon niya.

"Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kanya

Tinapunan niya naman agad ako ng tingin.
"Siya si Taehyung , isang basketball MVP Player, President ng Student Council. Bukod sa gwapo at matalino siya mayaman din, sila ang may ari nang pinakamalaking hospital dito. Kaya kung ini-imagine mo na ang future mo sa kanya, binabasag ko na agad yun."
Seryusong sabi niya sakin, napa singhap naman ako sa nalaman ko. Hindi lang pala siya ordinaryong Lalaki, Isa palang sikat ang isang to..

Dahil sa nalaman ko, Imbes na ma impress ako sa kanya, mas nalungkot tuloy ako. Ibig sabihin imposibleng mapansin niya ang isang katulad ko kasi Langit siya at Inner Core lang ako ng Earth, Oo ganyan kalayo yung gap namin.

"May gusto ka pang malaman tungkol sa kanya?"
Naka ngising tanong ni Chaeng sakin, inirapan ko naman siya.
"Wala na!"

"Come on, dapat malaman mo rin na ang kalahating babae dito sa WoodBridge University ay patay na patay sa kanya."
Nakakalokong ngisi yung binibigay niya sakin, pinapamukha niya talaga na Imposible akong mapansin nung Taehyung.
Kaya naka simangot lang akong tumingin sa kanya.

"Tsaka yung Queen Bee------------"

"Hep! Okay na. Tama na, tanggap ko na. So please can you stop?"
Naiinis na singit ko sa sasabihin niya.

"Sasabihin ko lang naman na nililigawan niya yung Queen Bee dito eh, Kasi may gusto yun sa kanya dati hanggang nagkagusto narin siya doon."
Mabilis na sabi niya..

"Okay.." Walang ganang sagot ko, yeah ganyan naman talaga yan eh. "And who's that Queen Bee?"
Na curios na tuloy ako.

Hinawakan naman ni Andy yung mukha ko at pinalingon ako sa likod ko, only to find three girls na parang nag rarampa pero nangingibabaw talaga yung ganda nung nasa gitna. At halos lahat nang estudyante naka tingin sa kanya, yung iba tumigil pa talaga sa ginagawa nila mapagmasdan lang siya. Shocks, ang ganda naman.

"Kita mo yun? Siya si Lalisa Manoban, Siya ang Queen Bee. Bukod sa maganda, matalino at sobrang masungit, sila ang may ari nang University na to."
Sabi ni Chaeng habang nakatingin parin ako doon sa Lalisa daw.

Inis na inalis ko naman yung kamay niya sa Mukha ko.
"Oo na! Walang wala na ako!"

Natawa naman siya sa inasal ko.
"So? Gusto mo pa ba si Taehyung??"

Sinamaan ko naman siya nang tingin. "Oo, May Problema ka doon? Pag ako nagustohan ni Taehyung who you ka sakin."

"Okay.." Naka hands up na sabi niya.

Bumuntong Hininga naman ako at tinapunan ulit nang tingin yung Lalisa.
Long Black Hair, Beautiful Face, Kissable Lips, White skin, Flat Stomach, Curvy hips, Long legs.
May namuo namang Insecurity sa loob ko, sino ba namang di magkaka gusto sayo? Eh malapit kana sa tinatawag na perpekto.

-----------
"May good news ako sayo."
Masayang sabi ni Chaeng ng matapos niyang ilapag yung tray na puno nang pagkain.

"Ano naman yun?" Walang interes na tanong ko at kinuha na yung pagkain ko.

YOUR P.A, YOUR LOVER (Girlxgirl) (GXG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon